Saging sa Pangasinan, halos sinlaki ng sanggol!

by KC Cordero
Nov 17, 2021
Family in Pangasinan shows how big their banana fruit is
Nagulat ang isang pamilya sa Asingan, Pangasinan nang mamunga ang kanilang saging ng kasinlaki halos ng braso ng tao, at may bigat na tatlong kilo.

Nagulat ang mag-anak ni Winnie Tarangco sa bunga ng saging na halos kasing-laki ng braso.

Nakapanayam si Winnie, taga-Barangay Cabalitian, Asingan, Pangasinan, ng GMA News Online noong November 13, 2021.

The giant banana fruit measures 16 inches

Kuwento ni Winnie, "Siyempre nagulat po kami. Ikaw ba naman makakita ng [saging na] kasinlaki ng apo ko na halos magpa-five months pa lang, e, kasinlaki niya?

Continue reading below ↓

"Kaya sabi ko, ang laki at ang haba naman ng saging na 'to!"

Pagbabahagi pa niya, dahil sa laki ng saging, inabot ng isang linggo bago nila naubos ang isang piraso nito.

May nagbigay lang umano sa kanya ng seedling ng naturang puno ng saging. Hindi niya inakala na higante pala ang magiging bunga nito.

The size of giant banana compared to regular one

Wala naman aniyang pagkakaiba ang lasa ng higanteng saging kumpara sa mga karaniwang bunga ng saging sa kanilang lugar.

Aniya, "Matamis po siya...”

Gayunpaman, may napansin siyang kakaiba sa puno nito.

“Hindi po siya pangkaraniwan na saging na, di ba, may puso yung saging natin na tumutubo po sa atin? Siya wala..."

Sinabi rin niya na ang bawat piraso ng higanteng saging ay tumitimbang ng halos tatlo hanggang apat na kilo, at may haba na 16 na pulgada.

NETIZENS: "MERon diN sa Amin"

Triggered naman ang netizens nang i-post ng Facebook Page na “Flex ko lang” ang higanteng saging ni Winnie.

Lumalabas na marami sa kanila ang nakakita na rin ng ganito kalaking saging.

Kanya-kanya silang post ng larawan ng higanteng saging na kanilang kinain.

Netizens show their own giant banana fruit

Continue reading below ↓

“TINDOK” KUNG TAWAGIN, ORNAMENTAL NA LANG

Ang higanteng saging ay mas kilala sa tawag na "tindok" o plantain.

Namumunga lang ito kada 11 buwan.

Ayon kay Ernesto Pascual, municipal agriculturist ng bayan ng Asingan, “Ang mga saging ay mas madalas lumalaki sa mga tropical na lugar gaya sa Pilipinas at parte ng Asia.”

At dahil ang tindok ay hindi naman madalas mamunga, aniya, "Hindi talaga iyan pang-commercial. Para bang inaalagaan na lang na ornamental na paisa-isa.”

Ang good news, safe naman itong kainin gaya ng karaniwang saging—at maraming bibig ang puwedeng magsalu-salo sa isang piraso.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Nagulat ang isang pamilya sa Asingan, Pangasinan nang mamunga ang kanilang saging ng kasinlaki halos ng braso ng tao, at may bigat na tatlong kilo.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results