Meet Angkol Ton, the teacher who sent 3 kids of his deceased best friend to college

by Bernie V. Franco
5 days ago
Antonio Entrata Jr., a.k.a. Angkol Ton, is father figure to the three kids of his best friend who passed away in 2011. He is the lone man in main photo with Jasmine Abby Arguelles-Llacer (in black) and her mom Mrs. Arguelles. Thanks to him, the kids are now all professional: Abby, a teacher; Dustin, a flight attendant, and Kiefer, a lawyer.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)

Nakapukaw ng atensiyon ang TikTok video ng netizen na si Jasmine Abby Arguelles-Llacer na nagbigay-pugay sa kanyang “Angkol Ton” na pinagtapos siya sa college at ang dalawa pa nitong kapatid.

Ang nakakamangha, si Angkol Ton ay hindi nila kadugo. Siya ay best friend ng namayapang ama ni Abby.

Dahil sa kanilang Angkol Ton, si Abby at mga kapatid na sina Dustin at Kiefer ay mga professional na ngayon.

Inako ni Angkol Ton, ang pagpapaaral sa magkakapatid nang pumanaw ang kaniyang matalik na kaibigan.

Si Abby ay teacher na, si Dustin ay flight attendant, at si Kiefer ay isa nang attorney.

Ang kinikilala nilang Angkol Ton ay si Antonio Entrata Jr. na tubong-Bacolold at napadpad sa Aklan para magturo.

ANGKOL TON

Si Antonio ay walang asawa at anak.

Llahad ni Abby sa On Record ng GMA News and Public Affairs, noong July 27, 2021, “Actually, best friend po siya ni Papa, kasi, before when I was born po and then when my father died, parang siya na po talaga yung tumayong tatay sa aming lahat.”

Continue reading below ↓

Ang lolo ni Abby na si Papa Bern ay nagtayo noon ng isang kolehiyo sa Aklan—ang Panay Technical College.

“Yung papa ko nagwo-work po siya sa school ng lolo ko… dito sa Aklan, computer school po.”

Dito rin nagturo si Antonio at nakilala ang ama ni Abby, at kalaunan ay naging mag-best friend ang dalawa.

Itinuring si Anton na bahagi ng pamilyang Arguelles at “Angkol Ton” ng mga anak ng kanyang best friend.

Kuwento ni Abby, “Nandiyan naman sila Mama and Papa, pero siya talaga sa tuition ko, sa pabaon ko, mapa-snacks, or pera… siya po talaga lahat.”

Si Abby ang bunso sa anim na magkakapatid.

Taong 2011 ay pumanaw ang ama ni Abby dahil sa isang karamdaman.

Salaysay ni Abby, “Nung nag-college na ang mga kuya ko, my father died na po.

"'Tapos yun yung time na nag-stop na rin si Mama mag-work.”

Nagsa-sideline daw ang ina sa bilang real-estate broker, pero kapag walang benta, namamagitan ang kanilang Angkol Ton sa pagtulong.

Continue reading below ↓

“Sa lahat… parang morally, financially, emotionally, mentally, very supportive siya po. Sa lahat kinover niya lahat,” sabi ni Abby tungkol sa tumayong ama nila.

TREATED AS PART OF THE FAMILY

Hindi man siya kadugo, malaking bagay para kay Angkol Ton ang mainit na pagtanggap sa kanya nang dumating siya sa Aklan.

Lahad niya, “Nung una akong dumating sa Kalibo, yung family nila talaga ang first family na naging close ko talaga doon.

“They treated me as part of the family, that’s why in return, I also treat them as my children.

“Kailangan nila ng support kasi nung nawala na ang kanilang father, they were in college.

“I really tried, I really struggled para mapunan ang pangangailangan nila, nung nag-aaral sila.”

Naging proud din si Angkol Ton na napagtapos niya ang tatlong anak ng kanyang matalik na kaibigan.

“I also saw fulfilment. Parang fulfilled din ako, and I’m very happy na nakatulong ako para maging maganda din ang kanilang future.”

Continue reading below ↓

WHERE ARE THEY NOW

Nang maging ganap na guro si Abby noong 2014, nagtrabaho siya sa Singapore.

Pero makalipas ang anim na taon ay bumalik na sa Pilipinas.

Focused siya ngayon sa pag-aalaga ng kanyang anak.

Si Angkol Ton ay nakabalik na ng Bacolod at kasama ang kanyang ina at pamangkin.

Isang taon na nang huli silang magkita-kita dahil sa pandemya.

Sa On The Record, nakapag-usap sina Angkol Ton at Abby via virtual call.

Naging emosyonal ang dalawa sa pag-uusap.

Ani Angkol Ton kay Abby, mag-focus muna ito sa kanyang pamilya at alagaan ang kanyang anak.

Sabi ng ama-amahan, “Huwag mo na ako masyado alalahanin because I’m doing well. And I hope na magkikita tayo. Magsama ulit tayo."

Tumulo ang luha ng dalawa.

Sa pahayag ni Abby, malinaw na alam niyang may pinagdaraanan si Angkol Ton.

Umiiyak na sabi ni Abby: “Kung kaya ko lang buhatin lahat ng problema mo, bubuhatin ko.

Continue reading below ↓

“We both know na our situation is not easy compared before.”

Umaasa raw silang magkita “in God’s time.”

Nagpaabot din ng pasasalamat ang sina Dustin at Kiefer dahil sa pagpapaaral ni Angkol Ton sa kanila.

Anila, lubos ang kanilang pasasalamat sa malaking tulong ng kanilang itinuring na pangalawang ama.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Antonio Entrata Jr., a.k.a. Angkol Ton, is father figure to the three kids of his best friend who passed away in 2011. He is the lone man in main photo with Jasmine Abby Arguelles-Llacer (in black) and her mom Mrs. Arguelles. Thanks to him, the kids are now all professional: Abby, a teacher; Dustin, a flight attendant, and Kiefer, a lawyer.
PHOTO/S: YouTube (GMA Public Affairs)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results