Online shopper discovers live snakes in package from 11.11 sale

by Bernie V. Franco
Nov 20, 2021
snake 11.11
A shopper from Bataan discovered not one, but two live snakes when the packaging of the item bought was opened.
PHOTO/S: Sheryl Reotan

Isang online shopper ang nagulat nang dumating ang in-order na package mula sa pinagkaguluhang 11.11 sale ng isang online shopping store app.

Hindi lang isa, kundi dalawang ahas kasi ang isa ay nagtago mismo sa nakabalot na item.

Lubos na nagulantang ang shopper.

Isang folding bed ang inorder ng kapatid ni Sheryl Reotan mula sa 11.11 sale.

Dumating ang item sa bahay nito sa Bataan noong November 13, 2021.

Ani Sheryl, nang buksan ng kapatid ang balot ng binili, tumambad ang isang ahas, “Akala niya freebies na toy, e, gumagalaw daw po. Doon na sila nagulat.”

Dali-dali raw tumakas ang ahas, pero nahuli nila ito at inilagay sa isang plastic bottle.

11.11 snake

Continue reading below ↓

snake 11.11

Nakapanayam si Sheryl ng One PH ng News5, sa November 19 episode.

Pero may mas malaking sorpresa pala na naghihintay sa kanila nang ituloy ang pagbukas sa balot ng biniling item.

“’Tapos nung bubuksan pa po ulit nila, nasa bandang gitna daw po yung mas malaking ahas.

“Yun po yung gumapang palabas, pumunta sa may basurahan, doon na nila pinatay.”

snake 11.11

Selyado naman daw ang package kaya sa tingin ng shopper ay sa warehouse na galing ang ahas.

Sabi ng customer, “May parang karton lang sa gilid, ‘tapos nakabalot siya ng manipis na plastic, ‘tsaka naka-bubble wrap.

Continue reading below ↓

“Nandoon na siya, kasi dalawa siya, e—isang malaki, isang maliit. Baka mamaya anak na niya po yung maliit. Doon na sila tumira.”

Kasunod nito, tinawagan agad nina Sheryl ang seller para magreklamo, pero nagmatigas umano ang seller.

“Gusto lang po namin sana mag-public apology yung seller po sa amin.

“Kung ano namang pinagsasabi na kesyo sinisiraan daw sila. May naglagay lang daw doon.”

Hindi na raw magsasampa ng reklamo ang shopper dahil nag-sorry naman ang online shopping app service at nangakong iimbestigahan nila ang insidente.

Paalala naman ng shopper sa mga kagaya niyang mahilig bumili online, maging mapagmasid sa mga item na binibili.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A shopper from Bataan discovered not one, but two live snakes when the packaging of the item bought was opened.
PHOTO/S: Sheryl Reotan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results