Inspiring love story: 24-year-old konduktor, itinawid ang pag-aaral ng 28-year-old GF

Aug 25, 2021
Hundred percent ang naging suporta ng konduktor ng bus na si Bert Taghap Andil sa kanyang girlfriend na si Sincer Mae Balili para makatapos ito sa kolehiyo. Ngayong graduate na si Sincer, siya naman ang bahala sa tuition fee ni Bert. Photo courtesy of Sincer Mae Balili

Marami ang natuwa at na-inspire sa kuwento ng taga-Bukidnon na naka-graduate sa college sa tulong ng kanyang boyfriend na konduktor ng bus.

Pero paano nga ba nagsimula ang lahat?

Mas nakakakiliti at nakakakilig ang detalyadong love story nila na kanilang ibinahagi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Walang masakyang jeep si Sincer Mae Balili, 28, mula sa kanilang lugar sa Bukidnon papuntang Cagayan De Oro nang araw na iyon, kaya nagdesisyon siyang mag-bus na lang.

Sa terminal ay wala pang bus na may aircon, kaya sumakay na lang siya sa ordinary para hindi ma-late.

Ang desisyon pala niyang iyon ay magdudulot ng malaking pagbabago sa buhay niya, lalung-lalo na sa kanyang love life.

EXTRAORDINARY EXPERIENCE sakay SA ORDINARY BUS

Nakausap ng PEP.ph si Sincer noong Agosto 22, 2021 sa pamamagitan ng telepono.

Kuwento niya, “June 2019 iyon, di ko na lang po matandaan ang eksaktong araw,

“Noong tinitiketan na ako ng konduktor, nakasimangot siya. Parang galit.

Continue reading below ↓

“'Tapos sabi ng konduktor sa akin, ‘Hindi mo naman talaga gustong sumakay sa bus namin, di ba? Gusto mo sa aircon.’”

Nagulat siya dahil hindi niya alam na pinapanood pala siya ng konduktor na si Bert Taghap Andil, 24, habang nasa terminal pa siya.

Pagpapatuloy ni Sincer, “Sabi ko sa sarili ko, ang sungit naman niya.

"Pero ako kasi ang klase ng tao na ayaw ng negative kaya nag-sorry na lang ako sa kanya.”

Continue reading below ↓

Sa kabuuan ng biyahe ay laging lumalapit sa kanya si Bert at nakikipagtsikahan, aniya, “Napansin ko always smiling siya. Di naman pala talaga masungit.

“Naging magaan ang loob ko sa kanya. Parang bang matagal na kaming magkakilala.”

Nalaman niya na sa aircon bus pala talaga konduktor si Bert, nagkataon lang na na-assign ito nang araw na iyon sa ordinary.

PARANG MAGIC ANG MGA PANGYAYARI

Pagbabahagi ni Sincer, “Nagulat ako sa sarili ko kasi di ako ganoon na babae.

"Hindi ako yung madaling maging matsika o makampante ba sa mga lalaki.

“Maingat ako kasi single mom ako.”

Pero habang nasa biyahe at nag-uusap sila ng kung anu-ano, hindi rin niya malaman kung bakit pumayag siyang makipag-holding hands kay Bert.

At ang isa pang labis na ipinagtaka niya sa sarili, maging ang kanyang phone number ay ibinigay niya sa konduktor.

“Hinding-hindi rin ako nagbibigay ng contact number ko sa mga lalaki. Pero, ayun, naibigay ko sa kanya.

Continue reading below ↓

“Feeling ko noon pa lang, nakuha na niya ang tiwala ko.”

Pero pagbaba niya ng bus, inisip ni Sincer na hanggang doon na lang ang kanilang pagkikita.

“Sabi ko sa sarili ko, wala ito. Parang lilipas din...”

Nagkamali siya.

Dahil naging madalas aniya ang pagte-text sa kanya ni Bert. “Nangungumusta siya lagi. Ano ang ginagawa ko.”

Masaya pa niyang kuwento, “Pag nasa biyahe siya, magte-text siya sa akin pag malapit nang dumaan yung bus nila.

“Sabi niya, pinapakiusapan niya yung driver na bubusina pag malapit na sa tapat ng bahay namin para alam ko na yung bus nila ang dumaan.”

Tanong namin sa kanya, e, di kinikilig siya?

Sagot ni Sincer, “Opo, hahaha!”

OFFICIALLY ON

Aminado sa sarili si Sincer na tuluyan nang nahulog ang loob niya sa sweet, romantic, and caring na konduktor.

Muli silang nagkita noong July 19, 2019. “Nag-date kami, hahaha!”

Sa nasabing petsa na rin sila officially naging mag-on.

Continue reading below ↓

Pagbabalik-tanaw ni Sincer, “Tinanong ko siya kung bakit ako. Ano ang nagustuhan niya sa akin. Ako na isang solo parent.

“Sabi niya, yun ang nararamdaman niya. Na mahal niya ako. Huwag na raw naming pag-usapan ang nakalipas.

“Tuluyan nang nahulog ang loob ko sa kanya.”

Continue reading below ↓

Naging officially engaged sila noong October 19, 2019.

