Teacher sa Bulacan napagkakamalang estudyante sa paaralan

by KC Cordero
Sep 20, 2021
Dahil sa kanyang pagiging baby-faced, madalas mapagkamalang estudyante sa elementary ang teacher na si Ian Francis Manga. Photo courtesy of GMA News Online
PHOTO/S: Screen Grab from Stand For Truth

Nang unang mag-report si Ian Francis Manga sa kanyang trabaho, hindi siya pinapasok ng isang teacher sa classroom ng mga kindergarten students.

Napagkamalan kasi siyang estudyante na naligaw sa kindergarten class.

Sanay ang baby-faced teacher sa mga ganitong sitwasyon.

Ang review center owner na si Dr. Carl Balita ang isa sa mga unang nag-post sa Facebook ng tungkol sa kay Ian noong June 5, 2019.

Nang una niyang makita si Ian na nagbabasa ng Licensure Exam for Teachers (LET) review materials, ani Dr. Balita, "Akala ko isinama lang ng nanay niya."

Mas nagulat ang review center owner nang nagpa-participate ito sa discussion.

Saka lang niya nalaman na isa si Ian sa reviewees.

Sa nasabing video kung saan kausap ni Dr. Carl si Ian ay binati nito ang guro dahil nakapasa ito sa March 2019 LET, na aniya ay isa sa pinakamahirap dahil kokonti lang ang pumapasa.

Tinawag niya si Ian bilang “small but terrible teacher ng Bulacan” na kahit hindi kasingtangkad ng mga kaedad ay mataas ang level ng kanyang sipag at dedikasyon.

Continue reading below ↓

PARANG KUYA AT KALARO LANG NG KANYANG MGA ESTUDYANTE

Noong September 19, 2019 ay nai-feature si Ian ng programang Stand For Truth ng GMA News and Public Affairs. Nagtuturo na siya noon ng Kindergarten at Grade 3 sa Mater El-Roi, isang non-sectarian school sa San Jose Del Monte, Bulacan.

Continue reading below ↓

May mga footage sa programa na makikitang bago sila pumasok sa room ay nakikipaglaro muna siya sa kanyang mga estudyante.

Tingin raw niya sa mga bata ay parang kuya siya ng mga ito.

Pahayag ni Ian sa interview, “Pag actual teaching na saka ako nagiging seryoso. Kaya seryoso rin sila sa akin.

“Hati yung pagiging istrikto sa pagiging teacher. Teacher po ako, e. Hindi naman po puwedeng always play. Kailangan may seryosohan din.”

Ian Francis Manga

Continue reading below ↓

Ayon kay Melani Gerolia, isa ring teacher, close talaga si Ian sa mga bata.

“Si Sir Ian, mahilig talaga sa mga bata iyan.

“During PE time namin, makikita mong parang siya yung hindi napapagod sa paglalaro.”

HINDI NAGPAKONSULTA TUNGKOL SA KANYANG KONDISYON

Nagtapos si Ian ng Bachelor of Elementary Education sa St. Joseph College of Bulacan. Pinangarap niyang maging guro para sundan ang mga yapak ng kanyang ina.

Twenty-two years old siya nang makapasa sa LET.

Masayang-masaya aniya ang kanyang pakiramdam noon.

“Punung-puno ng endorphins ang aking katawan! Tuwang-tuwa po ang nanay ko. Grabe ang iyak niya.”

Continue reading below ↓

May epekto ba ang pagiging mukhang bata noong siya nasa kolehiyo?

Ang sagot ni Ian, “Parang di ako belong sa mga tao. Unang tingin nga nila sa akin, parang anak ako ng isang kaklase ko. Minsan kapatid.”

Hindi naman masabi ni Ian kung may kinalaman sa health ang kanyang kalagayan dahil never siyang nagpakonsulta sa doktor.

Ang naaalala niya ay sakitin siya at pinaiinom lang ng mga ordinaryong gamot kontra sa lagnat noong siya ay nasa elementary.

“Madalas po akong nagkakasakit kaya delayed ang growth ko,” maikli niyang paliwanag.

WALA GAANONG PAGBABAGO SA KATAWAN NOONG NAGBINATA

Nang mag-high school ay hindi niya naranasan ang mga pagbabago sa katawan na gaya ng ibang kaklase niyang nagbibinata.

Kuwento ni Ian, “Pati yung looks ko noon, wala, e. Pati buhok ko sa kili-kili, wala.

Hindi rin siya tinubuan ng bigote.

Na-bully ba siya noon?

“Hindi po ako na-bully kasi friendly ako. Palakaibigan ako sa mga kaklase ko.

Continue reading below ↓

“Pero minsan nabu-bully rin ako ng mga hindi ko kakilala. Kakantahan ako ng ‘bulilit... bulilit...’"

Hindi naman siya apektado. Ang ginagawa na lang niya, “Well, huwag ko na lang pansinin.

"Ignore them, but patunayan mo rin na kaya mong wala sila, na mali sila."

Continue reading below ↓

ROLE MODEL PARA SA KANYANG MGA ESTUDYANTE

Sa kanyang pagiging isang guro ay nais ibahagi ni Ian ang kanyang passion sa arts.

Gusto rin niyang maging role model sa mga kabataan.

Noong wala pang pandemya at pumapasok pa sa school ang mga bata ay conscious raw siya na ibahin ay ang kanyang ayos para hindi mapagkamalang estudyante.

Nagsusuot siya ng maluwag na damit.

Aniya, “Bilang teacher, kailangang magmukha kang mature kahit baby-faced ka.”

Continue reading below ↓

Proud naman sa kanya ang school administrator na si Herminia Delos Santos, na nagsabing, “We hired him because he is fit for the job, and he loves the children.”

HINDI ACTIVE SA SOCIAL MEDIA

Nitong August 16, 2021, ay nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pamunuan ng Mater El-Roi sa pamamagitan ng FB messenger.

Ayon sa kanila, nag-resign na si Ian last year.

“Nagturo po siya sa amin 2019 to 2020,” sabi ng aming nakausap. “Nag-resign siya noong nag-pandemic. Pero hindi namin alam kung saan na siya nagtuturo ngayon.”

Pagbabahagi naman ng isang dati niyang co-teacher na nakausap ng writer na ito sa pamamagitan rin ng Facebook messenger, “Nagsara yung school na nilipatan niya dahil sa pandemic.

Pero sure umano siya na active pa rin sa pagtuturo si Ian.

Aniya, “Last na balita ko sa kanya ay nag-a-apply sa DepEd. Hindi ko lang alam kung saan school siya na-assign."

Continue reading below ↓

May kontak pa ba siya sa kanya?

Sagot na dati niyang co-teacher, “Hindi kasi talaga si Ian mahilig sa social media ever since. Kaya kahit kaming mga kakilala niya, walang masyadong info about him, lalo na ngayon na bawal magkita-kita nang personal.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa kanyang pagiging baby-faced, madalas mapagkamalang estudyante sa elementary ang teacher na si Ian Francis Manga. Photo courtesy of GMA News Online
PHOTO/S: Screen Grab from Stand For Truth
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results