Netizen, na-judge dahil sa OOTD; may trabaho na, may screen name pang Ayuda G.

by Bernie V. Franco
Nov 23, 2021
Ayuda G. ayuda
Mylene Nocon, now known as Ayuda G.: “Bat kailangan maging mukang gusgusin pag kukuha ng ayuda? E lahat ng tao need ng pera lalo na sa panahon ngayon."
PHOTO/S: Facebook (Mylene Nocon)

Pumukaw ng atensiyon ang isang netizen dahil sa post niya tungkol sa kanyang karanasan sa pagkuha ng ayuda.

Dahil naka-postura at nakaayos nang pumila, tinanong umano siya ng government staff member kung “need” pa ba niya ng ayuda, kahit pa nasa listahan ang kanyang pangalan.

Katwiran ng netizen, kailangan ba magmukhang mahirap para makakuha ng ayuda?

Kahapon, November 22, 2021, ay nagpakilala ang netizen bilang Ayuda G.

Siya ay 29 years old, at kakapasok lamang niya bilang dancer sa TV5 noontime show na Lunch Out Loud (LOL).

Ang kanyang screen name ay hango sa nag-viral niyang post tungkol sa ayuda.

Saad niya sa Facebook (published as is): “Ganun tlga breadwinner ako ih

“pasensya na kayo sa damit ko bata palang ako pala outifit na talaga ako. I am who i am.

“Ang punto lang naman LAHAT DESERVE MAGKA AYUDA, mayaman, may kaya o mahirap lahat tayo deserve yan. Esp. Ang mga tax payers diba?

Continue reading below ↓

“Wala naman akong sinabing hindi deserve ng mga nasa level 1 of life lahat nga sabi ko diba.

“May ipon nga ako naging zero naman dahil nga po almost year akong walang work.”

Nagpasalamat si Ayuda G. dahil ngayon ay nabigyan siyang muli ng trabaho.

“Pero kailangan ko pa din ng ayuda bawas pa din yun sa lumilipad kong sahod buwan-buwan papuntang bayarin thanks everyone. Labyu all.”

Continue reading below ↓

Kahapon rin, sa pamamagitan ng direct messaging, kinunan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ayuda G. ng pahayag hinggil sa nag-viral niyang post.

“Ang aim ko po kase talaga nung pinost ko iyan, napaisip lang ako ang dami kong kaibigan na may-kaya na di nakakakuha ng ayuda, samantalang taxpayer naman sila. Ganun din ako.

“Nung tinanong ako ni Ateng DSWD, I dont mind, actually.

“Pero lalo ako napaisip na bakit kailangang mukhang mahirap ka o gusgusin ka pag kukuha ng ayuda?

“E, parang mas natamaan tayong nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemya?

“Ayun, plus nagsabi yung friend ko na nasa U.S. na sila, matic [automatic], kahit may pera ka o wala, matic na may PHP35K ang family.

“Mapapa-sana all na lang talaga tayo.

“Sana lang wag na pag-isipan pa. Basta pag nakalista, deserve niyan magkaayuda.

“Sa totoo lang, BREADWINNER din po kase ako. Kapatid ko pa kapapanganak lang din.

Continue reading below ↓

“May ipon naman talaga ako. Pero sa loob ng eight months na wala akong trabaho, naubos na din po siya, dahil nga madami din akong pinapakain sa bahay namin.”

Nagpaliwanag si Ayuda G. sa maganda niyang outfit nang kumuha siya ng ayuda.

“Talagang sanay po kase akong mag-ayos, kahit nasa bahay lang, palaayos ako.

“Nasanay na po talaga siguro since ngayon nasa TV5 din ako.

“Thank God may work na now, hehe.

“Pero, siyempre, di naman ganun kalaki sahod ng dancer, kaya talagang kahit anong pila ng ayuda o anong libre, pumipila ako para sa nanay ko at para sa pamilya ko.

“Ganun po talaga pag breadwinner ka. Lahat papasukin mo at hindi ako mahihiyang pumila.”

Ayuda G, Mylene Nocon

Continue reading below ↓

AYUDA G'S ORIGINAL POSTS

Sa ipinost na larawan ni Ayuda noong November 20, 2021, nakasuot ito ng puting bestida. May mga suot din siyang alahas.

Ang tunay niyang pangalan ay Mylene Noco.

Narito ang kanyang nag-viral na post (published as is): “Kumuha ng ayuda ganto ang suot.

“Ate DSWD: sure ka po bang need nyo ng ayuda.

“Me: Alam kong maganda sakin ang dress na to te pero mura lang to nasa 300 lang to. Mga gold ko dati pa tong panahon na may trabaho pa ako (karamihan pa dito hindi tunay)

“Almost year akong walang trabaho. Ngayon pa lang ako bumabangon

“Parang pala desisyon ka ate”

Kasunod nito, nag-post ng tanong si Mylene: sa damit ba ang basehan para matukoy kung kailangan ng ayuda ng isang tao?

Pagpapatuloy niya: “Question??

“Bat kailangan maging mukang gusgusin pag kukuha ng ayuda? E lahat ng tao need ng pera lalo na sa panahon ngayon.

Continue reading below ↓

“Hirap sating mga pilipino mindset natin iba ih. hindi bat dapat kaming mga nawalan ng trabaho ang isa din sa priority ng gobyerno dahil kaming mga may trabaho ang mas apektado ng pandemya?

“Kesa sa mga taong sinasabi nyong mahihirap e wala naman talagang mga trabaho ang iba sa kanila bago pa magpandemya?? Paki explain labyu mwah

“PS: nashare ko lang ang thoughts ko hehe Godbless.”

At press time, ang post ng netizen ay nakatanggap ng halos 2,000 reactions, halos 500 comments, at halos 1,000 shares.

Ni-reshare din ito ng ibang Facebook accounts at nakakuha rin ng mga libu-libong reactions, daan-daang comments, at libu-libong shares.

Continue reading below ↓

May mga sumunod pang post si Mylene, at nilinaw na hindi siya galit at hindi rin naman galit ang taga-Department of Social and Welfare Development (DSWD) nang tanungin siya.

Kaya’t maghinay-hinay raw sa pagkokomento ang netizens.

Nagbahagi lang daw siya dahil alam niyang may marami pang iba na nahuhusgahan rin dahil sa kanilang kasuotan.

“Nashare ko lang ang naiisip ko dahil naisip ko lang ang mga taong may mga KAYA na kaibigan natin na hindi nag kaka ayuda.

“Isa lang naman ang punto itrato natin ang isat-isa ng pantay. At matagal ng kasabihan ito DON’T JUDGE A BOOK BY ITS COVER

“Pag nakalista yan siguro naman deserve nya na yung AYUDA na para sa kanya.”

“PS : MABAIT naman si ateng DSWD

“Nashare ko lang ang naisip ko.

“Kaya easyhan nyo labyu all.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mylene Nocon, now known as Ayuda G.: “Bat kailangan maging mukang gusgusin pag kukuha ng ayuda? E lahat ng tao need ng pera lalo na sa panahon ngayon."
PHOTO/S: Facebook (Mylene Nocon)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results