"Face-to-face classes” ng teacher sa Iloilo, kakaiba!

by KC Cordero
Sep 14, 2021
Nagdikit si Teacher Jessie Comprendio ng photos ng kanyang mga estudyante sa mga silya para maramdamang may mga bata siyang kaharap habang nasa loob ng classroom at ginagawa ang modules. Photo courtesy of Jessie Comprendio

Kakaiba ang naisip na paraan ni Sir Jessie Comprendio, 42, para sa kanyang mga estudyante.

Sa pagbubukas ng mga pampublikong paaralan noong September 13, 2021, suspendido pa rin ang face-to-face classes.

Kaya naman naglagay si Teacher Jessie ng mga larawan ng kanyang learners sa mga silya sa classroom.

Mahigit dalawang dekada nang guro si Teacher Jessie. Sa kasalukuyan, siya ay adviser ng 40 estudyante sa Grade 9-Blueberry sa Calinog National Comprehensive High School sa Iloilo province.

Continue reading below ↓

Sa panayam sa kanya ng CNN noong September 13, sinabi ni Teacher Jessie na, "Ginawa ko ito para ma-feel ko na may mga bata akong kaharap habang nandiyan po ako loob ng silid at ginagawa ang mga module.

“Gusto ko ring maramdaman ang pagiging isang guro na nagtuturo na kasama ang mga bata.”

Kalagitnaan ng August nang magsimula siyang kumuha ng mga larawan ng mga estudyante sa pamamagitan ng kanilang online group chat.

Humingi rin siya sa mga magulang ng mga estudyante ng permiso na mag-submit ang kanilang mga anak ng larawan.

Sa panayam naman sa kanya ng Philippine News Agency (PNA) noong September 11, sinabi niyang naisip niya ang ganitong sistema para kung sakaling makita niya ang sinuman sa kanyang mga estudyante sa labas, makikilala pa rin niya ang mga ito.

Dagdag pa niya, "We are still on blended learning, so, while organizing the modules on their respective chairs, I could still see the faces of my students."

Naging madali rin para sa mga magulang ng kanyang mga estudyante ang pagkuha ng modules dahil hahanapin lang ng mga ito ang silya kung nasaan ang larawan ng kanilang anak.

Pagbabahagi pa ni Teacher Jessie, "Only parents are allowed to get modules. They will immediately identify where to get the modules of their children.”

OTHER CLASSROOM MODIFICATIONS

Bukod sa larawan ng mga estudyante, nag-post din si Teacher Jessie sa writing board ng mga subjects at kung sino ang assigned mentors ng mga ito.

Sa labas naman ng classroom ay nagsabit siya ng mga basket na yari sa kawayan at nilagyan niya ang mga iyon ng mga subjects. Doon isusumite ng mga magulang ang modules ng kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

Naghahanda na rin si Teacher Jessie para sa panahong papayagan na ulit ang face-to-face classes.

Sa sulok ng classroom ay gumawa siya ng “wash area” kung saan puwedeng ilagay ng mga estudyante ang kanilang hygiene kits.

Dito rin sila maghuhugas ng mga kamay

May maliit na corner rin kung saan puwedeng magpahinga ang mga estudyanteng hindi maganda ang pakiramdam.

Continue reading below ↓

Paliwanag ni Teacher Jessie, "This is required because we have an evaluation in preparation for face-to-face classes, should they be allowed."

Pinuri naman ng school principal na si Ms. Ma. Emily Calumpang ang kakaibang ideya ni Teacher Jessie.

Continue reading below ↓

Ito na rin ang ipinatutupad na sistema sa kanilang school ngayon na dapat gayahin ng iba pa nilang teachers.

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagdikit si Teacher Jessie Comprendio ng photos ng kanyang mga estudyante sa mga silya para maramdamang may mga bata siyang kaharap habang nasa loob ng classroom at ginagawa ang modules. Photo courtesy of Jessie Comprendio
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results