Walang taong ahas sa mall! Wakasan na ang "false" at "very stupid" story

by KC Cordero
Dec 1, 2021
Robinsons Galleria
Makalipas ang tatlumpung taon, panahon na para tuldukan ang kuwento tungkol sa taong ahas na diumanoý nakatira sa basement ng Robinsons Galleria.

Walang taong ahas.

Ito ay isang tsismis, at ika nga ng isa sa mga natsismis na biktima, ito ay "walang basis."

Isinalang kamakailan ni Ayala Corporation Chairman Jaime Augusto Zobel de Ayala sa kanyang after-hours YouTube chat show si JG Summit CEO Lance Gokongwei.

Sa gitna ng kanilang talakayan tungkol sa ekonomiya, nauwi ang kanilang pag-uusap sa hindi mawala-wala at kontrobersiyal na urban legend tungkol sa “taong ahas” na diumano ay nasa loob ng Robinsons Galleria.

Ayon kay Lance: "That's a definite false."

Pag-aari ng mga Gokongwei ang Robinsons mall chain.

August Zobel de Ayala interviews JG Summit CEO Lance Gokongwei

Continue reading below ↓

Sinabi naman ni Zobel na ang urban legend tungkol sa taong ahas sa loob ng Robinsons Galleria ay isa sa mga kuwentong sobrang laganap sa bawat sulok ng Pilipinas.

Pabirong hirit naman ni Gokongwei, "If there was a snake, my sister Robina would've caught it and converted it into a handbag that she sold in Robinsons."

Ang tinutukoy niyang Robina ay si Gokongwei-Pe, president and CEO ng Robinsons Retail Holdings Inc.

Sinasabing kakambal daw ni Robina ang taong ahas.

Noong May 24, 1991 at kainitan ng issue, sinabi ni Robina sa defunct documentary program na The Probe Team na merong 52 versions ang kuwento tungkol sa taong ahas.

Aniya, “I think it's very, very stupid. Everybody asks me that question, 'Who started the rumor?' Most probably it was spread by a competitor with a very, very sick mind.”

Nagbigay rin siya ng challenge noon sa mga makapagpapatunay na may taong ahas nga sa kanilang mall.

Continue reading below ↓

“I'm inviting everybody to go there. And, naku, if anybody can find that creature, I swear I'm going to give the entire Galleria to him!”

ANG URBAN LEGEND

Ayon sa kuwento na nagsimulang kumalat noong dekada 1990, ipinatayo ng Gokongwei family ang kanilang flagship mall, ang Robinsons Galleria, para dito mambiktima ang “half-snake, half-human creature.”

Robinsons Galleria facade

Continue reading below ↓

Magagandang dalaga raw ang paborito nitong biktimahin.

Mas naging mainit ang isyu tungkol sa taong ahas dahil isa sa mga sinabing naging biktima ay si Alice Dixson.

May mga naka-upload pa sa YouTube tungkol sa insidente—na obviously ay pawang mga parody.

ANG KUWENTO AYON MISMO KAY ALICE DIXSON

Last July 25, 2020 ay nag-upload si Alice sa kanyang YouTube channel tungkol sa taong ahas sa Robinsons Galleria.

Paliwanag ng aktres, hindi niya intensiyong buhayin ang tsismis na 30 years nang pinag-uusapan.

"Nais lang umano niyang linawin ang mga naganap sa Robinsons Galleria noong dalaga pa siya.

Alex Dixson narrating

Continue reading below ↓

Kuwento ni Alice, "What I remember on that particular day was, I went to Robinsons Galleria mall and to the department store para mag-browse ng clothing.”

Wala aniyang anumang espesyal noong araw na iyon.

“In fact it was like any ordinary day. At pagkatapos kong mamili ng mga damit na gusto ko, in-assist ako ng isang saleslady, and she directed me to the dressing room.”

Alice Dixson reenactment inside the mall

Continue reading below ↓

Hindi rin niya matandaan kung bakit nasa nasabing mall siya noon.

“Kasi sa totoo lang, nabibilang sa [mga daliri sa] isang kamay yung ilang beses akong nakarating sa mall noong time na yun.

“Then somebody close to me, and even a couple of fans, said or reminded me that the incident actually took place when I was there on a movie shoot.

“I remember it actually being night and production told me I needed to change my outfit or go into my costume.”

Pinapunta umano siya sa bathroom sa labas ng department store na nasa fourth floor para magpalit ng damit.

May mga nag-uusyoso pa aniya sa labas.

Alice Dixson inside the bathroom

Continue reading below ↓

Kuwento ni Alice, “And for some reason, once I was inside the bathroom, I said ‘tuklaw-tuklaw!’

“I was just being funny, I was trying to get a laugh sa mga kasamahan ko. I was just being young and silly."

