“Paw Patrol” ng farmer sa La Union, naka-rescue ng 117 itlog ng pawikan

by KC Cordero
Oct 11, 2021
Laging kasa-kasama ni Tatay Johnny Manglugay ang kanyang “Paw Patrol” sa paghahanap ng itlog ng pawikan sa dalampasigan ng La Union para i-rescue at dalhin sa isang sea turtle hatchery.

Tatay Johnny Manglugay  Paw Patrol sea turtle eggs dalampasigan La Union rescue sea turtle hatchery
Bukod sa pagsasaka, si Tatay Johnny Manglugay ay isa ring pawikan patroller sa La Union.

Bahagi ng kanyang pagiging pawikan patroller ang paghahanap ng mga itlog ng pawikan para ilagak sa pangangalaga ng non-governmental organization na Project Coastal Underwater Resource Management Actions (CURMA), isang sea turtle conservation program.Tatay Johnny Manglugay  Paw Patrol pawikan La Union sea turtle hatchery.

Continue reading below ↓

Kasa-kasama ni Tatay Johnny sa paghahanap ng itlog ng pawikan ang kanyang apat na aso na tinatawag na “Paw Patrol”.

Noong umaga ng October 3, 2021, habang binabagtas niya ang may apat na kilometrong dalampasigan ng San Juan ay natunton ng kanyang Paw Patrol ang 117 itlog ng pawikan.

Agad niyang dinala ang mga itlog sa CURMA hatchery.

SAFE ANG MGA ITLOG NG PAWIKAN SA PROJECT CURMA

Ayon kay Carlos Tamayo, member ng Project CURMA, ligtas ang mga itlog sa hatchery sa epekto ng climate change at maging sa mga predators.

Carlos Tamayo sea turtles safe hatchery Curma

Continue reading below ↓

“It is our job as humans to be the caretakers of nature. The pandemic we are facing is largely due to our neglect and abuse of the planet and its resources,” pahayag ni Carlos sa panayam ng GMA News Online.

‘KEYSTONE SPECIES’ ANG MGA PAWIKAN

Ang mga itlog na natagpuan ni Tatay Johnny at ng kanyang Paw Patrol ay tinatayang mapipisa sa November 30.

Johnny Manglugay Paw Patrol itlog ng pawikan La Union sea turtle hatchery

Continue reading below ↓

Ngayon ang ikalawang panahon ng pangingitlog ng mga pawikan, ayon sa CURMA.

Ang kanilang first nesting season ay noong July kung saan 21 nests ang nakita ng pawikan patrollers, at nakapag-produce ng 2,000 hatchlings.

Matapos mapisa, ang mga baby pawikan ay pinakakawalan sa lugar kung saan sila natagpuan noong mga itlog pa lang.

Ayon kay Carlos, “Sea turtles are referred to as a ‘keystone species,’ meaning they are a main part of the coastal and ocean ecosystem.

“If they disappear, many other species will disappear and will cause an imbalance in the ecosystem.”

MALASAKIT NI TATAY JOHNNY SA MGA PAWIKAN, PINURI

Pinuri naman ng CURMA ang dedikasyon ni Tatay Johnny sa pag-save sa mga pawikan.

Nanawagan din sila sa iba pang makakakita ng itlog ng pawikan na agad ipagbigay-alam sa kanila.

Pagbabahagi naman ni Tatay Johnny, sadyang concern siya sa mga pawikan.

“Gusto rin tumulong para dumami yung mga pawikan,” aniya. “Kasi baka may makakita hindi sinu-surrender baka ulamin.”

Continue reading below ↓

Ang orihinal na Paw Patrol ni Tatay Johnny ay tatlo lang—sina Bantay, Bulak at Regina.

Johnny Manglugas original Paw Patrol Bantay, Bulak at Regina

Sa kasamaang palad, pumanaw na si Regina ilang buwan ang nakalilipas.

Pumalit sa kanya ang dalawang puppies nina Bantay at Bulak na sina Totoy at Totay, na kahit mga tuta pa lang ay marunong na ring maghanap ng mga itlog ng pawikan.

Continue reading below ↓

Johnny Manglugas bagong Paw Patrol Bantay, Bulak, Totoy, Totay

Nagpapasalamat naman ang CURMA kay Mayor Arturo P. Valdriz dahil pinapayagan nito ang mga pawikan patrollers sa kanilang gawain kahit may lockdown.

Ayon sa CURMA ay nangingitlog ang mga pawikan mula alas dose ng hatinggabi hanggang alas tres ng madaling araw.

Dahil naman sa ipinatutupad na curfew sanhi ng pagtaas ng COVID-19 cases, mas ligtas ang mga itlog ng pawikan ngayon sa mga kumukuha nito para lang kainin.

Continue reading below ↓

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Laging kasa-kasama ni Tatay Johnny Manglugay ang kanyang “Paw Patrol” sa paghahanap ng itlog ng pawikan sa dalampasigan ng La Union para i-rescue at dalhin sa isang sea turtle hatchery.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results