66-year-old call-center agent nag-viral dahil sa lumang mesa

by KC Cordero
Sep 3, 2021
Naka-12 kumpanyang inaplayan ang 66-year-old call-center agent na si Willy Batucan bago siya natanggap. Ngayon ay seven years na siya sa trabaho at international accounts ang hawak. Facebook photo

Idol ngayon kung ituring ang 66 anyos na si Willy Batucan dahil kahit senior citizen na ay employed pa rin bilang call-center agent.

Biro pa nga nito, “Kalabaw lang ang tumatanda!”

Naibalita sa 24 Oras ng GMA-7 ang tungkol kay Willy noong August 27, 2021.

Continue reading below ↓

Batay sa ulat, 12 kumpanya ang inaplayan ni Willy bago siya natanggap sa trabaho.

Pero hindi raw siya pinanghinaan ng loob.

Aniya, “Naka-12 na akong bagsak, 13 na lang. Kaya binilisan ko yung pag-apply.

"Salamat sa Diyos, yung ika-13, natanggap din ako sa wakas.”

Sa edad umano niya ay kaya pa niyang sumabay sa mga mas batang empleyado.

Sabi nga ni Willy, “Sa puso’t isipan natin, andun pa rin yung lakas at yung willingness ko na kailangan kong magtrabaho.”

Pitong taon na siyang call-center agent at international accounts ang kanyang hinahawakan.

Pinatunayan naman ng kanyang mga kasamahan ang kanyang dedikasyon sa trabaho.

Ayon sa kaopisinang si Cedric Valdehueza, “Uncle Wil is a person that is passionate toward his work because for more than a year of pandemic he’s actually working at the office unlike us.”

Continue reading below ↓

Dahil sa pandemya, Willy has now been working from home.

The first time na napukaw niya ang atensiyon ng mga netizens sa social media ay nang nag-post ang netizen na si Therez Causing, taga-Makati City, tungkol sa kanya.

Nagbenta kasi ng old table si Therez, at si Willy ang nakabili.

Doon niya nalamang isa itong call-center agent.

Nakausap ng PEP.ph si Therez noong September 2 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

ANG KUWENTO NG LUMANG MESA

Naibahagi ni Therez na sa lumang mesang binili sa kanya ni Willy nagsimula ang lahat.

“Owner ako ng Everything at Maria’s. Kaka-start ko lang din ng business ko, and nag-expand, so, I had to give up the old table for a bigger one, which is suitable for my business.

“Naka-one year ko ring ginamit yung old table.”

Nai-post niya ang mesa na ibinibenta sa FB group sa kanilang barangay.

Ang pamangking babae ni Willy ang nag-inquire sa kanya nang araw na i-post niya ang item, at nagkasundo sila sa presyo.

Continue reading below ↓

“Pero siya [Willy] po yung kumuha dito.”

Kuwento ni Therez, “I actually don't have background details, like his work. Pero during our small conversation, yun lang po ang na-bring up niya.

“Na he’s working as a call-center agent. And he’s 66 years old.

“Need niya ang table dahil work-from-home setup siya ngayon.”

Continue reading below ↓

Tinuruan din niya si Willy kung paano bubuuin ang table, lalo na ang middle part dahil kumplikado.

Dagdag pa ni Therez, “Gave him a discount as well. Kasi nag-hire siya ng tagabuhat.

“Akala ko nga mag-isa lang siya. Kaya medyo nag-worry ako since mabigat yung table.

“Also, I offered the spare parts ng table in case he wants to fix it.”

Maganda ang naging impresyon ni Therez kay Willy.

“He’s really open and outgoing. Sobrang energetic as well. And professional during the transaction.”

NAG-VIRAL NANG I-SHARE SA CALL-CENTER GROUP

Bukod sa GMA-7 ay ilang TV networks pa ang nag-feature kay Willy.

Ani Therez, “Five I guess since the post went viral.”

Noong August 25 daw una siyang nag-post sa Instagram, “IG story siya originally. 93 views lang siya since I posted it for friends lang. Ganern, hahaha!

“And one friend of mine yung nag-screenshot, and posted it in a call center FB group.

Continue reading below ↓

“Then in matter of hours, other pages are sharing it as well.”

Doon na raw kinontak si Therez ng TV networks para mai-feature ang story ni Willy, “The day after po, sunud-sunod na sila.”

Noong August 26 ay nag-post sa kanyang FB si Therez matapos i-feature ng News5 si Willy.

Nai-share niya ang link ng nasabing network at nilagyan niya ng caption na: “I hope this inspires you all.”

Noong August 27 ay ang ABS-CBN News naman ang nag-feature kay Willy.

Nang araw ring iyon nai-share ni Therez sa kanyang FB ang link.

Ang kanyang caption: “This is probably the most memorable sale I ever had.

“I hope this will serve as motivation and inspiration to you all as it did to me.

“As long there is an opportunity, take risks.

“It may not be tomorrow or right away, but if you persevere, you’ll definitely reach your goals!”

Sa panayam naman ng GMA-7 ay sinabi ni Willy na umaasa siyang mas maraming employment opportunities sa ating bansa ang mabuksan para sa mga tulad niyang senior citizen.

Continue reading below ↓

Aniya, “Kung merong willingness ang tao na magtrabaho, dapat merong paraan din sana ang government natin kung paano makapagbibigay ng trabaho.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naka-12 kumpanyang inaplayan ang 66-year-old call-center agent na si Willy Batucan bago siya natanggap. Ngayon ay seven years na siya sa trabaho at international accounts ang hawak. Facebook photo
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results