After 35 years, senior-citizen couple ikinasal na sa wakas!

by KC Cordero
Sep 17, 2021
Bakas ang kaligayahan sa mga mukha ng bagong kasal na sina Antonio Jayme, 86, at Emperatriz Estenzo-Jayme, 68, matapos ang kanilang kasal noong September 14, 2021. Photo @Mandaue City Public Information Office FB

Matapos ang 35 years na pagsasama, nasa Road to Forever na ang dalawang senior citizens sa Mandaue City.

Pagbabahagi nina Antonio Jayme, 86, at Emperatriz Estenzo-Jayme, 68, natagalan ang desisyon nilang magpakasal dahil gusto talaga nilang matiyak na meant for each other sila.

Continue reading below ↓

Si Mandaue City Mayor Jonas Cortes ang nagkasal sa couple noong September 14, 2021.

Mahigpit na sinunod ang mga ipinatutupad na health and safety protocols sa civil wedding ceremony, na nasaksihan ng mga pamangkin ng mga bagong kasal.

Sila rin ang tumulong kina Antonio at Emperatriz para matupad na ang malaon nilang pangarap na pag-iisang dibdib.

Nang i-post ng Mandaue City Public Information Office sa Facebook page nito ang wedding photos nina Antonio at Emperatriz ilang minuto pagkatapos ng kasal, agad itong naging viral.

Continue reading below ↓

Bumaha rin ng mga pagbati mula sa kanilang mga kamag-anak at netizens na kinilig at natuwa sa kanilang kakaibang love story.

NAGSIMULA "AS FRIENDS"

Noong una silang nagkakilala, 35 years old si Emperatriz habang si Antonio naman ay 53 years old.

May mga nauna na rin silang naging karelasyon, pero dahil hindi naman legal ang mga relasyong iyon, masasabing pareho silang single and ready to mingle noong sila'y nagkakilala.

Continue reading below ↓

Nagsimula sila "as friends" hanggang aminin ni Antonio kay Emperatriz na may nararamdaman na siya para sa kanyang friend.

Napakabait umano ni Emperatriz kaya tuluyang nahulog ang loob ni Antonio dito.

Aminado naman si Emperatriz na noong una ay ayaw niyang ligawan siya ni Antonio.

Hindi niya kinunsinti ang paniningalang pugad nito sa kanya.

Sinubukan rin niya kung joke lang ba ang mga sinasabi nito sa kanya.

Pero masigasig, kaya ang mailap na puso ni Emperatriz ay unti-unti nang naging maamo.

Sa sobrang sincere ni Antonio sa panunuyo, hindi na niya ipinagkait dito ang kanyang matamis na oo.

From “as friends,” nauwi ang kanilang status sa in a relationship.

At nang naging officially on, nagdesisyon silang magsama na sa iisang bubong.

Masaya ang pagsasama nila Antonio, bihira raw silang magtalo.

KONTRATANG PANG-FOREVER

Hindi na nakabuo ng sariling supling ang dalawa, bagamat si Antonio ay may isang anak sa una nitong nakarelasyon.

Continue reading below ↓

Humanga naman si Mayor Cortes sa desisyon ng dalawa na magpakasal pa rin sa kabila ng kanilang edad.

Ayon sa alkalde, ang pinakaimportante ay natupad ng mga bagong kasal ang pangako sa isa’t isa.

Aniya, “I am happy for them. It’s a good example to complete the marriage that has a bond and sign a contract for each other.”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Bakas ang kaligayahan sa mga mukha ng bagong kasal na sina Antonio Jayme, 86, at Emperatriz Estenzo-Jayme, 68, matapos ang kanilang kasal noong September 14, 2021. Photo @Mandaue City Public Information Office FB
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results