Ang suwerte! Balut vendor, nabigyan ng bagong motorsiklo

by KC Cordero
Oct 15, 2021
Isang grupo ng wholesaler and retailer ng motorcycle parts, accessories, and safety gears ang nagbigay sa balut vendor na si Raymond Malondras ng bagong motorsiklo.

Hindi inakala ng balut vendor na si Raymond Malondras ang naghihintay na suwerte sa kanya.

Nangyari ito noong Hunyo 13, 2021.

Napadaan siya sa JDP Motogears and Accessories, isang wholesaler and retailer ng motorcycle parts, accessories and safety gears sa Rosario, Cavite para alukin ng balut ang mga tao roon.

Pinapasok siya ng mga ito.

Sa Facebook post ng Jdp Motogears nang araw ring iyon, nagkatuwaan ang mga pinagbentahan ni Raymond ng balot, hanggang sa mauwi sa kantiwayan na dahil bisikleta ang gamit nito sa pagtitinda, dapat ay may magbigay rito ng motorsiklo.

Nagkataon na ang mga nasa loob pala ng shop ng mga oras na iyon ay pawang mga supplier ng motorsiklo at mga accessories.

Laking gulat ni Raymond nang sabihin ni Renz Marlon Gollaba Mateo na bibigyan siya nito ng motorsiklo.

Raymond Malondras libreng motorsiklo Renz Marlon Gollaba Mateo

Continue reading below ↓

Si Renz ay supplier din ng motorcycle parts and accessories at may puwesto sa Caloocan City.

Dahil doon, lalong nagkatuwaan ang grupo.

Nakapanayam ng Cavite Connect team si Renz.

Ayon dito, pinapasok nila sa shop ang balut vendor para bumili. Naikuwento rin sa kanila ni Raymond na walong taon na ito sa ganoong hanapbuhay gamit ang bisikleta.

Kailangan umano nitong kumayod nang todo para sa pagpapagamot sa misis na may sakit.

May iba pang kapwa supplier si Renz na nagbigay sa balut vendor ng helmet, cash at accessories.

Labis naman ang naging pasasalamat ni Raymond kay Renz at sa mga katropa nito sa kanyang reply sa post ng Jdp Motogears.

Raymond Malondras nagpasalamat

Isa pang kapwa nila supplier ang nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 1 sa pamamagitan ng Facebook Messenger, pero ayaw niyang magpabanggit ng pangalan.

Aniya, noon pa niya nakikita sa kanilang area si Raymond.

“Matagal nang nagtitinda ng balut iyon, kumbaga, e, suki rito. Mukha talaga siyang masipag at mabait.

“Parang biglaan yung biruan na bigyan siya ng motor.

“Ang saya nga kasi binigyan talaga ni Boss Renz. ‘Tas yung iba naman cash saka gamit. Sobrang happy sa pakiramdam.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Isang grupo ng wholesaler and retailer ng motorcycle parts, accessories, and safety gears ang nagbigay sa balut vendor na si Raymond Malondras ng bagong motorsiklo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results