Real-life Mara Clara: 2 baby girls sa Spain, napagpalit 19 years ago

by Bernie V. Franco
Sep 9, 2021
Isang 19-anyos na Spanish woman, inirereklamo ang regional health department sa Spain matapos silang ipagpalit ng isa pang sanggol halos dalawang dekada na ang nakalilipas.
PHOTO/S: Shutterstock (main photo)

Parang kuwento sa teleserye ang nangyaring pakakapalit ng dalawang sanggol sa isang ospital sa Spain.

Pero di tulad ng Pinoy cult hit na teleseryeng Mara Clara kung saan sadyang ipinagpalit ang mga sanggol, aksidente umano ang baby switching na naganap.

Ayon sa ulat ng Reuters, napagpalit ang dalawang babaeng sanggol sa isang ospital sa La Rioja, Spain, halos dalawang dekada na ang nakalilipas.

Nagsumite ng reklamo ang isang 19-year-old Spanish woman laban sa regional health department. Sa pamamagitan ng kanyang abogado, nais nitong pagbayarin ang health department sa La Rioja ng 3 million euros o humigit-kumulang na PHP177M bilang bayad perwisyo.

Lumabas mismo sa internal investigation ng health department sa northern region ng La Rioja na nagkaroon ng “one-off human error” kaya’t napagpalit ang dalawang sanggol.

Igagalang umano ng health department ang “any judicial proceedings.”

"We are not aware of any other cases," ayon sa pahayag ng health department, at idinagdag na malayong mangyari ang ganitong sitwasyon sa panahon ngayon.

Continue reading below ↓

Isinilang ang babae sa San Millan de Logrono hospital sa La Rioja noong 2002, limang oras matapos isilang ang isa pang sanggol na babae.

Dahil parehong underweight ang dalawang sanggol, inilagay sila sa incubator room.

Napag-switch sila nang ibalik sa kanilang mga ina.

"In the case of my client, she was born later but was given to the mother who gave birth to the first child," anang abogadong si Jose Saez Morga, sa TVR television network.

Si Morga ang abogado ng nagrereklamong 19-anyos na babae.

Nagsasampa ng reklamo ang abogado on behalf ng kanyang kliyente laban sa health department ng La Rioja “for immeasurable emotional harm cause by the error,” ayon sa ulat.

Sa ulat ng larioja.com news site, ang babae ay lumaki sa isang “dysfunctional family” at pinalaki ng kanyang lola.

Nadiskubre ang pagkakamaling ito noon lamang 2017, nang hilingin ng kinilalang ama ng babae na magkaroon ng paternity test dahil sa isyung child support.

Continue reading below ↓

Lumabas sa test na hindi nga kadugo ng kinilalang ama ang inakalang anak.

Ang isa namang babae na napagpalit ay nasabihan na subalit hindi pa lumalantad, ayon sa local media.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang 19-anyos na Spanish woman, inirereklamo ang regional health department sa Spain matapos silang ipagpalit ng isa pang sanggol halos dalawang dekada na ang nakalilipas.
PHOTO/S: Shutterstock (main photo)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results