Bakuna day is wedding day? Bride in wedding gown sumaglit sa vaccination site

by KC Cordero
Oct 20, 2021
Pinuri ng netizens ang bride na si Marlyn Ilustrisimo Carabio na kahit sa mismong araw ng kasal niya ay hindi kinaligtaan ang naka-schedule na pagpapabakuna laban sa COVID-19.

Maraming nagulat sa isang vaccination site sa Kinatarcan, Santa Fe, Northern Cebu nang dumating doon ang isang babaeng naka-wedding gown.

May kasal ba?

Iyon pala ay nataong ang wedding day ay siya ring bakuna day niya.

Agad kumalat sa social media ang kanyang larawan habang nagpaparehistro sa vaccination site.

Kuwento ni Joan Nipangue Bautro, “Nasorpresa po talaga kaming lahat!”

Si Joan ang naka-assign sa registration, at deployed nurse ng Department of Health.

Nakausap si Joan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong October 19, 2021 sa pamamagitan ng Facebook Messenger.

October 18 naman nang magpabakuna ang bride na nakilalang si Marlyn Ilustrisimo Carabio, na naging instant celebrity noong araw na iyon.

bride gets vaccinated

Continue reading below ↓

Kuwento ni Joan, “Hindi namin inakala na pupunta siya doon kasi nga kasal niya.

“Pero talagang gustung-gusto na niyang magpabakuna at tapusin ang second dose niya on that day.”

Hindi naman aniya naging hassle para kay Marlyn ang pagpunta sa vaccination site.

Ani Joan, “Magkatabi po kasi yung simbahan at vaccination center namin sa Kinatarcan. Kaya right after ng ceremony niya sa simbahan, dumiretso agad siya sa site.

“Kasama niya po yong groom na supportive naman sa desisyon niya, at saka yung ibang abay sa kasal.”

bride gets vaccinated

Continue reading below ↓

Pagkaturok sa bride at matiyak na walang side effects ang bakuna ay pinabalik na niya ito sa kasalan.

“Lagpas 12 noon na natapos yung kasal nila kaya talagang sinabihan siya namin na umuwi muna at pumunta muna sa reception kasi naghihintay na yong mga bisita niya,” pagbabahagi pa ni Joan.

Ikinatuwa ng netizens ang determinasyon ni Marlyn na makapagpabakuna kahit pa araw ng kasal niya.

netizens comment on bride's decision to get vaccinated

Continue reading below ↓

netizens comment on bride's decision to get vaccinated
Umaasa naman si Joan na magsisilbing halimbawa ang bride sa iba pang hesitant pa ring magpabakuna laban sa COVID-19.

“Sana yung hindi pa naka-decide or yung ayaw talagang magpabakuna, maka-realize sila na magpabakuna na, maniwala sila sa science at sa mga experts natin na talagang safe and effective ang bakuna,” ani Joan.

Continue reading below ↓

“Huwag silang agad maniwala sa mga kumakalat na fake news. Instead, verify yung nababasa or naririnig nila, and believe na ang bakuna ang ticket natin para ma-end na itong pandemya.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinuri ng netizens ang bride na si Marlyn Ilustrisimo Carabio na kahit sa mismong araw ng kasal niya ay hindi kinaligtaan ang naka-schedule na pagpapabakuna laban sa COVID-19.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results