Ang kuwento sa likod ng brand-new car na birthday gift ng anak sa ama

by Bernie V. Franco
5 days ago
Simple family with big hearts. Inset photo: Rading Dawinan, his wife, and their only daughter Kimwen. Rading sold the old family car so he could buy a laptop for Kimwen's use to complete her college thesis.
PHOTO/S: Facebook (Kimwen Dawinan)

Ang simpleng birthday ng amang si Rading Dawinan ay naging enggrande nang regaluhan siya ng unica hijang si Kimwen ng isang brand-new car.

Bagama’t payak lamang na pamilya, pinursige ni Kimwen na maibili ng kotse ang ama.

Noong tinatapos kasi ng dalaga ang kanyang thesis, ibinenta ng kanyang ama ang kanilang lumang kotse para lang maibili ng laptop ang anak.

Nang makapagtapos at magtatrabaho na si Kimwen, sinuklian niya ang mga sakripisyo ng ama.

THE BIRTHDAY surprise

March 16, 2021, ipinagdiwang ni Rading ang kanyang ika-63 kaarawan.

Ipinost ni Kimwen ang three-minute video ng selebrasyon ng ama.

Nagkaroon siya ng simpleng handaan sa labas ng kanilang bahay.

Habang kinakantahan ng “Happy Birthday” song, hinila ng ama ang stand sa kanyang “money cake.”

Pero sa halip na pera ang nakalagay sa mga plastic, mga papel ito at naka-spell out ang birthday message ni Kimwen.

Ipinahila kay Rading ang “Daddy” greeting sa cake at nabunot niya ang isang plastic na naglalaman ng car key.

Continue reading below ↓

Rading Dawinan gets emotional seeing a car key inside his birthday cake

Sakto namang paparating sa kaharap nilang kalsada ang isang puting bagong kotse.

Naging emosyonal si Rading, ang misis nito, at si Kimwen.

Nagdidiwang naman ang mga dumalo ng birthday.

THE STORY

Sa caption, ibinahagi ni Kimwen ang kuwento ng kanyang magarbong birthday gift sa ama.

Continue reading below ↓

Aniya (published as is), “8 years ago before mag start yung thesis year nakaset na sa utak ko na library/computer shops yung makakatulong sakin para makapagcontribute sa thesismates ko.”

Tinanong si Kimwen ng kanyang mga magulang kung kailangan nito ng laptop.

Mabilis na sumagot si Kimwen na ang computer sa library school at ang laptop ng mga kagrupo ang kanyang gagamitin.

Hindi na raw niya kailangan ng bagong laptop.

Ilang linggo o buwan matapos ang senaryong iyon, umuwi si Kimwen at napansing wala ang kanilang kotse.

Pagbabahagi ng dalaga, “Inisip ko baka sira, dinala siguro sa talyer.

“After dinner nagulat ako may biglang inabot sakin dad ko na laptop.

“Di ko inexpect na bibilhan nya parin ako kahit sinabi ko na di naman na kailangan.”

Nalaman ni Kimwen ni ibinenta ng kanyang ama ang kotse.

“Kahit na alam kong yun yung unang unang sasakyan na binili nya para sa family namin, he will really do everything for me and to our little family.”

Continue reading below ↓

Kaya naman ibinalik ni Kimwen sa ama ang kotse sa kaarawan nito.

“So today ako naman yung mag give back sa lahat ng sacrifices mo daddy. Thank youuuuuu!!!!

“I’m so lucky and proud at the same time that you’re my dad. Sana nagustuhan mo yung regalo ko sayo.”

Pinasalamatan din ni Kimwen ang lahat ng tumulong sa kanya para sa sorpresa sa ama.

“Simula sa paghahanap ng dealer, pagaayos ng papers hanggang sa marelease yung unit at pati sa tumanggap na makipark muna ako for 3nights.”

Nag-viral ang madamdaming post na ito ni Kimwen.

Continue reading below ↓

Kimwen Dawinan sheds tears of joy upon seeing her father cry after finding out that he gets a new car on his birthday.

GIVING BACK TO HER FATHER

Ikinasorpresa ni Rading regalo ng anak.

Lahad ni Rading sa 24 Oras, October 10, 2021, “Hindi ko akalain na ako ay merong isang materyales na regalo ang anak ko na kotse.

“Dahil ang alam ko lang talaga isang pamilya get-together.”

Kuwento pa ng huwarang ama tungkol sa pagbenta niya noon ng kanyang kotse, “Wala talaga akong maisip na uutangan ng laptop, kaya nag-decide ako na ibenta ko na lang ang kotse ko.”

Ibinahagi naman ni Kimwen ang kabutihan ng kanyang ama, “Kasabihan nga po na isusubo mo na lang ibibigay mo pa sa anak mo. Super ganoon po siya.

“Para sa akin, para sa mommy ko, lahat talaga gagawin niya.”

Nang maka-graduate at magkatrabaho, alam na ni Kimwen ang kanyang pag-iipunan.

Sabi ng dalaga, “After graduation basta magkatrabaho ako, ang kailangan ang unang-una kong maipundar is yung sasakyan.

Continue reading below ↓

“Kasi yung car na ibinenta po is yung kauna-unahang sasakyan namin na, as in pinudar ng tatay ko po,”

Simula pa lamang daw ito para kay Kimwen. Balak niyang magkaroon ng happy memories ang kanyang mga magulang, gaya ng mga trip at pag-iipunan niya ang mga ito.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Simple family with big hearts. Inset photo: Rading Dawinan, his wife, and their only daughter Kimwen. Rading sold the old family car so he could buy a laptop for Kimwen's use to complete her college thesis.
PHOTO/S: Facebook (Kimwen Dawinan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results