Itinakdang araw ng wedding, naging araw ng libing ng groom

by Bernie V. Franco
Sep 23, 2021
Ilang beses naudlot ang kasal nina James Edem at Angela Durias. Noong September 2, 2021, itinakda nila ang kanilang civil wedding. Pero pumanaw si James kaya ang dapat sana ay araw ng kanilang wedding ay naging araw ng libing ni James.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Paano kung ang araw mismo ng iyong kasal ay naging araw ng libing ng iyong groom?

Ang dapat sana ay maligayang araw ay napalitan ng pighati.

Ito ang mapait na sinapit nina James Edem at Angela Durias, parehong taga-Isabela, ilang linggo lamang ang nakakaraan.

Magka-live in sina James at Angela, at meron silang four-year-old son.

Ilang beses na ring naudlot ang kanilang kasal. Nagtakda sila ng church wedding noong July 2020.

February 2020 pa lamang, naghanda na ang dalawa.

Sa katunayan, nakipag-usap na sila sa isang photographer para magpa-book ng coverage para sa kanilang church wedding.

Subalit nangyari ang pandemya noong March 2020, kaya’t muling naudlot ang kanilang July 2020 church wedding.

September 2, 2021, nakatakda ang civil wedding ng couple.

Bilang paghahanda, ibinenta pa ni James ang kanyang motorsiklo.

“Nangingilid ang luha niya sa mata. Tinanong ko, ‘Bakit mo kasi binenta?’” lahad ni Angela sa GMA Public Affairs.

“Sagot niya, ‘Pangkasal natin, Mommy.’”

Continue reading below ↓

August 25, 2021, o walong araw bago ang kanilang civil wedding, ipinamigay ng magkasintahan ang kanilang wedding invitation.

Pero biglang nakaramdam ng hirap sa paghinga si James. Inatake siya ng kanyang asthma.

Pagbabalik-tanaw ni Angela, “Hinila niya kung kamay ko. Hinila niya ako.

“Yun na yung sinabi niya na, “Hindi ko na kaya yata, Mommy.’"

Kasunod nito ay naghabilin na si James.

Lahad ni Angela, “Sabi niya, ‘Ikaw na ang bahala sa lahat. Ikaw na ang bahala sa anak natin.’”

Pumanaw si James sa araw ring iyon.

LOVE BEYOND DEATH

Hinangad pa rin ni Angela na matuloy ang kasal nila ng karelasyon.

Sabi niya, “Buo yung loob ko na ituloy yung kasal. And syempre po, nagtanong pa rin ako sa simbahan.

“Ang hiniling ko lang po sa simbahan, basbasan lang kami sa naging relasyon namin sa walong taon.”

Sabi ni Angela, “Hanggang sa huling sandali ng buhay niya magkasama kami, e.”

Continue reading below ↓

THE LOVE STORY

Nagsimula ang love story nina James at Angela nang isayaw ng binata ang dalaga sa kanilang JS (Junior-Senior) prom.

Hindi nagtagal, sinagot ni Angela si James.

Pagkatapos ng tatlong taong relasyon, nagdesisyon ang magkasintahan sa magsama sa iisang bubong.

Taong 2016 pa lamang ay nagbalak na silang magpakasal, pero naudlot ito.

Hanggang sa isilang ni Angela ang kanilang baby boy.

Nakakalungkot na ang big milestone sana ng kanilang relasyon ay naging malungkot na araw.

Pero nananatiling positibo si Angela.

Bahagi ng eulogy niya para kay James ay:

“Hindi man kita makakasama sa pag-abot ng mga pangarap sa pamilya natin, alam kong isa ka sa gagabay sa amin ng anak natin.

“May plano ang Diyos, Daddy, at nagtitiwala ako doon. Tuloy lang ang buhay.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ilang beses naudlot ang kasal nina James Edem at Angela Durias. Noong September 2, 2021, itinakda nila ang kanilang civil wedding. Pero pumanaw si James kaya ang dapat sana ay araw ng kanilang wedding ay naging araw ng libing ni James.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results