Pasukin natin ang mundo ng ARMY mom na gumastos ng PHP2.2M sa BTS merch, concerts

by KC Cordero
Sep 23, 2021
Mula sa pagiging casual listener, naging bahagi na ng mundo ni Etang Reyes ang BTS, at handa siyang gumastos para sa kanyang paboritong K-Pop band. Photo courtesy of Etang Reyes

Naging viral ang BTS ARMY mom na si Etang Reyes nang ibahagi niya sa netizens kung paano siya naglalaan ng pera para sa BTS merchandise.

Tumataginting na PHP2.2 milyon na ang nagastos niya dahil sa kanyang pagmamahal sa South Korean boy band.

Lahad niya Cosmopolitan Philippines noong June 16, 2021, "When I started collecting, I stopped buying other things.

“People thought I spend PHP2.2 million—and it didn’t happen like a week, or a day, or overnight na inilabas mo iyon.

“It required me to sacrifice other things that I want.”

Continue reading below ↓

July 27 naman nang i-post niya sa kanyang Facebook account ang video nang i-feature siya ng OG.

Ang OG ay flagship video-first brand ng Summit Media.

Tampok sa video ang kanyang room na puno ng BTS merchandise.

NAG-START BILANG CASUAL LISTENER NG BTS

ARMY ang tawag sa BTS fandom.

At bago naging BTS ARMY mom si Etang, isa lang siyang “casual listener” ng grupo.

Pagbabalik-tanaw niya, “In 2014, my niece became a BTS ARMY. So, doon ko sila nakilala.

“Just a casual listener, naroon ako sa category na iyon na nag-e-enjoy akong makinig ng kanilang music.”

Lalo naman siyang naging fan ng BTS noong 2016. “Iyon kasi ang turning point ng kanilang career.

Continue reading below ↓

“And then I saw their US TV guestings in 2017. Sabi ko, 'Ay heto na pala sila.' 'Tapos nag-concert sila dito, 'tapos ni-launch yung Love Yourself campaign. Yung album nila, yung Her. That was 2017.

“Doon ko talaga sila napanood, na talagang yung mundo ko, parang napunta sa K-World. Iba itong group na ito.

Biro pa niya sa sarili kanyang pagiging super fan ng BTS, “You fell into the rabbit hole, gano’n. ‘Yung hindi ka na makakaahon.”

NAGING BTS ARMY

Taong 2018 nang tuluyan siyang mas maging aktibong fan. “It was the time that I came out of the closet. Parang ganoon...”

Nagsimula na rin siyang maghanap ng kapwa BTS ARMY at sumali sa mga online communities ng grupo.

Aniya, “Madaling maghanap ng mga groups, pages, pero ang mahirap, ‘yung real interaction.”

Continue reading below ↓

May mga nakakilala rin siyang kapwa matured BTS fans sa Twitter. “Hindi lang acquaintance ‘yung nakita ko, but I also found friendship.”

CERTIFIED “OT7 BY HEART”

Wala naman siyang bias sa mga miyembro ng BTS. “By heart, I am OT7.

“OT7 yung you love all seven of them.

“Noong nag-start ako, ang pinapanood ko lang lagi ay sina Jungkook at saka si Taehyung. Kasi sila yung nag-caught ng attention ko. But as time passes by, na nakikilala mo sila, nag-iiba yung bias.

“Yung wrecker naman, si Suga or si Yoongi.

“Minsan naiinggit ako doon sa ibang ARMY na yun lang talaga yung bias nila.”

Continue reading below ↓

Suportado rin ng kanyang pamilya ang kanyang pagiging ARMY.

“My family is supporting me unconditionally. Si husband kasi, parang best friend ko siya. Noong yung BTS na lang ang pinapanood ko parati, ikinukuwento ko naman sa kanya. So feeling ko, nagustuhan na rin niya ang BTS.

“Yung isang anak ko nang nalaman niya na manonood ako ng concert, isinulat niya yung fan chant sa paper. I-memorize ko raw.”

At kung bakit siya unique kumpara sa ibang BTS ARMY, “Siguro I’m willing to travel, to spend, to stay all night. Yung mga plans ko sa buhay, isinasama ko sila [BTS].”

ARMY IS FAMILY

Nang maglabas ngayong taon ang isang fast-food chain ng BTS-inspired meal, napasabak sa mainitang pakikipagtalo ang ARMY sa mga hindi fans ng grupo.

Tanong kasi ng mga hindi fans, para saan daw ba ang kaguluhang nagaganap dahil lang sa BTS-inspired meal na iyon?

Ang karaniwang tugon naman ng ARMY bilang depensa sa BTS: “Let people enjoy things.”

Continue reading below ↓

Katwiran pa nila, lahat naman ay may kanya-kanyang iniidolo.

At para kay Etang, “ARMY is family. I don’t think a family will be toxic.”

Dagdag pa niya, “ARMY are just being critical about the misconceptions and criticisms. Ganoon siguro talaga kamahal ng ARMY yung BTS.”

Ito rin aniya ang dahilan kaya ipinagtatanggol nila ang BTS. “It’s because of love, hindi puwedeng hindi ka magre-respond.”

APEKTADO NG COMMENTS VS. BTS

Kaya nang i-share ni Etang kung magkano na ang kanyang nagagastos para suportahan ang BTS, inasahan na niyang dadagsain ang kanyang post ng negative comments.

Pero ang mga masasakit na komento ay patungkol pa rin aniya sa BTS.

Continue reading below ↓

Aniya, “Hindi ako affected na masyado sa reaction nila sa PHP2.2 milyon na iyan.

“Naapektuhan ako doon sa mga negative comments towards BTS.”

Aminado siya na hindi niya kayang pasayahin ang lahat, pero sana raw ay matuto ang mga tao na irespeto ang kapwa.

Paliwanag ni Etang, “Hindi ko naman hinihinging maging fan sila. Respect...”

HAPPY NA MAGING PART NG JOURNEY NG BTS

Muling nag-trending ang BTS dahil sa kanilang partisipasyon sa Sustainable Development Goals (SDG) Moment sa ginanap na 2021 United Nations General Assembly (UNGA) noong September 20.

Kinanta rin nila ang kanilang new single “Permission to Dance” sa nasabing okasyon.

Nagbigay rin sila ng speech sa harap ng mga fans, diplomats, at world leaders tungkol sa COVID-19 vaccinations, at kung paano nagagawa ng mga kabataan ngayon na makaagapay, magpatuloy ng kanilang buhay, at manatiling may pag-asa sa harap ng pandemya.

Kaya para sa buong ARMY, worth it ang kanilang paghanga sa BTS.

Continue reading below ↓

Para kay Etang, “I’m proud to say na they compose, they produce their own songs.

“Yung mga songs kasi nila, may special messages talaga lahat. They address social issues, mental health, about discovering one’s self.”

Sa panayam sa kanya ng Cosmo, sinabi niyang natulungan siya ng BTS na matutunan ang kahalagahan ng pagmamahal sa sarili.

Continue reading below ↓

Aniya pa, “I've realized that I need to love myself for who I am and not find happiness through people's validation.

“I love how they take every opportunity to mention ARMY and make us feel like we are family. That we are part of their journey and success.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mula sa pagiging casual listener, naging bahagi na ng mundo ni Etang Reyes ang BTS, at handa siyang gumastos para sa kanyang paboritong K-Pop band. Photo courtesy of Etang Reyes
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results