Filipino food-truck business, daan-daan ang pinapakaing homeless sa Colorado, U.S.A.

by Bernie V. Franco
Nov 1, 2021
A Pinoy food truck business feeds around 200 homeless persons in the neighborhood of Colorado Springs in the U.S. The owners are an American guy and his Filipina wife. This is their way of giving back to society.
PHOTO/S: KOAA News 5

Malaki ang pasasalamat ng maraming homeless people sa Colorado, U.S.A. sa isang Filipino food truck na nagbibigay sa kanila ng free food tuwing Sabado.

Ang Filipino Food Truck ay pagmamay-ari ng Pilipinang si Lorry Martinez at asawa nitong Amerikano na si Adan Garcia.

Makikita sa gilid ng truck ang pangalan nito na Filipino Food Truck at ang disenyo na hango sa Philippine flag.

Sa weekdays, bukas ang kanilang negosyo sa Platte Avenue, Colorado Springs.

Pagdating ng weekend, pumaparada ito sa Springs Rescue Mission, Colorado Springs para pakainin ang daan-daang homeless persons.

Noon lamang September 2021, naitampok ang Filipino Food Truck sa KOAA-TV, isang NBC-affiliated TV station sa Colorado.

Taong 2017 nang magsimula ang food-truck business nina Lorry at Adan, na parehong lumaking mahilig sa pagluluto.

Ani Adan, “It started when I was young. I helped my mom out in the restaurant.”

Ang menu nila ay Filipino dishes, gaya ng lumpia, barbecue, pansit, at sisig.

Continue reading below ↓

Noong tumama ang pandemic nitong nakaraang taon, hindi nagsara ang business on wheels. Mas lalo pa nga itong tinangkilik ng kanilang mga customer.

At bilang “way of giving back,” sinimulan nina Adan at Lorry ang feeding program para sa mga homeless sa kanilang neighborhood.

“We can go to our kitchen and have a hot meal, right? But they can’t,” pagtukoy ni Adan sa mga homeless.

Tinatayang umaabot sa 200 ang mga napapakain nila tuwing weekend.

Lorry Martinez and Adan Garcia cooking in their food truck

Continue reading below ↓

(Filipino Food Truck owners Adan Garcia and Lorry Martinez)

homeless persons lining up in Springs Rescue Mission in Colorado

Around 200 homeless persons in Springs Rescue Mission in Colorado are being fed every weekend.

Para kay Adan, nakakataba ng puso na nakapaghahatid sila ng ngiti sa mga homeless kahit paano.

“They’re very thankful. Watching them in the sidewalks, crackin’ the joke, it’s already something good, ‘cause meaning they're happy now.”

Continue reading below ↓

Malapit naman sa puso ni Adan ang mga homeless dahil sa kanyang naging karanasan noon.

“I’ve been hungry myself, too. I know that feeling," pag-amin niya.

“We’re not there to judge. We just want them to have what we have at home, too, just that meal. They deserve that, too.”

Sabi naman ni Lorry, “Everybody is waiting. They make a line and they’re always telling us how blessed they are. They get food, fresh food.”

Wala raw kapalit ang taos-pusong pasasalamat ng mga natutulungan nila.

“They make you cry when they said the word [thank you], you can feel it from their heart.”

Samantala, ngayon lamang October 3 ay lumikha ng account si Lorry sa GoFundMe.com, ang online fundraising platfrom, upang humingi ng tulong para sa kanilang charity work.

Nabanggit din ni Lorry na ang bahagi ng malilikom ay ipambibili ng donations para sa kanyang mga kababayan sa Pilipinas.

Nitong October 22, sa Facebook post ng Filipino Food Truck ay inanunsiyong sarado muna ang food-truck business ngayong October hanggang November.

Continue reading below ↓

Uuwi ng Pilipinas sina Lorry.

Bahagi ng post (published as is): “Our family is taking a long month vacay ,im going home to see my family this yr [Philippine flag, gumamela emojis] we will be back on platte on dec 14 2021.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Pinoy food truck business feeds around 200 homeless persons in the neighborhood of Colorado Springs in the U.S. The owners are an American guy and his Filipina wife. This is their way of giving back to society.
PHOTO/S: KOAA News 5
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results