Mobile graduation along the riles ng senior high school students sa Quezon Province

by Bernie V. Franco
Aug 17, 2021
Senior high school students of Sanmandeclar National High School in Tagkawayan, Quezon experience a graduation ceremony, thanks to the efforts of teacher Alvin Butardo, and his makeshift stage using a trolley.
PHOTO/S: Alvin Butardo

Kinagiliwan ng maraming netizens ang mobile graduation ceremony sa isang secondary school sa Quezon Province.

Gamit ang isang trolley sa riles, gumawa ng isang mobile graduation stage ang teacher na si Alvin Butardo ng Sanmandeclar National High School na matatagpuan sa bayan ng Tagkawayan.

Kahit nauna nang idinaos ang kanilang virtual graduation ceremony, nagpursige si Alvin na mapagbigyan ang hiling ng mga nagtatapos na estudyante na makaranas sila ng graduation ceremony sa gitna ng pandemya.

Noong July 23, 2021, nag-station to station si Alvin sa bahay ng kanyang mga estudyante. Sa tapat ng bahay ng bawat estudyante, tumigil ang trolley, pinaakyat ang estudyante pati na rin ang mga magulang, sinabitan ng medalya, inabutan ng diploma, at nagkaroon pa ng picture-taking.

Ani Alvin sa panayam ng DZMM noong August 11, ang riles kung saan pinagulong ang trolley ay dinadaanan pa rin ng PNR trains na may biyaheng Quezon at Bicol.

Tiniyak naman ng guro na sinunod niya ang safety protocols.

Continue reading below ↓

DIPLOMA DISTRIBUTION WITH A TWIST

Kuwento ni Alvin sa DZMM, sinorpresa niya ang kanyang mga estudyante dahil ang akala nila ay iaabot lang ang kanilang diploma.

“Yung plan, it was just a simple graduation. So, parang nilagyan ko lang siya ng twist.

“Pupunta po dapat ako sa bahay para ibigay sa kanila ang diploma, so nilagyan ko po siya ng twist.

“Ginamit ko po yung trolley. Kumuha po ako ng driver na talagang bihasa na sa pagbibiyahe nito, at hindi po ganoon kabilis ang takbo.”

“Hindi alam ng mga bata na gagamit ako ng skates para mag-mobile graduation po ako.

“Nag-follow ako sa protocol na IATF, wear face mask with parents and students. ‘Tapos social distancing sa pagbibigay ng medalya.”

Continue reading below ↓

A senior high student getting his medal through mobile graduation ceremonies in Tagkawayan, Quezon Province.

Masaya raw si Alvin na naitawid niya iyon kahit pa may low-pressure area nung araw na yun.

Sabi ng guro, karamihan sa bahay ng mga estudyante ay along the riles.

“Tabing riles po sila. Parang 10-20 meters po kasi yung layo nila.

“So, gumamit po ako ng stage para maging mas convenient po yung travel papunta po sa kanila,” paliwanag ng guro.

GRADUATING IN THE MIDDLE OF A PANDEMIC

Ipinaliwanag ni Alvin kung bakit pinursue niya ang idea ng mobile graduation stage.

“Magdadalawang taon na kaming hindi nagpapa-graduate. Lagi lang pong nagpupunta ng school, ibibigay lang po yung diploma.

“Nilagyan ko po siya ng twist na para po mas madama nung mga bata [ang graduation nila].”

Alam din daw ni Alvin kung gaano kahalaga sa mga estudyante ang pagtatapos nila.

“Ang Tagkawayan, Quezon kasi is the last district ng Quezon Province. Nasa pinakadulo na po kami.”

Continue reading below ↓

Dahil nasa malayong lugar, limitado raw ang kanilang access sa online classroom kaya't modular system ang kanilang gamit.

“Di po kami blended. Di rin po kami online kasi po for some circumstances, yung mga students namin don’t have availability po ng gadget,” paliwanag ni Alvin.

“Para masuklian ang paghihirap ng mga bata during the pandemic, yun po yung ibinigay kong sukli para po sa kanila sa pagpupursige nila na makatapos ng pag-aaral.”

Abot-abot naman daw ang pasasalamat ng kanyang mga estudyante sa ginawa niya.

“Meron po kaming group chat. Sobra po silang thankful, na-overwhelm po sila.

“They didn’t expect po talaga na ganoon ang gagawin ko, specifically po the parents.”

Dagdag ni Teacher Alvin, “Nagkagulo pa nga po kasi nga po ang sabi ko pupunta lang ako sa bahay nila.

“So, parang nagkaroon ng… may mga parents na hindi rin po nila alam.

“Nagbihis po sila para lang po...

“Pero kitang-kita ko naman po yung ngiti ng mga bata at mga magulang habang inaabot yung diploma at sinasabitan mo sila ng medalya.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Senior high school students of Sanmandeclar National High School in Tagkawayan, Quezon experience a graduation ceremony, thanks to the efforts of teacher Alvin Butardo, and his makeshift stage using a trolley.
PHOTO/S: Alvin Butardo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results