Pinay dumpster diver sa U.S., PHP75K a month ang tipid sa pagkain mula basurahan

by Bernie V. Franco
Sep 3, 2021
Meet Rona Meloche, a.k.a. Inday Roning, a housewife and a vlogger in the U.S, who features videos of dumpster diving. Inday would document herself rummaging dumpsters for any useful items, such as food, snacks, juices, meat, and more.
PHOTO/S: Inday Roning on Facebook and YouTube

May kayamanan sa basura.

Pinapatunayan ito ni Rona “Inday Roning” Meloche, isang housewife sa Florida, U.S.A. Siya ay may American husband, at may anak silang toddler.

Madiskarte si Inday Roning.

Bukod sa pagpa-part-time bilang pet nanny at driver, isa rin siyang YouTube vlogger.

Gumagawa si Inday Roning ng content bilang isang dumpster diver, kung saan nangangalkal siya ng basurahan para sa anumang puwedeng magamit o makain.

“Hello, mga kaibigan, kalkal basura na naman tayo,” ito ang usual opening ni Inday Roning sa kanyang vlogs.

Continue reading below ↓

Ang kanyang YouTube channel ay mayroon nang higit sa 146,000 subscribers, at pumapatak mula libo-libo hanggang daan-daang libo ang views ng bawat episode.

At talaga namang kayamanan ang nahahalungkat ni Inday Roning sa pangangalkal niya ng dumpster.

Kabilang sa mga nakakalkal ng Pinay dumpster diver ay fruits, vegetables, organic eggs, meat, processed food gaya ng sausages, bottled juices, condiments, at snacks.

Meron ding branded make-up items, chips, bags of chocolates, noodles, brand new novels, at maging electric equipment gaya ng hair dryer.

Sabi ni Inday Roning, sa pagkain lamang, nakakatipid na siya ng $1,500 a month o PHP75,000 kada buwan na gastusin.

HOW BEING A DUMPSTER DIVER STARTED

Na-feature si Inday Roning sa “Bawal Judgmental” ng Eat Bulaga! noong May 2021.

Dito niya ibinahagi kung paano siya naengganyong mag-dumpster dive.

“Naengganyo rin po ako dahil sa dami ng pagkaing tinatapon at nakikita ko rin sa daan.

“Kasi nga maraming gamit na tinatapon, kaya po naengganyo po ako diyan sa dami po,” kuwento ni Inday Roning.

Continue reading below ↓

Iniisa-isa raw niya ang pagti-tsek ng dumpster sa mga karatig lugar nila sa Florida.

Kadalasang ang mga dumpster malapit sa grocery stores at supermarkets ang naglalaman ng mga bagay na kapaki-pakinabang.

May mga nakakasabay silang mga dumpster divers, pero may unspoken rule daw na first come, first serve sa pagkalkal.

Ani Inday Roning, may bigayan sa mga dumpster divers.

At mas mainam raw na sa gabi magkalkal, bago ang closing time ng mga establishments.

Saan napupunta ang mga pagkaing nakukuha niya?

“Dito sa kusina po, kinakain po namin,” sagot ng Pinay.

Continue reading below ↓

Naglalagay rin daw siya sa blessing boxes ng mga pagkain para sa iba pang lahing nangangailangan ng pagkain, kabilang ang mga kababayang Pilipino.

Ang mga nabuksang pagkain o snacks naman ay pinapakain nila sa mga hayop o kaya ay ginagamit na pataba sa lupa sa hardin.

PROUD PINAY DUMPSTER DIVER

Naitampok din ang kuwento ni Inday Roning sa report ni Saleema Refran para sa GMA News program na Brigada nito lamang August 28, 2021.

Dito mas nailahad ni Inday Roning kung bakit naisipan niyang karirin ang pagiging dumpster diver.

“Tinitingnan lang po namin yung laman ng dumpsters. So, pagtingin namin, marami palang gamit na mapakinabangan pa, kaya na-entice po kami at na-inspire po na pupuntahan ang ibang basurahan din.”

Sa bawat labas daw ni Inday Roning para mangalkal ay hindi siya umuuwing luhaan.

