Delivery rider accompanied by his pet dog at work

by Bernie V. Franco
Nov 14, 2021

Kadalasan ay iniiwan sa bahay ang alagang aso para maging bantay.

Pero ibahin ang sitwasyon ng delivery rider na si Kenny “Ken” Lacson at ang kanyang alagang asong si Chelsea, isang aspin.

Hindi kasi naiiwan sa bahay si Chelsea para magbantay ng bahay, kundi kasama ng kanyang amo sa pagdedeliver.

Kuwento ni Ken sa 24 Oras ng GMA News, November 9, 2021, isang customer niya ang nagbigay sa kanya ng tuta noong nakaraang taon.

“Kasa-kasama ko na siya habang bata pa lang. Bawat aandar ang motor ko, sumasakay na nang kusa. Hindi ko na siya tatawagin, basta kusang sumasakay,”

Dahil ayaw humiwalay sa kanya ng alaga, mas minabuti ni Ken na isama na lang ito sa kanyang pagdedeliver.

Katuwiran pa ni Ken, mas mainam na kasa-kasama niya ang kanyang alaga para matiyak na naaalagaan talaga niya ito.

Ang importante raw ay may bitbit din siyang pagkain at tubig ng aso.

Continue reading below ↓

Kuwento niya, may alaga siyang aso dati na iniiwan niya sa bahay. Pero minsan nadatnan niyang patay na ang kanyang alaga pagkagaling sa trabaho.

Ayaw na raw maulit ito ni Ken, na isang animal lover. Mag-isa lang sa bahay si Ken.

Aniya pa tungkol kay Chelsea, “Mas maganda kasama ko every day, at least, maingat ako, naaalagaan ko pa.”

delivery rider with dog

Continue reading below ↓

Ilang beses na rin daw nasita si Ken ng mga traffic enforcer dahil sa alagang sakay sa kanyang motorsiko, “Tinatanong, ‘Baka mahulog iyan, ah. Check mo na lang.’”

Sagot naman daw niya, “Hindi po na-train ko na po iyan kaya alam niya na po mag-balance ng motor. ‘Tsaka pinakamabilis ko lang 60 [kilometers/hour] di na umaangat.”

Giit ni Ken sa interview sa kanya, “Takbo ko lang naman mabilis na yung 60 [kph], pinakamabilis ko.

“Pinakamabagal 40 [kph]ganoon lang. ‘Tapos deliver araw-araw, ganoon lang ginagawa ko.”

Kung titingnan din ang Facebook account ni Ken, marami siyang mga larawan ng kanyang mga alaga. Bukod sa aso, may alaga rin siyang pusa.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Instead of leaving his pet dog alone at home, delivery rider Ken Lacson brings the aspin along to work.
PHOTO/S: YouTube (GMA News)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results