Tatlong magkakaibigan, top 1 and 2 sa 2021 Physician Licensure Exam

Nov 16, 2021
tatlong magkakaibigan nag-top physician licensure exam
These three friends who are medical graduates top the Physician Licensure exam 2021: (L-R) Ian Juyad placed Top 1, while Geremiah Llanes and Jian Leal tie on Top 2.
PHOTO/S: GMA News (Ian Juyad)

Pinatunayan ng tatlong magkakaibigan na magkakasama sila sa hirap at ginhawa, matapos silang manguna sa Physician Licensure Examination 2021.

Nasungkit ng tatlong medical graduates mula sa University of the Philippines-Manila ang Top 1 at Top 2 spots ng naturang exam, ayon sa results na inilabas nitong November 11, 2021.

Nanguna si Ian Gabriel Juyad, na nakakuha ng markang 87.50 percent. Ibinalita ito sa kanya ng kanyang girlfriend.

Pagbabalik-tanaw ni Ian, “She said na, ‘Nakita mo na ba?’”

Tinanong daw ni Ian ang girlfriend kung ano ang tinutukoy ng kasintahan, at saka nito sinabing Top 1 si Ian sa licensure exam.

“And then hindi ako makapaniwala. I shouted, ‘Top 1!’” ani Ian, ulat ng 24 Oras noong November 12, 2021.

Maging ang girlfriend ni Ian ay pumasa rin sa exam.

Samantala, nag-tie naman sa ikalawang puwesto ang dalawa pang UP Manila students na sina Jian Leal at Geremiah Llanes.

Pareho silang nakakuha ng 87.42 percent.

Continue reading below ↓

Kaibigan nina Jian at Geremiah si Ian.

Laking tuwa ni Geremiah nang madiskubreng ang kaibigang si Ian ang nag-top 1.

Kuwento ni Geremiah, “Nagsabi na po ako sa pamilya ko, ‘O, pumasa ako.’ So, after po noon, ‘Sige, check ko kung sino yung nag-top.’

“So, binuksan ko po yung document [list of passers] ‘tapos sabi ko lang, ‘Talaga? What?!’ As in, di po ako makapaniwala.

"As in, kaming tatlo na magkakaibigan yung nandoon sa Top 2 na spots.”

Para naman kay Jian, hindi lang patong-patong ang naramdaman niyang saya na silang tatlong magkakaibigan ang nanguna.

“The fact na hindi lang po ako… nakasama ko po si Ge [Geremiah] at si Ian na nasa top, parang nag-times two po, o times three yung saya…”

Ibinigay sa mga medical students ang Physician Licensure Exam noong October.

Sa 2,302 na kumuha ng exam, 1,677 ang nakapasa.

Samantala, nabanggit din ng Top 1 na si Ian na wala siyang balak mag-abroad ngayong licensed physician na siya.

Bilang graduate ng UP Manila, plano niyang magturo muna as a way to give back.

“As scholar, sa kanila po galing ito. So, we have to really give back.”

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
These three friends who are medical graduates top the Physician Licensure exam 2021: (L-R) Ian Juyad placed Top 1, while Geremiah Llanes and Jian Leal tie on Top 2.
PHOTO/S: GMA News (Ian Juyad)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results