Tatlong Philippine tarsier, na-rescue sa Agusan Marsh

by KC Cordero
Sep 11, 2021
Tatlong Philippine tarsier ang nailigtas ng Bantay Danao volunteers sa Agusan Del Sur at muling ibinalik sa kagubatan matapos ma-assess ng Protected Area Management Office-Agusan Marsh Wildlife Sanctuary. (Photo courtesy of PAMO-AMWS)

Tatlong Philippine tarsier (Carlito syrichta carbonarius) ang na-rescue ng mga tauhan ng Protected Area Management Office of the Agusan Marsh Wildlife Sanctuary (PAMO-AMWS) sa Barangay Katipunan, Loreto, Agusan del Sur noong September 10, 2021.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Batay sa pahayag ng PAMO-AMWS na inilabas noong Setyembre 11, “We responded to a report about the discovery of three tarsiers near the settlement area in Barangay Katipunan.”

Ang mga tarsier ay natagpuan ng mga volunteers ng Bantay Danao, maingat na ni-rescue at agad dinala sa barangay captain sa lugar.

Nagsagawa ang PAMO-AMWS ng assessments sa mga tarsier at wala naman silang nakitang sugat, o kakaibang kondisyon na dapat nilang ikabahala.

Agad na ring pinakawalan ang mga ito sa area na malayo sa pinaninirahan ng mga residente sa Barangay Katipunan.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pinuri ng PAMO-AMWS ang Bantay Danao volunteers at ang mga barangay officials ng Katipunan sa mabilis at maingat na pagsaklolo sa mga tarsier.

Ang tarsier, kilala bilang isa sa “world's smallest primates,” ay naninirahan sa mga kagubatan ng Agusan Marsh, ayon sa PAMO-AMWS.

Hinikayat din nila ang mga residente sa settlement areas sa paligid ng Agusan Marsh na kapag may makikitang tarsier ay agad ipagbigay-alam sa kanilang local authorities o sa tanggapan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) para agad na ma-rescue ang mga ito.

Dagdag pa ng PAMO-AMWS, “This enigmatic species is considered threatened under the International Union for Conservation of Nature [IUCN] that can be attributed to various threats, primarily due to habitat destruction.”

Nagbabala rin sila sa publiko na ang tarsier at iba pang wildlife sa ating bansa ay bawal patayin, hulihin, saktan, ibenta at kainin alinsunod sa Republic Act 9147, o ang “Wildlife Resources Conservation and Protection Act of 2001.”

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tatlong Philippine tarsier ang nailigtas ng Bantay Danao volunteers sa Agusan Del Sur at muling ibinalik sa kagubatan matapos ma-assess ng Protected Area Management Office-Agusan Marsh Wildlife Sanctuary. (Photo courtesy of PAMO-AMWS)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results