Pinay nurse sa USA nakatanggap ng halos PHP1.6-B worth ng cash gifts, assets mula sa amo

by KC Cordero
Nov 23, 2021
Photo Gicela Oloroso and Huguette Clark
Katapatan sa paglilingkod sa kanyang amo ang naging daan para pamanahan ang Pinay nurse na si Gicela Oloroso ng kanyang wealthy American patient, ang kilalang mining heiress na si Huguette Clark, who died in 2011.

Nagkakilala ang Pinay nurse na si Gicela Oloroso at ang pamosong mining magnate na si Huguette Clark sa isang ospital sa New York City noong 1991.

Taong 1972 pa nag-migrate si Gicela sa Amerika.

A photo of Gicela Oloroso

Isinilang siya noong May 1950 sa Sapian, Capiz.

May Jewish name si Gicela na Hadassah Peri dahil kasal siya sa Israeli immigrant na si Daniel Peri. Tatlo ang kanilang anak.

Continue reading below ↓

Hiwalay naman sa asawa ang napakayaman na si Huguette na noon ay 85 years old na. Wala itong anak.

Mula nang alagaan ni Gicela si Huguette ay naging mag-best friend na sila.

Siya rin ang naging primary daytime nurse at caregiver nito mula 8:00 a.m. hanggang 8:00 p.m. nang walang dayoff.

“Extreme” kung ituring ni Gicela ang kanyang naging sakripisyo para sa kanyang employer.

Aniya sa isang panayam noong August 29, 2015, "I give my life to Madame."

Napakaganda naman ng suweldo niya na nasa $131,040 a year, o PHP6,637,110.48 base sa current exchange rate.

Mahigit 20 taon siyang naglingkod kay Huguette.

KAY GICELA LANG NAGTITIWALA

Sa artikulong lumabas sa nbcnews.com noong September 12, 2013, sinabi ng mga doctor at nurse ni Huguette na takot ito sa ibang tao, lalo na kung hindi nito kilala.

A photo of Huguette Clark

Hindi rin ito iinom ng gamot kung wala si Gicela sa tabi nito.

Kapag wala ang Pinay nurse, nagkukunwari ang ibang nurse na nasa kabilang linya ng telepono si Gicela at sinabihan umano sila nito na oras na para i-check ang blood pressure.

Pagbabahagi ni Gicela sa naturang artikulo, "You have to convince her. You have to explain it to her, you have to educate her who is coming, what is that for — at times we have some difficulty,"

NAPAKA-GENEROUS NA AMO

Dahil naman sa sakripisyo ni Gicela sa pag-aalaga kay Huguette, bukod sa malaking suweldo ay napakarami niyang natanggap na regalo mula sa amo.

Noong September 1993 ay binigyan siya nito ng bahay na nagkakahalaga ng $450,000 (PHP22,800,375.00) matapos bahain ang dati nilang bahay at magkaroon ng asthma ang kanyang mga anak.

Binilhan rin siya nito ng isa pang bahay noong August 1999 na nagkakahalaga ng $149,589 (PHP7,579,300.66).

Continue reading below ↓

Mid-2000, isang pamangkin ni Gicela na may breast cancer ang sinagot ni Huguette ang pagpapagamot.

Binigyan rin nito muli ang Pinay nurse ng bagong bahay nagkakahalaga ng $775,000 (PHP39,267,312.50) para umano may matuluyan ang mga kamag-anak na bumibisita.

Mula December 2000 hanggang August 2002, tatlong real property pa ang natanggap ni Gicela mula kay Huguette, na may kabuuang $2,959,097 (PHP149,930,047.25).

Bukod pa rito ang mga natanggap niyang educational trust funds para sa kanyang mga anak, objects d’art, jewelry, rare musical instruments and miscellaneous items.

Binigyan rin siya nito ng mga sasakyan, kabilang ang isang Bentley na ayon kay Gicela ay isang pabigat para sa kanya.

Aniya, "To tell you the truth, we never enjoy this car. So expensive to repair. You are scared somebody going to steal it."

Si Huguette din ang nagbayad ng back taxes ni Gicela nang i-audit noong 2004, na umabot sa $300,000 (PHP15,200,250.00).

NASA TABI NG AMO HANGGANG KAMATAYAN NITO

Hindi naman sinamantala ni Gicela ang kabaitan ng amo.

Continue reading below ↓

Lahad niya, "Sometimes I would say: 'You gave me a check already today.' She would say: 'You have a lot of expense; you can use it.'

“I accepted the check because we have a lot of bills. Madame is very generous, and we don't force her to give us—we don't ask for it.

"That's how she is, very generous, not only me, thousands of people, a lot of people."

Dagdag pa niya, “We always talk about our lives, we talk about anything, you know, and she always asks my family.

“For almost fourteen years, I stayed more in Madame room than in my house. I work twelve hours. My husband is a mother and father while I’m working with Madame.

“Family vacation, I miss, when the kids were growing up. Because she never wants me to take off. She is uncomfortable with other people. I gave my life for her."

Continue reading below ↓

Pumanaw si Huguette noong May 24, 2011. Hanggang sa huling sandali ay nasa tabi nito si Gicela.

MGA KAMAG-ANAK NI HUGUETTE saklaw sa PAMANA KAY GICELA

Sa last will and testament ni Huguette na may petsang April 2005 ay nakasaad na pinamamanahan pa nito ng karagdagang $30 million (PHP 1,520,025,000.00) si Gicela.

Noong 2012, hiniling ng mga kamag-anak ni Huguette sa korte na ibasura ang nasabing last will and testament.

Lumabas na may isa pa itong pinirmahang last will and testament noong March 2005 kung saan nakasaad na ang mga kamag-anak nito ang magmamana ng buong kayamanan nito.

Nagkaroon ng desisyon ang korte noong September 24, 2013, at walang natanggap na mana si Gicela.

An older photo of Gicela Oloroso

Continue reading below ↓

Hindi naman binawi ang mga naging regalo sa kanya ni Huguette, maliban sa koleksyon ng Japanese antique dolls, at ilang alahas na kabilang sa Clark family heirlooms.

Sa kasagsagan ng kaso ay dumating sa puntong natanong si Gicela, bilang isang nurse, kung ethical ang pagtanggap niya ng marangyang regalo mula kay Huguette?

Nasabi ni Gicela, bilang siya ay isang independent contractor at hindi hospital employee, "I cannot recall any paper that I am not allowed to receive any such gift.”

Sa kabuuan, ang natanggap na regalo ni Gicela mula kay Huguette ay umabot sa $31,906,074.81 (PHP1,616,601,045.44) in cash and property.

Cover of the book Empty Mansions

Continue reading below ↓

Ang kuwento ng magkaibigan ay isinalin sa aklat na Empty Mansions, at sinulat nina Bill Dedman at Paul Clark Newell Jr.

Sa ulat naman dailymail.co.uk, matapos ang desisyon ng korte ay naging mailap na sa publiko si Gicela.

Use these Klook promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Katapatan sa paglilingkod sa kanyang amo ang naging daan para pamanahan ang Pinay nurse na si Gicela Oloroso ng kanyang wealthy American patient, ang kilalang mining heiress na si Huguette Clark, who died in 2011.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results