"Congratulations turned to condolences": Wedding ng OFWs, sad ang ending dahil sa COVID

by Bernie V. Franco
Sep 2, 2021
Ralph Waldo G. Landicho and Raquel F. Panganiban set to have a life together, but COVID-19 happened.
PHOTO/S: Facebook (Fidel Jr. Salcedo Mangubat, Roxanne Geronimo Landicho)

Ikakasal na dapat noong July 31, 2021 ang magkasintahang sina Ralph Waldo G. Landicho at Raquel F. Panganiban.

Si Ralph, 32, isang seaman, ay umuwi sa Pilipinas noong June 4, 2021.

Si Raquel, 26, isang overseas Filipino worker sa Jeddah, Saudi Arabia, ay dumating naman noong June 12, 2021.

Apat na taon na silang magkarelasyon at parehong tubong Tiaong, Quezon Province.

Sa gitna man ng pandemya, inasikaso agad ang kanilang nalalapit na kasal.

Nabalot sila ng excitement. Hindi naasikaso ang pagpapa-vaccine kontra COVID-19.

Lahad ni Raquel sa interview ng Manila Bulletin Lifestyle, “Kung saan-saan na po kami nagpunta.

"Bumaba siya ng barko at hindi agad kami nakapagpa-vaccine kasi super excited siya sa pag-aayos ng kasal namin.”

Bagamat nakatakda na ang kanilang kasal, tiniyak ni Ralph na hindi malilimutan ni Raquel ang espesyal na yugtong ito ng kanyang buhay.

Noong June 24, sa birthday celebration ng tito ni Raquel, sinamantala ni Ralph ang pagkakataon lalo’t naroon ang mga mahal sa buhay ng kasintahan.

Continue reading below ↓

Lumuhod si Ralph sa harap ni Raquel at nag-propose.

Pagkalipas ng dalawang araw, June 26, opisyal na namanhikan si Ralph sa pamilya ni Raquel.

The night Ralph Waldo Landicho proposed to Raquel Panganiban.

THE START OF THE ORDEAL

Makalipas ang isang buwan, July 19, 2021, nakaramdam ng pananakit ng katawan si Ralph, kuwento ni Raquel.

Continue reading below ↓

Nais pa raw nitong magpamasahe sa pagnanais na bumuti ang pakiramdam dahil nakakaramdam ito ng pagod.

Pagkalipas ng limang araw, July 24, nakaranas si Ralph ng chills at lagnat.

Nagtungo sila sa ospital para magpa-checkup at lumabas naman na maayos ang laboratory results.

Pero dahil hindi bumuti ang pakiramdam, nagpa-swab test ang binata at lumabas na positibo siya sa COVID-19.

Kumilos na ang kanilang mga pami-pamilya at suwerte silang nakakuha ng hospital room.

Na-admit sa ospital si Ralph noong July 30, 2021, o isang raw bago ang dapat sana'y wedding day nila.

Hindi natuloy ang kasal ng magkasintahan.

Sa ospital, binigyan ng medikasyon si Ralph para bumuti ang kanyang pakiramdam.

Nanatiling matatag ang magkasintahan at nagsuportahan sila sa kabila ng kinakaharap na hamon.

Pinapalakas nila ang loob ng isa’t isa.

Patuloy na salaysay ni Raquel sa Manila Bulletin, “We encouraged one another. Ayaw pa mamatay ni hubby kasi dami pa niyang gustong mangyari sa buhay namin bilang mag-asawa, ganun din sa pamilya niya.

Continue reading below ↓

"Sinasabi nya palagi na, ‘Bebe, hinde pa ako mamamatay. Magiging official pa ako.’ Dream niya maging official sa barko.”

Nagyaya na raw si Ralph na umuwi na sila, pero pinapalakas ni Raquel ang loob ng kasintahan.

At sumapit nga ang August 3, 2021, ang petsang magbabago sa kanilang buhay.

Sa araw na iyon ay lumubha ang hirap sa paghinga at ubo ni Ralph.

Bumagsak ang kanyang oxygen level at sa loob ng isang araw ay nakaubos ng 20 oxygen tanks.

Kaya naman kinabitan na siya ng oxygen machine para matulungan ang kanyang paghinga.

Ani Raquel, “He really wanted to get intubated so he could live, but he didn’t survive. Hindi nya nakayanan ang hirap. Kinuha na siya ni Lord,”

August 3 rin nang i-cremate ang kanyang mga labi, at inuwi ang mga abo para sa burol.

“TOTOO ANG COVID-19”

August 4 nang mag-post si Raquel ng pag-alala para sa yumaong nobyo.

Continue reading below ↓

Madamdamin ang Facebook post na ito ni Raquel.

Post niya (published as is): “Alam ko na mahal na mahal mo ako,at alam mo din na mahal na mahal kita. [crying emojis]

“Di ko alam papaano ako. Hanggang dulo ng hininga ko mamahalin pa din kita. Walang papantay sayo! [heart emoji]

“Samahan mo pa din ako sa lahat ng Pangarap natin. [heart and crying emojis]

“Nagpapakatatag ako para sa pamilya natin both sides.

“Isa kang mabuting Anak,Manugang,kuya,Pamangkin,Pinsan,Kaibigan, Katrabaho.Alam ko na mahal na mahal mo sila.”

Continue reading below ↓

Samantala, isang tribute naman para kay Ralph ang ipinost ng kapatid nitong si Roxanne Geronimo Landicho noong August 23.

Sa higit 2-minute video, pinagsama-sama ni Roxanne ang bittersweet memories ng kanyang kuya.

Nagsimula ito sa video proposal ni Ralph kay Racquel, na sinundan ng kanilang kalog na prenup shoot hanggang sa pagdala kay Ralph sa ospital, cremation ng labi niya, kanyang burol, at libing.

Caption ni Roxanne, na ginawang ehemplo ang sinapit ng kapatid para manawagan sa publiko: “Totoo ang COVID-19.

“Kelan ka maniniwala? Kelan ka mag iingat? Kelan mo aalagaan ang katawan mo?

“Kelan mo iisipin na mag ingat para sa sarili mo at para sa mga kapamilya mo?

“Ang akala namin na simula ng pagmamahalan na pang habang buhay, nanakawin lang pala ng pandemyang ito.

“All the ‘CONGRATULATIONS’ turned to ‘CONDOLENCES’”

Ang post na ito ni Roxanne, mayroon nang 34,000 reactions at 12,000 shares at press time.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ralph Waldo G. Landicho and Raquel F. Panganiban set to have a life together, but COVID-19 happened.
PHOTO/S: Facebook (Fidel Jr. Salcedo Mangubat, Roxanne Geronimo Landicho)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results