Meet Haru, ang dog na well-behaved pasahero

by KC Cordero
Nov 18, 2021
Haru riding in a jeepney
Sanay sa pagsakay sa public transport at maging sa pagsama sa biyahe ng kanyang amo ang asong si Haru.

Nag-trending kamakailan ang isang aso na well-behaved habang sakay sa loob ng jeep.

Ang asong si Haru ay walang tali, hindi karga ng may-ari, at kampanteng nakaupong mag-isa katabi ang kanyang dog food.

Mapapansin sa mga larawan at video na kumalat sa social media na sanay na sanay si Haru mag-commute at bumiyahe.

Na-in love tuloy sa kanya ang netizens.

Citizens react to Haru

Continue reading below ↓

Citizens react to Haru
Napakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang may-ari kay Haru na si Jorina Contapay, 23, noong November 17, 2021.

DISIPLINADO PERO HINDI MASYADONG TRAINABLE

Ayon sa taga-Mandaluyong City na si Jorina, babae ang asong si Haru.

“Isa po siyang Golden Retriever aspin mix. Three years ko na po siyang inaalagaan.”

Haru with her fur mom

Nakuha nila si Haru sa isang pet rescuer sa Laguna noong 2018.

“Two months pa lang po siyang puppy nang aming makuha.”

Sa mga photos and videos sa social media ay mukhang matalino si Haru, pero ayon kay Jorina, hindi talaga ito ganoon ka-talented.

Natatawa niyang kuwento, “Hmm, typical house dog lang po si Haru. Hindi po siya masyadong trainable pagdating sa mga dog tricks.

Continue reading below ↓

“Sit lang po ang alam niya actually, hahaha! Pero nakakaintindi siya pag eating time saka ligo time.”

SANAY MAG-COMMUTE SI HARU

Nang tanungin kung bakit ganoon kadisiplinado sa loob ng sasakyan ang kanyang alaga, paliwanag ni Jorina, “Pagdating sa pagsakay po sa mga sasakyan, nasanay na lang po siya kasi madalas po kaming bumiyahe.”

Haru riding in a jeepney

Continue reading below ↓

Sanay na sanay rin aniya itong sumakay sa mga pampublikong sasakyan.

“Pag uuwi po kami ng province, isinasama namin dahil walang magbabantay sa kanya dito sa bahay. Unless someone will stay here during the weekend.

“Pag minsan naman, ipinapasyal ko siya sa park, nagdidyip na lang kami o kaya ay tricycle. Saka po pag pupunta sa vet para sa kanyang check-up.”

PROUD FUR PARENT

Dahil sa good vibes na naihatid ni Haru sa netizens, sobrang proud sa kanya si Jorina.

“Nakaka-proud po as a fur parent dahil marami pong nasiyahan sa mga photos ni Haru. Masaya rin po ang family ko dahil Haru has become a big part of our [lives].”

Haru riding in a tricycle

Continue reading below ↓

Advocate si Jorina ng pag-a-adopt ng mga pets na walang tahanan.

Mensahe niya, sana ngayong Pasko ay ituring na regalo ang pag-aampon ng mga aso at pusa na nasa mga shelter para magkaroon ang mga ito ng sariling tahanan.

Aniya, “Our love is one of the greatest presents that we can give to dogs and cats, or any pet, especially this coming Christmas season.

“Adopting a dog or cat can change a life. It might be a big responsibility, but the love and happiness that you will get in return are pure and unconditional.”

Use these Shopee vouchers when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sanay sa pagsakay sa public transport at maging sa pagsama sa biyahe ng kanyang amo ang asong si Haru.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results