Newlyweds enjoy street food on their wedding photo shoot

Nov 17, 2021
wedding street food
This couple made their wedding day photo shoot more special by eating street food, which has a special place in their heart.
PHOTO/S: Gabriel Bien, Glend Lorzana Librea / Blue Beetle Stories

Kinagiliwan ng netizens ang wedding photos ng newlyweds na sina Gabriel Bien at Glend Lorzano Librea dahil makikitang sarap na sarap sila pagkain nila ng street food in their wedding outfits.

Kasama ng couple na taga-Lipa, Batangas ang kanilang entourage sa mga photos na ipinost ng kanilang wedding photographer noong November 9, 2021.

Makikita sa mga larawan na enjoy na enjoy sina Gabriel at Glend sa pagkain nila ng street food. Agaw-pansin ang light-blue suit ng groom at ang white V-neck wedding gown ng bride.

Hindi rin nagpahuli sa pagkain ang kanilang mga abay sa kabila ng kanilang magagarang suot.

Nakakatakam na kwek-kwek, calamares, isaw, dynamite, at samalamig ang in-enjoy nina Gabriel at Glend sa kanilang wedding day.

newlyweds street food

Continue reading below ↓

Pero paano nga ba nauwi sa pagkain ng street food ang grupo?

Paglilinaw ng bride, bahagi talaga ng kanilang plano ang pagkain ng street food.

“Sinuggest ng photographer namin na, ‘Baka gusto niyong magtusok-tusok tayo doon?’” ani Glend sa panayam ng 24 Oras noong November 14, 2021.

Pagbubunyag niya, “Yung mga abay namin that day, napagod na sila kasi nga yung lunch time pa yung last namin na meal.”

Pagkatapos kasi ng wedding, isinunod na ang photo shoot ng bagong kasal at mga abay.

Kaya naman para mapawi ang gutom, game ang grupo na kumain ng street food.

wedding day street food

Continue reading below ↓

Sa kabilang banda, inamin din ng newlyweds na significant sa kanila ito dahil pareho silang mahilig sa street food.

Ten years silang magkarelasyon bago sila nagpakasal.

“Sobrang simple lang po ng pamumuhay namin, hindi po kami ma-travel, mabili,” ani Gabriel.

Dagdag niya, hindi sila mahilig sa luho dahil pareho silang sumusuporta sa kani-kaniyang pamilya bago sila nagpakasal.

Payo naman ni Glend sa mga brides-to-be, huwag kalimutang i-enjoy ang kasal, na isang espesyal na kaganapan sa buhay ng isang babae.

HOT STORIES

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This couple made their wedding day photo shoot more special by eating street food, which has a special place in their heart.
PHOTO/S: Gabriel Bien, Glend Lorzana Librea / Blue Beetle Stories
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results