76-year-old lola sa Kalinga, aktibo pa rin sa pagsasaka

by KC Cordero
Oct 8, 2021
Dahil sa patuloy niyang pagsasaka at pagtulong sa food and seed system ng kanilang komunidad sa Kalinga, naging benepisyaryo si Apong Ana Saggob ng Department of Agriculture SAAD program para may iba pa siyang source ng pagkain at income.

Kilala ang 76-year-old vegetable farmer na si Apong Ana Saggob sa mga taga-Kalinga bilang "Afufukor."

Ito ay mula sa pinagsamang “Apo” o nakatatanda at “fukor” o mga buto ng halaman.

Sa kanya kasi umaasa ang kanilang komunidad ng mga libreng buto ng gulay na pantanim.

Lumaki si Apong Ana sa pamilyang nagtatanim ng gulay.

Sa artikulong lumabas sa website ng Department of Agriculture noong October 4, 2021, sinabi niyang, “Daytuyen ti nagdakkelak ket nakasanayak metten. Nu saan ta agmula awan ti maidasar ta iti lamisaan. [Ito na ang kinamulatan ko at ginagawa noon pa man. Kung hindi kami magtatanim, wala kaming maihahain sa aming mesa.]”

Popular din siya sa kanilang komunidad dahil sa kanyang kasipagan at tiyaga.

Kahit na forty years na siyang biyuda, napalaki niya ang pitong anak sa pamamagitan ng kita mula sa pagtatanim ng mga gulay.

SIKRETO NG MALAKAS NIYANG PANGANGATAWAN

Tanging ang bunsong anak at dalawang apo ang katulong ni Apong Ana sa pagtatanim dahil ang ibang anak niya ay sa kabayanan na naninirahan.

Continue reading below ↓

Personal niyang dinadala sa palengke ang kanyang mga aning gulay para ibenta.

Sa kabila ng bahagyang paglabo ng mga mata at pagsakit ng likod dahil sa kanyang edad, ipinagpapatuloy pa rin ni Apong Ana ang pagtatanim ng mga gulay na tanging source of income niya.

Ang sikreto niya sa pagiging malusog ay dahil aktibo pa rin ang kanyang katawan.

Nagsisilbing ehersisyo niya ang paglalakad papunta sa bukid at pagtatanim ng mga gulay.

Lagi ring sariwa ang kanyang pagkain mula sa kanyang mga tanim.

AKTIBO sa pagtatanim para sa komunidad

Dahil sa kanyang patuloy na pagmamahal sa pagsasaka, naging benepisyaryo si Apong Ana ng Department of Agriculture-Special Area for Agricultural Development (DA-SAAD) Program.

Ang SAAD ay tumutulong sa mga komunidad para mahikayat ang mga residente na magtanim sa pamamagitan ng pagbibigay sa mga ito ng binhi at planting materials.

Bago pa man naipatupad ang SAAD program sa Kalinga noong 2020, nagtatanim na si Apong Ana ng saging, papait, beans, kamoteng bagin, at kamoteng kahoy sa lupain na pag-aari na kanyang pamilya na may lawak na 450 square meters.

Continue reading below ↓

Apong Ana Saggob benepisyaryo Department of Agriculture SAAD program  source pagkain  income

Bilang aktibong miyembro ng Farmers’ Cooperative and Association (FCA) at ng Magic 78 Lower Bangad Farmers Organization (M78LBFO), madalas i-volunteer ni Apong Ana ang kanyang taniman para sa field demonstrations.

Ang kanyang taniman din ang ginamit para sa demo ng pagtatanim ng mga ipamamahaging binhi ng mga gulay noong 2020, at ginamit bilang Farmers Field School (FFS).

Continue reading below ↓

Dahil pagiging genrous niya sa oras at sa kanyang resources, malaki ang pasasalamt sa kanya ng kanilang komunidad .

Patuloy na ginagabayan si Apong Ana ng SAAD Kalinga kung paano mas mapapalaki ang kanyang mga ani.

Nabigyan rin siya ng mga manok na aalagaan, fruit tree seedlings, pineapple slips, at iba pang buto ng gulay na pananim para may iba pa siyang source ng pagkain at income.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Dahil sa patuloy niyang pagsasaka at pagtulong sa food and seed system ng kanilang komunidad sa Kalinga, naging benepisyaryo si Apong Ana Saggob ng Department of Agriculture SAAD program para may iba pa siyang source ng pagkain at income.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results