Natatawa pang dagdag niya, “And also because, yung time na yun, yung kasamahan ko sa pelikulang Dyesebel na si Richard Gomez, he had a movie that came out called Tuklaw, at uso iyan noon.”

Makalipas nga ang ilang araw ay lumabas na ang balita na kinagat ang aktres ng taong ahas sa loob ng mall.

Pag-alaala niya, “Lumabas pa ito sa headlines ng tabloids and news.

"And one day, one morning after, my secretary told me na tumawag ang Robinson's representative, gusto akong kausapin.

“But, I believe, siguro they wanted to ask me if I had made these comments and these accusations.”

Hindi raw pinansin ni Alice ang issue. Gayunpaman, hindi mamatay-matay ang balita tungkol sa kanya at sa taong ahas.

Continue reading below ↓

“In fact, even months after, pag nakakausap ko yung mga Chinese-Filipino friends ko, they were saying na totoo nga na may offspring na snake—na half-snake ang Gokongwei.

“Of course, this was just usap-usapan lang, right? Wala namang pruweba to this.”

Doon na aniya lalong kumalat ang tsismis.

CASE STUDY NG MGA MASS COMMunication STUDENTS?

Ayon pa kay Alice, may isa pang pinag-ugatan ng paglaganap ng tsismis na nakagat siya ng taong ahas sa mall.

“Meron kasing mass communication curriculum ang isang school that it had a particular project to disseminate information to see how far, how convoluted, and how long information could spread.

"And I believed they used this story. I know because mass communication graduate din ako, and we studied these kinds of case studies.”

Hindi niya binanggit ang pangalan ng school.

At dahil nanatili siyang tahimik sa isyu, lalo aniyang lumakas ang paniniwala ng mga tao na totoo nga ang kuwento.

Continue reading below ↓

“Ibig sabihin, perhaps, my silence was a contributing factor sa paglaki ng rumor na ito.

“But in my defense, even before, kahit ngayon, pag may hindi totoong rumor, if there's something false that's circulating, naniniwala akong di ko dapat patulan.

“I don't have to be defensive about it. And that's one of my reasons kaya hindi ako nagkomento noon.

“And I didn't really feel the need to talk about it, or defend myself.”

NANGAKOng SASABIHIN ANG TOTOO SA TAKDANG PANAHON

Nakalimutan na ni Alice ang tungkol sa isyu. Naalala lang niyang muli dahil may kasunduan pala sila ng isang kaibigan.

“Meron kaming usapan that after a certain point, or pagdating ng certain time, that I would actually reveal my story.

“Hindi naman revelation kundi to tell my story. So this is the time that I want to set things straight.

“I know a lot of you are going to be saying, ‘Ano ba iyan, denial na naman!’

Continue reading below ↓

"But the truth of the matter is, denial is something that you say if something is actually true.

“You deny something that is true, but I'm not denying anything because what I'm saying is that nothing really happened.

“Nothing really happened in the way that the urban legend or the myth dictates.”

HINDI SIYA BINAYARAN PARA MANAHIMIK

Paglilinaw pa ni Alice tungkol sa mga kumalat na balita noon, “Hindi naman ako nahulog sa trapdoor.

"Hindi naman ako tumakbo sa corridor palabas, you know, papuntang hotel.

“Hindi din naman ako nabayaran ng PHP850 million at hindi rin nangyari yung na-cut ang pagsasalita ko sa isang TV show when I was trying to explain myself.”

Hindi aniya totoo ang mga iyon.

Matalinhaga naman niyang sambit, “The last possible theory is that it is the truth. Right?

“Pero kaya ba maraming naniniwala because it's just a well-hidden secret?

"Kung totoo nga, bakit walang nag-i-step forward, like, bakit walang security guard.

Continue reading below ↓

"There's no maid, there's no close friend, there's nobody who actually witnessed this side from this urban legend?

“There's nobody to corroborate this myth. Right? Wala...”

FIRST AND LAST word ni alice TUNGKOL SA TAONG AHAS

Binanggit din ni Alice ang naging tsismis ilang taon na ang nakalilipas na namatay na ang taong ahas sa mall.

“Lumabas pa nga ito sa YouTube and sa balita. Pero hindi natin ma-disprove iyan or prove.

“However, kinontak ako ng Robinsons Galleria shortly after to participate in their digital ad campaign.”

Alice Dixson narrating her story

Continue reading below ↓

Tanong pa niya, “Now, is this a coincidence?

“Well, kayo na lang po ang bahalang mag-decide kung ano ang paniniwalaan ninyo. If it is or it is not.

“Basta sinabi ko na sa inyo yung truth ko, I told you what happened and, hopefully, this is the first and last time I'm gonna explain myself or say anything about it.”

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Makalipas ang tatlumpung taon, panahon na para tuldukan ang kuwento tungkol sa taong ahas na diumanoý nakatira sa basement ng Robinsons Galleria.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results