Nanay niregaluhan ng PHP1 million, house and lot sa kanyang 67th birthday

by Bernie V. Franco
Sep 21, 2021
To her huge suprise Aling Lolita was an instant millionaire on her 67th birthday. Aling Lolita's daughter Lou, worked hard to earn a million pesos for her mom.
PHOTO/S: Kapuso Mo, Jessica Soho

Hindi akalain ni Aling Lolita na sa kanyang ika-67 kaarawan, magiging milyonarya siya at matutupad ang pangarap niyang magkaroon ng bahay at lupa.

Ang 1 milyon pesos at house and lot ay regalo ng kanyang anak na si Lou.

Nitong Linggo, September 19, 2021, ay naitampok ang kuwento ni Aling Lolita sa Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS), ang magazine show ng GMA News and Public Affairs.

SILIP O PHP100K

Nag-upload si Lou ng posts sa Facebook.

Makikita sa video na pinasabik pa muna ni Lou ang kanyang ina sa pamamagitan ng mala-“Pera o Bayong” challenge.

Mapapanood na pinapapili si Aling Lolita kung PHP100,000 o silip sa kuwarto.

Walang kamalay-malay ang ginang kung ano ang nasa loob ng kuwarto na ipapasilip sa kanya.

Maririnig naman ang boses si Lou sa background, “Ma, magtiwala ka sa akin.”

Ito ang dahilan kung bakit kahit ipinapaypay ang one-thousand-peso bills kay Aling Lolita ay pinili niya ang silip sa kuwarto.

Continue reading below ↓

Nuong una, bago pinapili si Aling Lolita kung pera o kahon ay inabutan muna siya ni Lou ng PHP50,000.

At mas naging kapana-panabik ang palaro nang gawing PHP100,000 ang pera.

Pero dahil sa sinabi ni Lou na magtiwala sa kanya ang ina, mas pinili ni Aling Lolita na silipin ang laman ng kuwarto.

Sumambulat sa paningin ni Aling Lolita ang hindi mabilang na tig-iisang libo at ilang tig-limang daang pisong pera nang buksan niya ang pinto.

Ang kabuuan: PHP1million.

Continue reading below ↓

Lahad ng ginang sa KMJS, “Pagdating ko sa kuwarto, hindi ko inasahan na nakalatag doon ang pera sa kama. Ngayon pa talaga ako nakahawak ng pera na one million.”

Pero hindi pa rito nagtatapos ang birthday surprise kay Aling Lolita.

Sabi ni Lou na maririnig sa video, “Ma, there’s more! House and lot!”

Sabay pagpapakita kay Aling Lolita ng blueprint ng ipapatayong bahay para sa ina.

Sambit ni Aling Lolita sa show, “Para akong binigyan ni Willie Revillame ng pera, house and lot, at nanalo ako ng one million. Para akong nanalo sa lotto.”

RAGS TO RICHES

Bagamat bigatin ang mga regalong ipinagkaloob ni Lou sa kanyang ina, hindi siya laki sa yaman.

Lumaki raw silang siyam na magkakapatid sa hirap.

Naitaguyod sila ng kanilang ama na isang magsasaka at ni Aling Lolita na naglako ng kung anu-anong paninda.

Kuwento pa ni Aling Lolita, “Ang aking gabi ginagawa kong araw dahil sa aming kahirapan. Biruin mo, siyam sila.

Continue reading below ↓

“Ako ang tunay na nagsumikap para makapag-eskuwela sila,” mangiyak-ngiyak na lahad ng ginang.

Hindi rin napigilan ni Lou ang mga luha niya nang binabalikan ang kahirapan nila noon.

Lahad niya sa interview, “Minsan po ang ulam po namin is yung suka, ‘tapos nilagyan ng asin, 'tsaka yung sibuyas na dahon.

“Sa school naman po, yung baunan namin is yung dahon ng saging, nilagyan po namin ng ginamos [fermented fish].”

Papuri ni Lou sa ina, “Walang katumbas po ang mga sacrifices niya para sa aming magkakapatid.”

Para matulungan ang ina, natutong magbenta ng kung anu-ano sa school si Lou.

Aniya, “Lahat po ng bagay binebenta ko po. Ang tawag ng propesor sa akin, the walking sari-sari store.

“Ayoko pong balikan yung mga pagkakataon na walang-wala talaga kaming makain. Sobrang hirap po ng buhay namin.”

Ang mga pangarap ni Lou ay inilista niya sa isang notebook.

Isa na rito ay ang entry noong January 12, 2009, na ipagpapatayo niya ng bahay ang ina pagkatapos ng tatlong taon.

Continue reading below ↓

Nang makapagtapos sa kolehiyo, nagtrabaho si Lou para matupad ang mga inilista niyang goals sa notebook.

Pero hindi ganun kadali, at may mga pinasok siyang negosyo na nalugi.

Hindi naman ito sumuko, “Sabi ko sa sarili ko, ‘Lord, wala talaga akong pera. Ikaw na pong bahala magsukli sa akin.'”

Nito lamang pandemic, napasok si Lou sa skin-care business.

Sa pamamagitan ng TikTok, natuklasan ni Lou ang manufacturer ng skin products.

Mabenta ang products ni Lou sa kanyang followers kaya ang bilis lumago ng kanyang venture.

Nakapagpatayo ng sariling bahay si Lou at nagsimulang mag-ipon para sa ina.

“Pangarap ko talagang maging instant millionaire siya,” at nangyari nga ito sa birthday ng ina.

Bilang pag-iingat, bago i-upload ni Lou ang video ng ina sa birthday celebration nito ay naibangko na ang salapi.

Ani Lou, “Pinalitan ko ng tseke yung pera. Before posting sa Facebook, wala na kaming cash noon.”

Hindi rin madamot si Lou dahil nag-aabot din siya ng tulong sa mga kamag-anak ngayong may pandemya.

Continue reading below ↓

“I want to inspire everybody na ang pera ay [kikitain] lang po, pero ang kaligayahan ng isang ina hindi mo iyan masisuklian kahit ano pong bagay.”

Nang isulat ni Lou ang kanyang mga kahilingan sa notebook siya ay 19 anyos lamang noon.

Sa video ipinakita na muling binalikan ni Lou ang notebook.

Ang entry niya na ipagpapatayo ng bahay ang ina, sa halip na after three years, inabot siya ng 12 taon.

Pero pasasalamat lang ang nararamdaman ni Lou, “I’m so grateful kay God na napagdaanan ko iyon.

"Kasi hindi ako maging ako ngayon kung wala yung mga ganoong karanasan sa buhay. Nangarap ako dahil sa kahirapan namin.”

Pahayag pa niya sa KMJS, “I want to inspire everybody na ang pera ay [kikitain] lang po, pero ang kaligayahan ng isang ina hindi mo iyan masisuklian kahit ano pong bagay.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
To her huge suprise Aling Lolita was an instant millionaire on her 67th birthday. Aling Lolita's daughter Lou, worked hard to earn a million pesos for her mom.
PHOTO/S: Kapuso Mo, Jessica Soho
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results