Magnanakaw, nakonsensiya? Kapiraso lang ng kalabasa ang kinuha

by Bernie V. Franco
Sep 6, 2021
Oo nga naman, kumuha nang ayon sa pangangailangan. Pero wrong pa rin, kasi kumuha nang walang paalam sa may-ari.

Magnanakaw na may konsensiya?

Kinaaaliwan ngayon ang Facebook post tungkol sa pagnanakaw umano ng kalabasa.

Ang siste: Maliit na parte lang ang kinuha.

Ipinost ni Ernani Gabuat ang larawan ng kanyang tanim na bunga ng kalabasa na binawasan ng one fourth.

Hindi tinukoy ni Ernani kung kilala niya kung sino ang nang-umit ng bahagi ng kanyang tanim.

Post ni Ernani na taga-Pozorrubio, Pangasinan, “Yung mag nanakaw ka, pero mabait ka pa din. Hahaha di mo na nilahat [laughing emoji],”

Ginawa ng lalaki ang post noong August 30, 2021.

Viral ang post na ito na may 27,000 shares, 13,000 reactions, at halos isang libong comments.

Continue reading below ↓

Naitampok pa ang post niyang ito sa news programs, gaya ng Unang Hirit.

Sa halip na magalit, natawa na lang ang may-ari at inunawa na baka kinulang lang daw ng pang-pakbet ang magnanakaw.

Pero ang nakakaaliw sa viral post na ito ay ang iba-ibang reaksiyon ng netizens.

Marami ang nagkomento na ang aral daw dito ay kumuha lamang nang ayon sa panganganilangan.

Ang iba, nagkomento na may puso at may konsensiya pa rin ang mang-uumit.

Sabi naman ng isa pa, mukhang may natira pang hiya ang magnanakaw.

Continue reading below ↓

May mga seryosong komento rin ang ibang netizens at sinabing isang uri pa rin ng pagnanakaw ang ginawa ng salarin.

Continue reading below ↓

Pero karamihan sa mga netizens ay mga laughing emojis ang komento, indikasyong ikinatuwa nila ang post.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Oo nga naman, kumuha nang ayon sa pangangailangan. Pero wrong pa rin, kasi kumuha nang walang paalam sa may-ari.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results