VIRAL: Senior citizen bitten by crocodile he thought was plastic

by Bernie V. Franco
Nov 22, 2021
crocodile amaya resort cagayan de oro
What is he thinking? A 68-year-old man entered the lair of a crocodile for want of a souvenir photo, ignoring the implicit warning of its water enclosure. He got away and got his bloody souvenir.
PHOTO/S: Gabriel Paje / Bombo Radyo CDO

Isang senior citizen sa Cagayan de Oro ang kinagat ng isang 12-foot crocodile sa isang resort.

Lumapit ang lalaki sa crocodile sa pag-aakalang hindi ito tunay at gawa ito sa plastic.

Nakunan pa ng video ng isang netizen kung paano aktuwal na kinagat ng buwaya ang kawawang lalaki.

Sa viral video na kumalat nitong November 19, 2021, makikita na nahila ng crocodile sa water enclosure nito ang lalaki at kagat-kagat ang kaliwang braso ng biktima.

Maririnig ang pagsigaw ng nagvi-video, gayundin ng iba pang taong nasa paligid.

Sabi ng nagvi-video, sumigaw ang lalaki na tulungan siya.

Nung nakaalpas mula sa kagat, dali-dali itong lumayo sa enclosure ng crocodile.

Makikita ring tumutulo ang dugo mula sa braso ng biktima.

Pagkalayo nito ay humiga ito sa semento at lumapit na ang iba pa para sumaklolo.

Nagkaayos naman ang biktima at ang management ng resort na sasagutin umano ang gastos sa pagpapa-ospital ng biktima.

Continue reading below ↓

crocodile amaya resort

crocodile amaya resort

THE story behind the accident

Samantala, mula sa ulat ng Bombo Radyo CDO, November 20, Sabado, natukoy na ang lalaki ay si Nehemias Chipada, 68 anyos at may asawa.

Pumunta si Nehemias sa resort kasama ang dalawang anak para sa kanyang birthday.

Nangyari ang insidente sa Amaya View, sa Brgy. Indahag, Cagayan de Oro City.

Ayon sa ulat, inakala kasi ng biktima na hindi totoo ang crocodile.

Sa gilid kasi ng enclosure, may turtle statue at nagpa-picture dito ang biktima.

Sumunod niyang naisipang magpa-picture sa buwaya na lumulutang sa tubig.

Inakala ni Nehemias na hindi rin totoo ang buwaya at gawa sa plastic, kuwento ng anak ng biktima.

Nang ilapit na ni Nehemias ang kamay niya, bigla na itong sinagpang ng buwaya at nahulog na ang biktima sa tubig.

Sa ilalim ng tubig ay may nahawakang bato ang biktima kaya kinuha ito at hinampas ang ulo ng reptile. Nakatakas ang biktima.

Continue reading below ↓

Samantala, depensa naman ng mga trabahador sa resort, pumasok pa rin umano sa enclosure ang biktima kahit na may babala na delikadong pumasok doon.

Kung pagmamasdan din ang lalaki matapos makatakas sa buwaya, malayo-layo ang nilakbay nito para makalabas sa enclosure.

Ibig sabihin, malayu-layo rin ang nilakbay niya para makababa sa kinalalagyan ng crocodile.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
What is he thinking? A 68-year-old man entered the lair of a crocodile for want of a souvenir photo, ignoring the implicit warning of its water enclosure. He got away and got his bloody souvenir.
PHOTO/S: Gabriel Paje / Bombo Radyo CDO
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results