“Never pa po kaming nabobokya sa pamamasura namin, sobrang dami po talaga.

“Hindi ko mabilang [worth of ] thousands of dollars talaga yung mga waste, foods, mga gamit dito.

Continue reading below ↓

“Sobrang dami mga prutas mga gulay, mga itlog. Hindi lang mga pagkain, mga hotdog…”

Nakapanayam rin ang husband ni Inday Roning, at very proud ito sa ginagawa ng Pinay wife.

Ani Chris Meloche, “My wife is a very good cook, [she] saves money. It’s pretty cool.

“She helps save money, our food budget. It stops the stuff from being wasted, just going to the dump, and get thrown to the garbage… vegetables, sometimes pizza, sometimes hotdogs.

“It’s many different things. It’s never the same thing all the time.

“So, it’s kinda interesting. I’m proud of her. She’s doing a great job, she’s really enjoying.”

Hindi rin daw nag-aalala si Inday Roning na baka marumi o sira ang nauuwing pagkain.

“Never po kaming nakadala ng pagkain na sira na dahil we make sure po na yung pagkain is nakabalot, never been opened.

“At lalung-lalo na, gabi po kami nagpupunta sa basurahan, kinukuha po namin yung mga bagong tapon.”

Continue reading below ↓

Para matiyak na malinis, pagdating sa bahay ay nililinis niya ang mga “haul” gamit ang tubig na hinaluan ng baking soda at suka.

Sa bawat episode din ng kanyang entries, tinitiyak ni Inday Roning na tsini-tsek niya ang expiry dates ng mga items para matiyak na ligtas pa ring kainin.

Hindi ba siya pinagbabawalan o sinisita sa pangangalkal ng dumpster?

Paalala ni Inday Roning, “Huwag ka lang pumunta sa mga, ‘No trespassing,’ kasi yung mga areas, may mga no-trespassing [signs]... Pero [ang] dumpsite diving, di bawal.”

Continue reading below ↓

Sa isang video na in-upload niya, makikita si Inday Roning na habang kinakalkal ang isang dumpster, inabutan siya ng isang staffer sa kalapit na establishment.

Maririnig si Inday Roning na tinanong ang staffer kung okay lang ba sa kanyang mangalkal sa basura.

Hindi pinagbawalan si Inday Roning, bagkus, ibinigay pa sa kanya ng staffer ang pagkaing itatapon na sana.

“Thank you so much. Appreciate it,” maririnig na sabi ni Inday Roning sa staffer.

Dahil sa natitipi nila sa pagkain, ang iniisip na lang nina Inday Roning at asawa nito ay ang gastusin—gaya ng gatas at vitamins—para sa baby.

Sa isa sa kanyang videos, bakas sa mga salita ni Inday Roning na importante sa kanya ang pagiging praktikal at huwag mag-astang mayaman.

Aniya, “So iyan, mga kaibigan, diskarte lang iyan. Hindi tayo mahihiya.

“Bakit tayo mahihiya? Hindi naman tayo mag-feeling datu.”

Dahil laki sa hirap at pagsasaka ang ikinabuhay ng pamilya, natuto si Inday Roning na maging madiskarte.

Continue reading below ↓

Sa Brigada interview, naluha si Inday Roning. Paliwanag niya, “Dahil sa dami ng pagkaing tinatapon.

“Inisip ko rin yung iba, wala silang kinakain.

“At saka yung dumpster diving, it really comes from my heart, na kami po family ko, nag-grow po kami sa farm.

“So, yung tinatanim namin, yun po ang aming konsumo. Yun yung aming every-day living.”

Masaya rin siyang nakakatulong sa iba, lalo na sa mga nangangailangan, dahil inaabutan rin niya sila ng pagkain.

Saad pa niya, “Habang nabubuhay pa po ako, I will save food from the dumpster.

“I am very proud po.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Meet Rona Meloche, a.k.a. Inday Roning, a housewife and a vlogger in the U.S, who features videos of dumpster diving. Inday would document herself rummaging dumpsters for any useful items, such as food, snacks, juices, meat, and more.
PHOTO/S: Inday Roning on Facebook and YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results