Agaw-atensiyon ang itinayong bakod ng pamilya ni Ruston Kidsolan sa kanilang compound sa Labueg, Kapangan, Benguet.
Ang bakod ay yari mula sa mga plastik na bote ng inumin na inalisan ng labels, saka pinagdikit-dikit gamit ang alambre.
Nag-post ang Labueg Kapangan Facebook Page tungkol sa kakaibang bakod noong May 17, 2020.
Hanggang ngayon, patok pa rin ito sa social media.
Tinawag ito ng Wow Cordillera website bilang “Amazing plastic fence in Benguet,” at isa itong magandang inspirasyon kung paano mare-recycle ang plastic bottles.
Positibo rin ang naging reaction ng netizens.
Bukod sa nagandahan sa bakod, sana raw ay gayahin ang ginawa ni Ruston para magkaroon ng pakinabang sa mga plastic bottles, at hindi na sila dumagdag pa sa bundok ng basura.
Pinuri naman ng The Cordilleran Sun, isang blogsite sa rehiyon, ang pamilya ni Ruston sa naisip na idea.
Ayon sa blogsite, “Kudos to the family who built this fence. Here's to hoping that more people learn from this and start recycling their own wastes.”
Malaking kabawasan na rin umano ang ginawang bakod sa mga basura.
“They've used hundreds of these bottles. Imagine if these bottles weren't recycled. They would've added to the tons of non-biodegradable garbage out there.”
Nagdagdag pa ang blogsite ng detalye tungkol sa plastic pollution.
“The Philippines remains as one of the worst ocean plastic polluters in the world. As of 2015, we are the third polluter, next only to Indonesia and China.”
Use these Zalora vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.