VIRAL: Love at first sight sa vaccination site

by Bernie V. Franco
Sep 15, 2021
SANA ALL. Jean Rubico went to the vaccination site for her second dose of the COVID-19 vaccine. But she also got a shot at love, and met Wendel Tibor, who is now her boyfriend.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Sinagot na ng isang dalaga ang manliligaw na nakilala niya noong nagpapabakuna kontra COVID-19.

Kinagigiliwan ngayon ng netizens ang TikTok video kung saan makikitang sinasagot ng college student na si Jean Rubico, 20, ang manliligaw niyang si Wendel Tibor, 23.

Unang nagkakilala ang dalawa noong July 19, 2021, nang magtungo si Jean sa isang vaccination site sa Sto. Tomas, Batangas para sa kanyang second dose ng vaccine.

First day of work naman ni Wendel, isang government employee. Natoka ang binata sa registration area.

Pagkakita kay Jean, tumama kay Wendel ang pana ni Kupido.

“Naka-duty po ako that time sa vaccination area,” kuwento ni Wendel sa September 12 episode ng On Record, ang magazine show ng GMA News and Public Affairs.

Pagpapatuloy ng binata, “Pagpasok niya sa pinto, ayun, para akong nakakita ng anghel nun, e. Para talagang na-starstruck ako noon.

“Nung time po na iyon parang na-feel ko na gusto kong makilala itong babae na ito.

Continue reading below ↓

“Alam niyo po yung parang na-love at first sight nga po sa nakita ko?”

Nagkataon naman na sa kanya raw lumapit si Jean para magparehistro.

“Sa akin siya nagpa-register noon. Sa akin siya lumapit,” ani Wendel.

Hindi na pinalampas ni Wendel ang pagkakataon at tinanong niya ang pangalan ni Jean, at kung ito rin ang gamit nitong pangalan sa Facebook.

Lingid sa kaalaman ni Wendel, the feeling is mutual pala dahil naguwapuhan sa kanya ang dalaga.

Kuwento naman ni Jean, “Ka-chat ko po kasi yung ate ko. Nung pagdating ko doon sa vaccination [site] sabi ko po, ‘Ang guwapo!’

“And nung tinanong niya po ako sa registration ko yung FB name ko, sabi ko po, ‘Opo.’ And in-add niya na po ako.”

DESTINY

Nagsimula silang maging chatmates. right after nabakunahan si Jean. Kinumusta siya ni Wendel.

At pagkalipas ng dalawang araw, nagdesisyon ang binata na dumalaw sa bahay ng dalaga para umakyat ng ligaw.

Continue reading below ↓

“Yung loob ko parang, ‘Ah, ito na yung time para sabihin sa magulang niya na kung puwedeng ligawan ang kanilang anak.’”

Malaking bagay ito para kay Jean. Lalo siyang napabilib ng binata.

Sabi ng dalaga, “’Yung para sa akin po is nung nagpaalam talaga siya na manlilingaw, yun na po talaga yung parang sweet siya sa akin, kasi sa parents ko po talaga siya nagpaalam.

“Sa harap ko din po siya nagpaalam na [kung] puwedeng manligaw.”

Ikinagulat nina Wendel at Jean na matagal na palang magkakilala ang kanilang mga ama.

Suki ang ama ni Wendel sa dating lomihan ng mga magulang ni Jean.

Sabi ni Wendel: “Na-shock po talaga ako nung nalaman ko iyon. Kasi wala po talaga akong idea na ang parents namin ay super close.”

Dagdag naman ni Jean, “Parang destiny daw po kasi parang fifteen years na po silang magkakilala, ang papa namin pareho.

“E, hindi po talaga kami nagkikita.”

Continue reading below ↓

JEAN FINALLY SAYS YES

Noong August 21, 2021, nag-post si Jean ng TikTok video kung saan sinasagot na niya si Wendel.

Mapapanood sa video na nasa loob ng kotse si Jean nang abutan niya si Wendel ng cake na nasa paper container.

Pagbukas ni Wendel, nakasulat ang mga katagang “Officially yours” sa cake, bilang pagpayag ni Jean na maging nobya ni Wendel.

Kita sa video kung gaano kaligaya si Wendel na nakamit na niya ang matamis na oo ng dalagang kanyang sinisinta matapos ang isang buwang panliligaw.

Pagbabalik-tanaw ng binata: “Pagbasa ko nakalagay, ‘Officially yours,’ do’n ako nabigla.

“Talagang gulat na gulat ako noon, at saka nung oras na iyon parang ako talaga ang pinakamasayang lalaki.

“Naiyak na rin ako noon kasi nga tears of joy.

“Surprised na surprised po talaga ako nung araw na iyon. Talagang, wow!”

Ipagdiriwang ng dalawa ang kanilang first monthsary sa darating na September 20, 2021.

Continue reading below ↓

Wala nang mahihiling pa si Wendel sa kanyang kasintahan.

“Bonus na lang po talaga yung maganda, e. Napakabait po, masorpresa, kaya ko po talagang nagustuhan si Jean.”

Paglalarawan naman ni Jean sa nobyo: “Sobrang matured niya po talagang mag-handle ng emotion, lalo na po sa mga situations.

“Parang ilang years na po kaming magkakilala talaga, pero kung tutuusin po isang buwan po talaga,” nangingiting sabi pa ng dalaga.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
SANA ALL. Jean Rubico went to the vaccination site for her second dose of the COVID-19 vaccine. But she also got a shot at love, and met Wendel Tibor, who is now her boyfriend.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results