Kinatatakutang dambuhalang crocodile, nahuli sa Palawan

by Bernie V. Franco
Nov 17, 2021
saltwater crocodile in palawan
Local wildlife group in a barangay in Palawan conducts an "extraction procedure" to rescue an almost 15-feet crocodile seen roaming in the riverbank of a barangay in Palawan.
PHOTO/S: pcsd.gov.ph

Nahuli na ang kinatatatakutang malaking crocodile sa isang barangay sa Palawan, at nadala na ng local wildlife rescue group sa lugar kung saan ito maaalagaan.

Ang dambuhalang crocodile ay nahuli sa Sumpaka River, Sofronio Espanola, sa Palawan.

Ang reptile ay may sukat na 14.8 feet at nahuli ng local wildlife officials noong nakaraang linggo.

Ayon sa imbestigasyon, kinatatakutan ng mga residente ang reptile dahil sa panganib na maaari nitong idulot.

Napag-alamang lalaki ang saltwater crocodile na may scientific name na Crocodylus porosus.

Nagtulungan ang Palawan Council for Sustainable Development Staff (PCSDS) at Palawan Wildlife Rescue Conservation Center (PWRCC) para mahuli ang crocodile at dalhin ito sa ligtas na lugar.

saltwater crocodile

Continue reading below ↓

Sa ulat ng PCSD website, mismong mga opisyal ng Barangay Pulot Shore, kung saan matatagpuan ang Sumpaka River, ang nagsumbong sa PCSDS.

Mula pa noong August 2021, nagkaroon ng pangamba ang mga residente sa barangay dahil sa malaking crocodile.

Sa pag-iimbestiga ng PSDCS at PWRCC, nakumpirma nilang naninirahan nga ang crocodile sa gilid ng riverbank.

Napagkasunduan ng dalawang local groups na magsagawa ng “extraction procedure” para mahuli ang crocodile.

Madalas kasi itong mamataan malapit sa Barangay Pulot Shore, kung saan naroon ang mga residente.

Isinagawa ng mga awtoridad ang extraction procedure noong November 9, para makaiwas sa anumang banta na maaaring idulot ng malayang crocodile.

Itinuturing na “Critically Endangered Species” ang crocodile sa ilalim ng PCSD Resolution No. 15-521.

Dinala na ito sa PWRCC para mapangalagaan.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Local wildlife group in a barangay in Palawan conducts an "extraction procedure" to rescue an almost 15-feet crocodile seen roaming in the riverbank of a barangay in Palawan.
PHOTO/S: pcsd.gov.ph
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results