VIRAL: Former Afghanistan minister na ngayon ay food-delivery rider

by Bernie V. Franco
Sep 1, 2021
Syed Sadaat, former communications minister of Afghanistan, was recently featured in news outlets and on social media because he is now working as a takeout food delivery rider in Germany. But his reasons are noble.
PHOTO/S: Twitter/YouTube

Ang dating communications minister ng Afghanistan ay isang food-delivery rider sa Germany ngayon.

Si Syed Sadaat, 50, ay may dalawang master's degree sa Information Technology at Telecommunications mula sa prestihiyosong Oxford University sa England.

Noong December 2020, nagpasya si Sadaat na umalis ng Afghanistan.

Bagamat may Afghan-British dual citizenship siya, mas pinili niyang pumunta sa Germany kaysa Britain sa paniniwalang mas may career prospects sa Germany.

Pero dahil sa pandemya at language barrier, nahirapan si Sadaat na makahanap ng trabaho sa communications industry.

Kaya sa ngayon, delivery rider si Sadaat pitong araw sa isang linggo, six hours a day, mula hapon hanggang alas diyes ng gabi.

Bike rider siya ng Lieferando, isang food-delivery service sa Leipzig City, Germany.

Kumikita siya ng 15 Euros o $18 (PHP900) kada oras.

“There is no shame in the job at all. Work is work.

“If there is a job, it means there is public demand… Someone has to do it,” pahayag ni Sadaat sa video interview niya na kumalat sa YouTube, August 28, 2021, at pinick-up ng iba't ibang news agencies.

Continue reading below ↓

Syed Sadaat's story appearing in the social media account of an international news agency, AFP.

Bagamat naging mataas na opisyal siya sa Afghanistan, hindi na raw siya namili ng magiging trabaho lalo pa't may mga bayarin. Hindi baleng mahirap basta marangal.

“Everybody ha[s] to work. If you are having expenses, and paying rent, and you need money for your food, and accommodation, then you have to work,” aniya sa panayam.

Continue reading below ↓

“It doesn’t mean that once you are a minister and then you have to stay without work and do nothing.”

AGAINST CORRUPTION

Ang talamak na katiwalian sa gobyerno ng Afghanistan ang dahilan kung bakit siya umalis sa puwesto.

Sabi ni Sadaat, noong nasa puwesto pa siya ay kontra raw ang paniniwala niya at ang close circle ng presidente noon.

Gusto raw ng ibang opisyal ng personal gain sa pondo, pero gusto naman ni Sadaat na ilagak ang pondo sa government projects.

Dahil dito, matinding pressure ang natanggap niya mula sa mga kapwa opisyal.

Nagsilbing minister of communications sa Afghanistan si Sadaat mula 2016 hanggang 2018.

Pagkatapos nito ay pumasok siya ng consultancy job sa telecommunications sector sa Afghanistan.

Pagsapit daw ng 2020, napansin niyang nagdedeteriorate ang seguridad sa kanyang bansa, kaya nilisan niya ito pagsapit ng Disyembre.

SIMPLE BUT PEACEFUL LIFE

Wala naman daw pagsisisi si Sadaat sa kanyang desisyon dahil malinis ang kanyang konsensiya.

Continue reading below ↓

“I’m proud that I’m doing it. Otherwise, I could have been one of the corrupt minister[s],” interview kay Sadaat, gaya ng GMA News.

“I could have made millions of dollars and would have bought buildings here, hotels here, like, or in Dubai, and other part[s].

“And I wouldn’t have needed to work.

“But I’m proud that my soul is happy and I have nothing to be feeling guilty.

“So, I’m doing an ordinary job and I hope other politicians also follow the same way to work within the public, rather than just keeping hiding.”

Tila nakabuti kay Sadaat ang pag-alis niya ng Afghanistan. Kamakailan nag-take over na ang Taliban sa Afghan government.

Ang Taliban ay militanteng grupo na namamahala sa Afghanistan noong ‘90s. Subalit napatalsik sila sa puwesto sa tulong ng U.S. forces noong 2001.

Pero hindi umalis ang Taliban at nagkaroon ng pakikipaglaban sa Afghan government sa loob ng dalawang dekada.

Continue reading below ↓

Kilala ang Taliban sa pamamalakad gamit ang "harsh implementation" ng Islamic laws.

Nagsisialisan ang mga Afghan sa takot na balikan ng Talibans ang mga nationals na nakipagtulungan sa U.S. government para patalsikin ang militanteng grupo noon.

Naniniwala naman si Sadaat na nililisan ng Afghans ang kanilang bansa dahil pagod na sila sa pakikipaglaban.

Ani Sadaat: “It makes sense because Afghans are tired of the war, and so is the military.

“Twenty years they fought alongside the international community with this endless war.

“So, they were tired and they didn’t want any more to fight.

“But it was unpredictable that [it happened] fast.

“But it happened and that means that Afghans don’t want to have a fight anymore.”

SADAAT NOT GIVING UP

Sa ngayon, nagti-take ng German lessons si Sadaat sa umaga, bago magsimula ang kanyang shift sa hapon.

Umaasa siyang kapag natuto na siya ng German ay makakakuha siya ng trabaho kung saan magagamit niya ang kanyang degree.

Continue reading below ↓

Naniniwala rin siya na sa pinagdadaanan ngayon ng Afghanistan, makakatulong siya sa German government para magsilbing adviser.

“I can advise the German government on Afghanistan so that the Afghan people can benefit because I reflect the true picture there.”

Pero hindi pa raw nakikipag-ugnayan sa kanya ang German government.

Umaasa naman si Sadaat na bagamat posibleng natuto na ang Taliban sa nagawa nitong pagkakamali dati, sana raw ay tulungan pa rin ng international community ang kanyang bansa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Syed Sadaat, former communications minister of Afghanistan, was recently featured in news outlets and on social media because he is now working as a takeout food delivery rider in Germany. But his reasons are noble.
PHOTO/S: Twitter/YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results