Tatay has the best reasons to resume high-school studies at age 61

by KC Cordero
Oct 6, 2021
Naging motivation ni Tatay Merit Majerano, 61, sa pagpapatuloy ng pag-aaral niya sa high school ang maipakita sa anak na importante ang edukasyon.

Balik-eskwela si Merit Majerano, 61.

Sa simula, gusto niyang maging halimbawa sa anak na walang hilig sa pag-aaral. Di naglaon, naging daan ito para unti-unting maabot ang matagal na niyang pangarap.

Ito ang kuwento ng isang ama na taga-Mondragon, Northern Samar, na nagkaroon ng pagkakataong ipagpatuloy ang pag-aaral ngayong pandemya.

Kamakailan ay nagtapos si Tatay Merit ng junior high school sa pamamagitan ng Alternative Learning System o ALS.

Tatay Merit Majerano in junior high school

Continue reading below ↓

Ang ALS ay isang parallel learning system sa ating bansa para sa mga out-of-school youth and adult (OSYA) learners. Dito ay nabibigyan sila ng oportunidad na ma-develop ang kanilang basic and functional literacy skills, at magkaroon ng access para makakumpleto sila ng basic education.

Ayon sa ulat ng 24 Oras ng GMA News noong September 29, 2021, isa sa naging motivation ni Tatay Merit sa kanyang pag-aaral ay para makita ng kanyang 16 anyos na panganay ang kahalagahan ng edukasyon.

Aniya, "Kinukuhaan ko ng module, bago nandoon lang sila sa barkada."

Dahil walang interes sa pag-aaral ang anak, may naisip na paraan si Tatay Merit.

Kuwento ni Shayne Allegar Esponilla, isa sa mga guro ni Tatay Merit, nang una niya itong makita ay inakala niyang ang mga anak ang ipapa-enroll nito.

Pero nang lumapit si Tatay Merit sa kanya, sinabi nitong siya mismo ang magpapa-enroll.

Nagulat ang guro, kaya tanong niya rito, “Ha? Ikaw, Tay? Kaya mo?”

Sagot umano nito, “Opo, Ma'am... Kaya ko pa pong mag-module."

Kahit araw-araw na may gawain sa bukid si Tatay Merit ay naging masikap ito sa pag-aaral.

Hindi rin siya apektado ng pangangantiyaw ng mga kakilala.

Kuwento niya, “Merong nga nagsasabi sa akin na, ‘Uy, matanda ka na, ano, nag-aaral ka pa?’ Okey naman iyan kahit matanda na ako.”

ITUTULOY PA RIN ANG PAG-AARAL

Ikinatuwa ng netizens ang pagtatapos ni Tatay Merit, at marami ang nagpahatid ng papuri at pagbati.

Netizens congratulate Tatay Merit Majerano

Continue reading below ↓

Naikuwento naman ni Tatay Merit sa panayam na kaya siya huminto sa pag-aaral noong 1976 ay dahil lumuwas na siya ng Maynila para magtrabaho.

Kaya ngayong may pagkakataon siyang mag-aral muli ay hindi na niya ito pinalampas. Paraan rin ito para maging magandang halimbawa siya sa kanyang mga anak.

“Para makita nila na pupursigihin kong mag-aral... para makapagtapos,” ani Tatay Merit.

“Hindi lang doon [mga anak niya]... Pati yung may mga edad na rin na gaya ko na makuwan sa pag-aaral.”

Sa ngayon, plano niyang ipagpatuloy ang pag-aaral, mag-enroll sa senior high, at makatapos ng kahit technical course.

Pagbabahagi niya, “Maging diesel mechanic ang pangarap ko noon.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Naging motivation ni Tatay Merit Majerano, 61, sa pagpapatuloy ng pag-aaral niya sa high school ang maipakita sa anak na importante ang edukasyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results