Bili na kayo! Mga preso sa Sorsogon, sumabak sa live online selling

by Bernie V. Franco
Nov 19, 2021
sorsogon jail online selling
Sinubukan ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Sorsogon City District Jail na mag-live online selling ng kanilang handwoven products para magkaroon ng income ngayong Kapaskuhan.
PHOTO/S: Facebook (Sorsogon City District Jail)

Sumasabak na rin sa live online selling ang persons deprived of liberty (PDL) ng Sorsogon City District Jail (SCDJ), kasunod ng pagtama ng pandemya.

Ang mga preso sa SCDJ ay binibigyan ng pagkakataong maging mas productive kahit sila ay nasa likod ng rehas.

Isa na rito ay ang pagkakaroon ng livelihood program, kung saan gumagawa sila ng handwoven products, gaya ng mga basket, tissue holder, at lamp shades.

Nakakalikha rin sila ng mga makukulay na lanyards, bags, wallets, at bracelets na gawa sa beads.

Ang kanilang mga produkto ay may price range na PHP40.00 hanggang PHP950.00, excluding shipping fee, ayon sa ulat ng TV Patrol noong October 2021.

preso sorsogon online selling

Continue reading below ↓

sorsogon preso online selling

Dahil malapit na ang Kapaskuhan, idinagdag nila sa kanilang mga produkto ang makukulay na parol.

Pero naapektuhan ang kanilang negosyo nang tumama ang pandemya.

Hindi rin nakakabisitaang kanilang mga mahal sa buhay na tumutulong magbenta ng products.

Kaya sinubukan ng mga PDLs na ito sa Sorsogon ang patok na live online selling.

Continue reading below ↓

Todo-suporta naman sa kanila ang mga tauhan ng SCDJ at may partisipasyon pa sa adhikain ng mga preso.

Kapag nag-“mine” na ang mga customers nila sa online selling, ang mga tauhan ng SCDJ ang magpoproseso ng payment at shipment ng mga produkto.

Sa pamamagitan nito, matitiyak na walang ilegal na gawain.

May mga customers sila mula Bulacan, Eastern Visayas, Masbate, at Metro Manila.

Umabot na rin sa ibang bansa ang kanilang mga produkto dahil mayroong mga umoorder mula sa New York at Hawaii.

Samantala, naitampok ang kuwento ng mga preso sa Dapat Alam Mo! ng GMA News and Public Affairs noong November 12, 2021.

Pahayag naman ni Jail Chief Inspector Rodolfo Versoza Jr., “Nung makita nilang pumapatok yung online selling, lalong na-engganyo gumawa ng mga products.

“Of course, very happy sila at very proud.

“Nalalapit na yung Kapaskuhan, yun ang nasa isip nila para kahit konti, meron silang mapagsaluhan o maipadala sa kanilang pamilya.”

Continue reading below ↓

Samantala, sa Facebook account din ng SCDJ, makikita na isinasali rin ang mga produkto ng mga PDLs sa mga product fairs sa mga mall at iba pang product establishments.

sorsogon preso online selling

Products of the prisoners are also brought to product fairs in malls and product establishments.

Continue reading below ↓

HOT STORIES

Use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sinubukan ng mga persons deprived of liberty (PDL) sa Sorsogon City District Jail na mag-live online selling ng kanilang handwoven products para magkaroon ng income ngayong Kapaskuhan.
PHOTO/S: Facebook (Sorsogon City District Jail)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results