COUPLE'S GOAL #1: THEIR HOME, HER STUDIES

Nagplano sina Sincer at Bert na magpatayo ng kahit maliit lang na bahay. Ngunit nang sinisimulan na ang magiging pugad ng kanilang pagmamahalan ay saka naman nagkaroon ng pandemya.

Ayon kay Sincer, “Apektado po ang online business ko dahil sa COVID-19. Matumal ang benta.

“Di namin naipatapos yung bahay. Ang plano ko, stop din muna ako sa pag-aaral kasi ang hina ng pasok ng pera."

Doon na aniya nag-suggest si Bert na tutulungan siya sa tuition fee.

“Sabi niya sa akin, ‘Huwag kang tumigil. Ako ang gagastos.’

“Napaiyak po ako noon kasi sa kanya ko lang narinig yung ganoon na gagastusan po ang pag-aaral ko.

“Kahit po kasi sa parents ko, sa mga kapamilya ko, wala akong narinig na ganoong plano na tutulungan ako sa pag-aaral ko.

“Siya lang po talaga. Yung support niya sa pag-aaral ko is one hundred percent.”

Continue reading below ↓

Hindi aniya kalakihan ang suweldo ni Bert bilang konduktor.

“Maliit po ang sahod niya, pero ibinibigay po niya lahat sa akin.

“Sabi ko sa kanya, magtulungan kami. Pag may benta ako, hati kami sa bayad sa tuition para may pera rin siyang sarili.”

At noong August 5 nga ay nagtapos na si Sincer sa kolehiyo.

Doon na rin naganap ang nag-viral nilang photos and videos kung saan inabangan niya ang bus nina Bert para ialay rito ang kanyang diploma.

Huminto noon ang bus at bumaba sandali si Bert para sa isang napakahalagang okasyon sa buhay nilang dalawa—ang pagtatapos ni Sincer na isa sa mga unang tagumpay ng kanilang pagmamahalan.

Continue reading below ↓

COUPLE'S GOAL#2: GET MARRIED, HIS STUDIES

Tinanong si Sincer ng PEP.ph na ngayong tapos na siya, ano ang susunod na hakbang para sa kanila ni Bert?

“Mag-aaral po akong muli,” aniya. “Kasi ang pangarap ko po talaga ay maging teacher. Kukuha po ako ng professional education.”

Nang ungkatin namin kung bakit hindi agad iyon ang kanyang kinuhang kurso, aniya,

“Yung tinapos ko po na Business Administration major in Marketing Management, eksakto po ang program para sa solo parent na gaya ko.

“Maluwag po ang schedule. Nakakapag-online business ako habang nag-aaral.

“Kung education po kasi, required ako na tumutok talaga sa mga subjects and requirements ko. Kaya yun po muna ang kinuha ko.”

Mas madali na nga naman niyang makukumpleto ang professional education dahil may mga units nang maki-credit, at maitutuloy rin niya ang online business.

Sa ngayon, isa rin sa goals nina Sincer at Bert ay matapos ang kanilang sariling bahay, at maplano ang kanilang pagpapakasal.

Continue reading below ↓

Ayon kay Sincer, “Nakatira pa po kasi kami sa mother ko. Pero once na matapos ang bahay, lilipat na po kami.”

At bukod dito, gusto ring makatapos ni Bert ng pag-aaral.

“Pina-enrol ko po siya ng senior high school,” excited niyang banggit. “Grade 11 na po siya!”

Continue reading below ↓

Dahil nagtatrabaho sa araw si Bert, gumawa sila ng paraan para hindi ito ma-late sa mga aralin.

Ani Sincer, “Ako po muna ang bumabasa ng modules niya.

“Pag-uwi niya from work, nakakain at nakapahinga, ako po ang nagtu-tutor sa kanya.”

Plano naman ni Bert na kumuha ng criminology kapag nagkolehiyo na.

“Gusto po kasi niyang magpulis,” pagbabahagi ni Sincer. “Bata pa po siya iyon na ang pangarap niya.

“Ako naman po ang tutulong sa kanya para maka-graduate din siya.

“Gusto kong kung ano ang nakamit ko, makamit din niya.”

Sa pagtatapos ng panayam kay Sincer, itinanong sa kanya kung ano ang sikreto ng kanilang matiwasay at matagumpay na relasyon.

Bukod kasi sa tila ay itinakda talaga sila ng tadhana para sa isa’t isa, pareho silang may couple at personal goals.

Continue reading below ↓

Ang kanyang sagot, “Nakita ko talaga sa kanya yung determinasyon na patunayan sa akin kung gaano niya ako kamahal.

“Lagi ko namang sinasabi sa kanya na para di complicated ang aming love life ba, maging kuntento kami sa kung ano ang meron kami. Huwag hanapin ang wala.

“Saka po nagkatagpo kami at nagmahalan na pareho kaming mahirap na may pangarap.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Hundred percent ang naging suporta ng konduktor ng bus na si Bert Taghap Andil sa kanyang girlfriend na si Sincer Mae Balili para makatapos ito sa kolehiyo. Ngayong graduate na si Sincer, siya naman ang bahala sa tuition fee ni Bert. Photo courtesy of Sincer Mae Balili
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results