College graduate hindi ikinahiya ang promodiser job: "Pride doesn’t pay bills"

by KC Cordero
Oct 1, 2021
Kasalukuyang nagtatrabaho bilang promodiser si Lhanglang Apal, isang college graduate na hirap makahanap ng trabaho ngayong pandemya. Photo: Lhanglang Apal on Facebook

Kailangan ba talaga na ang trabaho ng isang tao ay akma sa kursong tinapos?

Tanong ito ni Jessa Mae Apal, isang 23-year-old college graduate na nagtatrabaho bilang promodiser sa isang supermarket sa Canhaway, Guindulman, Bohol.

Si Jessa Mae, na mas kilala bilang Lhanglang, ay naglabas ng saloobin sa kanyang Facebook post noong June 5, 2021.

Continue reading below ↓

Bahagi ng kanyang post: “Sabi nila, college graduate daw ako tapos hindi ko ginamit yung kurso ko kasi promodiser/promo girl/push girl lang ako...

“Nasaan na ba raw yung natapos ko at bakit ito lang trabaho ko ngayon?”

Dagdag pa niya, “Well, sa hirap maghanap ng trabaho ngayon, sa hirap makapasok sa mga hotels ngayon, bakit hindi ako papasok sa ganitong trabaho? Kailangan ba talaga kung ano ang natapos mo dapat yun din ang present na work ngayon?”

MAHIRAP MAGHANAP NG TRABAHO DAHIL SA PANDEMIC

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Lhanglang noong September 29 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

Ayon kay Lhanglang, taong 2020 niya natapos ang kursong Bachelor of Science in Hotel Management sa STI College Bohol.

"Panganay po ako, tatlo kaming magkakapatid. Kaya po pagka-graduate ko last year ay nag-apply ako agad ng work kasi gusto ko talagang matulungan ang pamilya ko.”

Likas siyang masipag kahit noong nag-aaral pa lang.

Continue reading below ↓

“Nagbebenta din po ako dati ng ukay-ukay. Ipino-post ko yun sa FB ko at minsan inilalako ko pa po.”

At gaya ng ibang newly graduate students, agad siyang naghanap ng mapapasukan para hindi masayang ang kanyang oras.

“Sa mga hotels at resort po, kaso medyo mahirap makapasok ngayong pandemic.

“Nag-apply po muna akong promodiser. Nagpapasalamat naman po ako dahil natanggap ako at nakatulong na rin sa parents ko kahit papano.”

Dito siya nagsimulang makarinig ng mga pang-ookray dahil hindi raw bagay sa gaya niyang college graduate ang maging promodiser at magtulak lang ng cart sa supermarket.

Continue reading below ↓

Natatawang sabi ni Lhanglang, “Kadalasan po talaga mga kakilala ko pa ang nang-ookray, hihihi!”

Aminado naman siyang nakakasakit sa damdamin ang mga ganoong komento, “Medyo nakaka-down lang po talaga...

“Kasi wala naman pong masama kung maging isang promodiser kasi pinaghirapan ko po yun. Marangal po na work yun.”

HINDI maipambabayad sa bills ang PRIDE

Sa kanyang Facebook post ay sinabi ni Lhanglang na sa panahon ng pandemya ay mas mahalaga ang merong trabaho kahit ito akma sa kursong tinapos.

“Ekis na yung puro ka kaartehan at namimili ng trabaho kasi hindi tayo uunlad niyan. As long as legal at marangal na trabaho at wala kang pili at walang arte, pwede ka.

“Paano pala kung wala pang vacant sa kurso mo? Tutunganga ka na lang? Aantayin mo kung kailan ka makapagtrabaho sa kurso mo?

“Dapat meron kang second option kasi kung mag-aantay ka lang kung kailan may magbubukas na posisyon sa natapos mo, kung attitude ka, hindi ka talaga aasenso niyan.”

Continue reading below ↓

Payo pa niya sa mga taong gustong umasenso sa buhay, hindi lang dapat puro ambisyon.

“Sabi nila, ‘Ambition is the first step to success. The second step is action.’ So, kung hanggang sa ambisyon ka lang at wala kang ginagawang aksyon, useless lang lahat ng iyong mga ambisyon.”

Higit sa lahat, hindi raw maipambabayad sa mga gastusin ang pride.

“Kaya magsumikap ka. Pride doesn’t pay bills. Wala kang trabaho? Maghanap ka ng kahit anong trabaho. Don’t sit at home waiting for the magical opportunity. Do something until you can do something else.”

Lhanglang's DREAM JOB

Sa ngayon, nagtatrabaho si Lhanglang sa isang food park sa kanilang lugar.

Mas may koneksiyon na ito sa kursong kanyang tinapos.

Continue reading below ↓

“Almost four months din po akong promodizer,” kuwento ng dalaga sa PEP.ph.

“Okey lang naman ang pagiging promodiser/push girl. Medyo hindi lang talaga siya madali kasi whole day kang nakatayo at kailangan mong i-push ang products mo para makabenta ka.”

Pag nagbalik na ang lahat sa normal at magiging madali na muli ang paghahanap ng trabaho, ipupursue niya ang kanyang dream job.

“Gusto ko po talagang mag-work sa mga hotels po o sa cruise ship. Yun po talaga pangarap ko...

“Kung hindi man po ibigay sa akin ni God yun at kung ano man ang plano na itinakda Niya sa akin ay tatanggapin ko basta natutulungan ko ang pamilya ko at mapagtapos ko ng pag-aaral ang mga kapatid ko.”

May words of wisdom din siya sa mga gaya niyang college graduate na hirap makahanap ng trabahong akma sa tinapos na kurso.

“Patuloy lang po tayo sa pagsisikap, at huwag nating hayaan na maliitin tayo ng mga taong puro kutya lang ang ibinibigay sa atin.

Continue reading below ↓

“Hayaan natin silang kutyain tayo, magsumikap lang tayo, at kung ano mang bakanteng trabaho na puwede sa atin basta marangal, go lang.

“Tandaan niyo, ginagawa natin ito para sa pamilya at para sa sarili natin, hindi para sa mga taong walang ibang ginawa kundi kutyain ang buhay natin.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kasalukuyang nagtatrabaho bilang promodiser si Lhanglang Apal, isang college graduate na hirap makahanap ng trabaho ngayong pandemya. Photo: Lhanglang Apal on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results