Meet Nougat: ang "asong gala" ng Siargao

by KC Cordero
Oct 8, 2021
Love na love ni Ruan Mac ang kanyang dog na si Nougat, isang Siberian Husky, na aniya ay tinuruan siyang maging mas mapasensiya.

Kung source of joy ang pagkakaroon ng pet, natuklasan ng Siargao-based businesswoman na si Ruan Mac na isa rin itong malaking responsibilidad.

Madalas kasing tumakas para gumala ang kanyang asong si Nougat, isang Siberian Husky.

Nougat asong gala Siargao

“Naging favorite place niya talaga yung market,” kuwento ni Ru sa panayam sa kanya ng Summit OG. “Kilala na siya ng mga vendors doon.”

Continue reading below ↓

Sobra ang kanyang takot tuwing mawawala si Nougat.

Bulalas niya, “Oh my God, ito pala yung feeling ng nanay ko pag wala pa ako ng dis-oras ng gabi.”

Mabuti naman at bumabalik din naman si Nougat after 30 minutes.

Pero may mga pagkakataon talagang hindi ito nakakauwi.

CERTIFIED BEACH BUM

Mahilig ding magpuntang mag-isa sa beach si Nougat.

Pagbabahagi ni Ru, “Umuuwi siya dito na basang-basa siya at puro siya sand. Nae-enjoy niya na nagbi-beach siya on his own.”

Nougat asong gala beach bum Siargao

Continue reading below ↓

Isinasama rin niya ito kapag may errands siya para hindi rin ito mainip at maisipang umalis mag-isa.

“May time pa na sa sobrang desperate ko na nawawala siya, binilhan ko siya ng AirTag,” ani Ru. “Nawala yung AirTag.”

Natatakot din siya na kapag naggagagala si Nougat ay baka makakagat ito ng tao o masagasaan o maging cause ng accident.

TIPIKAL NA “ESCAPE ARTIST” ANG SIBERIAN HUSKIES

Ayon sa Google, mahilig talagang tumakas ang mga Siberian Huskies dahil madali silang ma-bore.

Masyado rin silang curious.

Nougat Siberian Husky escape artist Siargao

Continue reading below ↓

“Ganoon daw pala talaga sila. They’re escape artists,” ani Ru.

Dahil alam na niya ang attitude ni Nougat na tumatakas pag naiinip, pinadagdagan niya ang bakod sa kanilang bahay.

Lagi na ring may nagbabantay rito.

Tinutulungan naman siya ng Facebook group na Siargao Business Classifieds kapag nasa galaan si Nougat.

Nagpo-post ang mga members nito kung saan nakita ang kanyang pet.

LOVE NA LOVE KAHIT MAKULIT

Dahil kay Nougat ay natutunan ni Ru na patience, really, is a virtue.

“He taught me patience. Hindi ko mapabayaan.

“Kahit inis na inis ako sa kanya kapag nawawala siya, at the end of the day, love ko pa rin siya. Hindi ko ma-imagine yung life ko ngayon without him.”

Kung na-curious kayo kung gaano kakulit si Nougat, panoorin ang video na ito ng Summit OG:

This free-roaming dog is very popular in Siargao.
Video: Summit OG.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Love na love ni Ruan Mac ang kanyang dog na si Nougat, isang Siberian Husky, na aniya ay tinuruan siyang maging mas mapasensiya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results