Sad Goodbye: OFW sa Singapore, sa video call nasaksihan ang pagpanaw ng mister

Nov 16, 2021
mobile phone in hands
A Filipina domestic helper watches her husband draw his last breath via video call. Sadly, the OFW still could not make it to her husband's burial had she gone home because of the 14-day quarantine for inbound passengers.
PHOTO/S: PEXELS

Sa video call na lamang nasaksihan ng isang overseas Filipina worker (OFW) ang pagpanaw ng kanyang mister.

Dahil sa travel restrictions bunsod ng pandemya, hindi nakauwi sa Pilipinas si Gelerina Hernandez, 49, na nagtatrabaho bilang househelp sa Singapore.

Wala siya sa tabi ng mister nung na-confine sa isang ospital sa San Fernando City.

October 6, 2021, nang pumanaw ang asawa ni Gelerina dahil sa throat cancer, ulat ng The Straits Times.

Si Gelerina ay nasa condominium ng kanyang amo sa Singapore, habang ang mister, na hindi makasalita, ay nasa ospital sa Pilipinas.

Bago malagutan ng hininga ang kanyang mister, nasabi ni Gelerina na huwag na itong mag-alala dahil hindi niya pababayaan ang tatlo nilang anak.

Habang nakikipag-usap sa kanyang mister ay katabi ni Gelerina ang kanyang among si Tara Dhar Hasnain.

Ani Tara, "We saw him take his last breath and then his eyes closed. It was very, very hard to watch.”

Continue reading below ↓

Huling nakauwi si Gelerina noong November 2019 at naalagaan pa niya noon ang mister.

Mabigat ang loob ni Gelerina dahil sa mga pangyayari.

Sabi ng OFW, "It was very difficult for me to accept that he was gone, but it was harder to deal with it while being far from my family, my children."

gelerina hernandez

(From left: Tara Dhar Hasnain together with her househelp Gelerina Hernandez)

CHALLENGES OF GOING HOME

Matapos pumanaw ang asawa, pinlanong umuwi ni Gelerina para sa burol at libing ng asawa. Nangako naman ng tulong ang kanyang among si Tara at asawa nito.

Bukod pa rito, sasagutin din ng mga amo ni Gelerina ang gastusin pagbalik niya sa Singapore para sa quarantine at kung sakaling mahawa siya ng virus.

Pero nalaman nilang kailangang mag-quarantine ni Gelerina pagdating sa Maynila ng dalawang linggo bago siya payagang makauwi sa probinsiya.

Hindi niya aabutan ang libing ng asawa. Napagdesisyunan ni Gelerina at ng kanyang amo na huwag nang tumuloy sa pag-uwi.

Sinabi ni Gelerina sa amo na mawawalan din ng saysay ang kanyang pag-uwi kung di niya aabutan ang libing ng asawa.

Nag-aalala rin si Gelerina na baka hindi na siya makabalik sa Singapore kapag nakauwi na siya.

Sabi niya: "I was worried if I went home I would not be able to come back because of the COVID situation, and I need to work here to support my kids, for their future and education."

Continue reading below ↓

Ang panganay ni Gelerina ay 27 anyos at nagtatrabaho bilang healthcare worker. Kasama niya sa bahay ang dalawa pang kapatid na lalaki, 15 anyos at 16 anyos at parehong nasa high school.

Himutok ni Gelerina, pinauuwi na siya ng kanyang mga anak ngayong wala na ang kanilang ama. Pero mas lalo pa niya kailangang kumayod ngayon.

Sinagot ni Tara ang gastusin para sa libing ng asawa ni Gelerina. Inimbitahan pa nito ang kaibigan ni Gelerina na pumunta ng Singapore para damayan siya.

Para kay Tara, kailangang mas mahalin ng mga amo ang domestic helpers ngayong may pandemya.

Paliwanag ni Tara, ang mga domestic helper na ito ay tiniis na mawalay sa mga mahal nila sa buhay para magtrabaho para sa kanilang kinabukasan.

Ani Tara: "It's been two years since COVID-19, and such tragedies are bound to happen in this time, and we need to show them a generosity of spirit."

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A Filipina domestic helper watches her husband draw his last breath via video call. Sadly, the OFW still could not make it to her husband's burial had she gone home because of the 14-day quarantine for inbound passengers.
PHOTO/S: PEXELS
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results