VIRAL: Grab driver na may Tourette syndrome...at 1.7M likes sa Tiktok!

by KC Cordero
Oct 24, 2021
Kung magiging pasahero kayo ni Marlon Fuentes, huwag kabahan kahit may tourette syndrome siya. Isa siyang mahusay na driver sa kabila ng kanyang kondisyon.

Umaapaw ang simpatiya at paghanga ng netizens para kay Marlon Fuentes.

Isa siyang Grab driver na may TikTok account, ang Marlon Tourette Vlog.

Inilagay niya ang “Tourette” sa kanyang account name dahil taglay kasi niya ang kondisyon na “Tourette Syndrome”.

Mayroon siyang 109K followers, at 1.7M likes.

Grab driver and TikToker with Tourette syndrome

Sa kabila ng kanyang karamdaman ay maayos niyang nagagampanan ang kanyang trabaho.

Continue reading below ↓

Iyon nga lang, may mga pagkakataong may mga pasahero na kapag napansin ang kanyang kondisyon ay bumababa na lang at hindi na nagpapahatid sa kanya.

Dalawang TikTok videos ni Marlon ang nai-share ng netizen na si RoseAnn M. Juganas noong October 15, 2021.

Dito ay ipinakita ni RoseAnn ang aniya ay dalawang klase ng pasahero.

ANG PASAHERONG NATAKOT SA KONDISYON NI MARLON

Sa unang video ay mapapanood kung paano nag-alanganin ang pasahero ni Marlon batay sa kanilang naging pag-uusap.

Nang mapansin nito ang kondisyon ni Marlon, nagtanong ito ng: “Kuya, okey ka lang?”

Sagot ni Marlon,“Opo. Okey lang po.”

Ani ng pasahero, “Kuya, wait, ha? Kasi natatakot ako sa kondisyon mo.”

Pagtitiyak dito ni Marlon,“Safe naman po kayo.”

Giit ng pasahero,“Bababa na lang ako.”

Tanong ni Marion rito, “Bakit naman po?”

Sabi ng pasahero, “Kasi parang hindi ka okey, e.”

Ipinaliwanag dito ni Marlon ang kanyang kondisyon. “Mayroon po kasi akong tourette syndrome.”

Pero nagdesisyon na ang pasahero, “Kaya nga. Bababa na lang ako.”

Malumanay na tugon ng Grab driver, “Wait lang po, igigilid lang po.”

Maayos na inihinto ni Marlon ang sasakyan para makababa ang pasahero.

Nang tanungin niya ito kung paano yung transaksiyon, sagot ng pasahero, “Ika-cancel ko na lang.”

Halatang nalungkot ang driver dahil sa nangyari.

ANO NGA BA ANG TOURETTE SYNDROME?

Ang “Tourette Syndrome” (TS) ay isang kondisyon sa ating nervous system. Nagiging sanhi ang TS para magkaroon ng motor and vocal “tics” ang mga taong may taglay nito.

Tourette syndrome explained

Continue reading below ↓

Ang tics ay “sudden twitches, movements, or sounds that people do repeatedly”. Hindi ito kayang pigilan ng taong may tourette syndrome.

Halimbawa ng tics ang paulit-ulit na pag-blink ng mata, pagpilig ng ulo, pagpadyak ng paa, paulit-ulit na paghagok, pagsinghot o pagsigaw.

Hindi pa natutukoy ang sanhi ng tourette syndrome ngunit ito ay namamana. Wala pa rin itong lunas hanggang ngayon.

Gayunpaman, may mga pagkakataon na ang mga batang may taglay nito ay maaaring ma-outgrow ang kanilang tics pagsapit nila sa kanilang late teens o early adult years—at posibleng mabawasan o tuluyang mawala.

BUMILIB SA DRIVING SKILLS ANG IKALAWANG PASAHERO

Samantala, sa isa pang video, doktor ang naging pasahero ni Marlon.

Agad nitong napansin ang kondisyon ng driver.

Tanong nito, “Sir Marlon, yung tourette mo, motor? Doctor ako, e.”

Sagot niya, “Opo, motor tics po, Ma’am.”

Nag-usisa ito kung paano ang kanyang driving method sa kabila ng kanyang kondisyon.

Tanong ng doctor, “When you step on the brakes, paano? Paano mo nagagawan nang hindi during the tics?

Continue reading below ↓

”Nakokontrol mo ba? Kasi yung tics, yung hands, shoulder and head mo, hindi mo makokontrol. Pero paano yung sa feet, meron din ba?”

Ayon kay Marlon ay meron ding tics sa kanyang mga paa, “Pero hindi naman po siya naaano, Ma’am...”

Sinang-ayunan ito ng doktor. “Oo, kasi smooth ka pa ring tumapak, e.”

Nagtanong din ito kung gaano na katagal nagmamaneho si Marlon.

Sagot niya, matagal na. Dagdag pa niya, “Dito sa trabaho kong ito, Ma’am, two years nang mahigit.”

Wala rin daw siyang anumang record ng accident na related sa driving.

Ang higit na ikinahanga ng doktor ay nang sabihin ni Marlon na, “Nagmaneho rin po ako ng trak, Ma’am.”

Bulalas ng pasahero, “Ang galing mo, ha!”

Ayon sa doktora, madalas nitong ma-encounter sa mga gaya ng kondisyon ni Marlon ay isang tics lang ang taglay.

Anito, “Yung sa iyo kasi ay complex. With motor and ano...” .

Tinanong naman ni Marlon kung kumusta ang experience ng doktor sa pagsakay sa kanya. “Hindi po ba kayo natakot, Ma’am? Pasado naman po sa inyo?”

Continue reading below ↓

Tumatawang sagot ng pasahero, pasado rito ang driving skills ni Marlon. Nagpasalamat pa ito sa driver nang makarating sa pupuntahan.

Kumpara sa isang pasaherong nag-cancel, happy ngayon si Marlon.

MAHALAGA ANG AWARENESS TUNGKOL SA TOURETTE SYNDROME

Ayon sa nag-upload na si RoseAnn, ang dalawang klase ng pasahero na naisakay ni Marlon ang nagtulak sa kanya para ibahagi ang videos.

Aniya, “Feeling ko, kailangan ko lang siyang i-share for awareness.

“It's true we cannot please everybody, but with proper awareness, baka somehow madagdagan yung mga makakaintindi."

Ang mensahe niya kay Marlon, “Kudos to Sir Marlon Tourette Vlog!

"Na-inspire po ako sa fighting spirit niyo despite your condition and how you handle people na di nakakaintindi sa condition niyo.

"Keep safe on your travels po!”

Grab driver with Alexa Ilacad

Continue reading below ↓

Noong October 21 ay masaya ang post ni Marlon sa kanyang vlog.

“Bago mag-pandemic, naisakay ko po si Ms. Alexa Ilacad. Bumaba po siya nang may ngiti.

"Siya na po ang makakapagsabi kung safe ba talaga ang sumakay sa akin, at kung safe ko po ba siyang naihatid.”

HOT STORIES

Use these Lazada vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kung magiging pasahero kayo ni Marlon Fuentes, huwag kabahan kahit may tourette syndrome siya. Isa siyang mahusay na driver sa kabila ng kanyang kondisyon.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results