VIRAL: Ang bonggang rampa ni "Miss Fully Vaccinated" sa vaccination site

by KC Cordero
Nov 16, 2021
Fern Pitacio as Miss Fully Vaccinated
Idinaan ni Fern Pitacio sa pagrampa bilang “Miss Fully Vaccinated” ang kanyang mensahe sa mga hesitant pang magpabakuna laban sa COVID-19. Ayon sa kanya, mahalaga ang proteksyon laban sa virus para makausad na tayo sa pandemya.

Tila nanalo sa isang beauty contest si Fern Pitacio, a.k.a. Luzviminda Extravaganza, nang dumating sa vaccination site sa Isabela.

Bonggang-bongga ang pagrampa niya suot ang kulay pink na gown, korona, at sash na nakasulat ang titulo bilang "Miss Fully Vaccinated."

Pumunta siya sa vaccination site noong November 12, 2021 para sa kanyang second dose ng COVID-19 vaccine.

Napansin ng mainstream media ang kanyang gimik, kaya naging laman siya ng prime-time TV newscast nitong mga nakaraang araw.

Fern Pitacio as Miss Fully Vaccinated

Continue reading below ↓

Nakapanayam naman si Fern ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong November 15, 2021.

Pagbabahagi niya, “I'm 20 years old po from San Mariano, Isabela, currently a 3rd year college [student] taking up Bachelor in Physical and Health Education at Philippine Normal University-North Luzon.”

Fern Pitacio without a crown

Nang tanungin kung para saan ang fashion statement niya sa pagpapabakuna, tila handa para sa Q&A portion ng malalaking beauty pageant ang kanyang sagot.

"To give awareness po about the importance of vaccination, especially in this time of pandemic.

“Ang pagpapabakuna ay di lamang po para sa pansariling proteksyon kundi para sa proteksyon ng pangkaramihan at para sabay-sabay na po tayong makausad sa pandemyang ito.”

NAAPEKTUHAN NG PANDEMYA ANG KANYANG BUHAY

Inamin ni Fern na marami siyang naging takot nang pumutok ang pandemya. Naapektuhan rin ang kanyang kabuhayan.

Kuwento niya sa PEP.ph, “I have so many fears po nung pumutok ang pandemya. Una is, paano yung set-up sa pag-aaral? Sobrang hirap po kasi nung una, lalo na at nasa probinsiya po kami na di ganon ka-stable ang Internet connection at hirap pang mag-adapt sa bagong set-up ng edukasyon.

“Pangalawa ay yung mga pageant gigs and raket po na pinagkukuhanan ko ng pera para pantustos sa mga pangangailangan ko para sa eskuwela ay di na po pinapayagan.

“Kaya nahihirapan po akong kumita ng pantustos ko sa pag-aaral.”

Continue reading below ↓

At gaya ng iba, may epekto rin ang pandemya sa kanyang kalusugan.

“Noong kasagsagan po ng pandemya, di po naging maganda ang condition ng mental health ko dahil sa mga samut-saring mga pangyayari, tulad ng financial problem, discrimination, at school works.”

NAGLIBANG SA PAMAMAGITAN NG SOCIAL MEDIA AT FAMILY BONDING

Gayunpaman, pinilit ni Fern na magpakatatag.

“Nung kasagsagan po ng pandemya at di po puwedeng lumabas ng bahay, itinuon ko na lang po yung oras ko para makipag-bonding sa family.

“Nilibang ko po ang aking sarili sa pamamagitan ng panonood ng iba’t ibang palabas, at nawili po ako sa paggamit ng TikTok app.”

Nang medyo lumuwag naman ang quarantine restrictions at pinapayagan nang lumabas ay nakakita siya ng opportunities para makaipon ng pera.

“Sumali po ako sa patimpalak ni Mak Tumang na Lava Mask Challenge. Nakasama po ako sa Amazing 10.

“Last July ay nalikha ko si Luzviminda Extravaganza, ang aking drag persona kung saan siya ang gumagawa ng mga bagay na di ko nagagawa bilang si Fern.”

Continue reading below ↓

PAGRAMPA SA SECOND DOSE, INABANGAN

At bilang si Luzviminda Extravaganza, rumampa si Fern as Miss Fully Vaccinated sa kanyang first dose noong October 22.

Ayon kay Fern, nagulat ang mga tao sa vaccination site nang una siyang dumating doon na mala-beauty queen.

“’Tapos yung mga pagod at lungkot po sa kanilang mukha ay napalitan ng tuwa.”

Kaya naman mas itinodo niya ang pagrampa sa kanyang second dose.

Fern Pitacio with frontliners

Continue reading below ↓

“Sobrang saya at amaze na amaze po yung mga frontliners at mga taong nagpabakuna kasi inaabangan na daw po nila ako mula umaga.

“Na-excite daw po sila kung ano naman daw po yung isusuot ko nito ngang second dose.”

Wala naman umano siyang ginastos sa kanyang get-up.

“Libre po lahat. Yung gown ay yung gay mother ko ang nagpahiram. Yung sa sash naman, courtesy of LPS Multi Printing.

“Ang crown po ay kay Itay Paul, and ang heels ay sponsor ng congressman namin from District 2 ng Isabela.”

MASAYA NA NAKAPAGHATID NG MENSAHE SA IMPORTANSIYA NG BAKUNA

Excited si Fern dahil napansin ni Maymay Entrata ang kanyang ginawa sa isang panayam dito ni Dj JhaiHo.

Happy rin siya na sa kanyang small and funny way ay nakapaghatid siya ng mensahe tungkol sa importansiya ng bakuna.

“Alam ko po marami pa rin ang hesitant na magpabakuna. Hindi po siya ganun kahirap. May mga process, and itsetsek pa po muna kayo bago kayo bakunahan.

Continue reading below ↓

“Kaya huwag po kayong matakot. We should get vaccinated para sama-sama na po tayong makausad sa pandemyang ito.”

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Idinaan ni Fern Pitacio sa pagrampa bilang “Miss Fully Vaccinated” ang kanyang mensahe sa mga hesitant pang magpabakuna laban sa COVID-19. Ayon sa kanya, mahalaga ang proteksyon laban sa virus para makausad na tayo sa pandemya.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results