Pinay admits having spent PHP500K-PHP700K in concerts, merchandise of K-pop idols

Dec 24, 2021
kpop fan
This avid K-pop fan reveals she has spent more than half a million pesos in a year or two for watching the concerts, events, and buying merchandise of her favorite K-pop groups. Inset are K-pop group SHINee (left) and Seventeen.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!) / @shinee and @saythename_17 on instagram

Aminado ang Pilipinang si Kaydii, 25, na malaki na ang kanyang nagagastos sa kanyang pagiging fan ng K-pop.

Noong November 8, 2021, sumali si Kaydii sa "Bawal Judgmental" segment ng Eat Bulaga! at dito ikinuwento na sa loob ng dalawang taon, halos kalahating milyon na ang kanyang nagastos.

Nagbalik-tanaw muna si Kaydii kung paano nagsimula ang kanyang pagkahilig sa K-pop bilang isang estudyante, 12 years na ang nakakaraan.

“Actually po, nung start sa SHINee, na-LSS [last song syndrome] lang ako sa song nila, 'Ring Ding Dong,' ‘tapos tuluy-tuloy na po,” ani Kaydii tungkol sa SHINee, isang all-male group na unang binuo na may limang miyembro noong 2008.

Kasunod nito ay kinagiliwan rin niya ang Seventeen, ang 13-member K-pop group na binuo noong 2015.

“Yung Seventeen po, since debut nila noong 2015, fan ako.”

Ipinaliwanag din ni Kaydii kung bakit kinahuhumalingan ng mga kagaya niyang fan ang K-pop artists.

“Yung performance aspect po kasi nila, yung attention to detail. ‘Tapos as you go along, yung personality din nila, and everything else follows.”

Continue reading below ↓

Sa sobrang pagka-fan daw niya ay nag-take siya ng Korean language courses noong nasa kolehiyo siya.

Noong mag-concert ang SHINee sa Pilipinas, inipon ni Kaydii ang kanyang allowance para ma-afford ang PHP13,000 na presyo ng VIP ticket.

Kpop

Mas pinagkakagastusan waw ni Kaydii ang concerts kesa sa merchandise items ng kanyang favorite K-pop groups.

Continue reading below ↓

Inusisa ng hosts na sina Paolo Ballesteros at Jose Manalo si Kaydii kung magkano na ang nagagastos nito sa pagiging K-pop fan niya.

Nag-isip muna si Kaydii at may disclaimer siya na huwag husgahan.

“Around PHP500,000 to PHP700,000 plus-plus siguro. Estimate,” sagot niya.

Pahabol na tanong ni Jose, ang amount ba na kanyang binanggit ay sa pagiging K-pop fan niya sa loob ng labindalawang taon.

Nakagugulat na sagot ni Kaydii, “Mga siguro one to two years. Depende pa din...”

Hirit ni Allan K, makakapagpatayo na raw ng bahay sa probinsiya sa ganoong halaga.

K-POP FAN KAYDII SAYS IT IS WORTH IT

Katuwiran naman ni Kaydii, sulit naman ang dala nitong kasiyahan sa kanya.

Aniya, “Parang yung happiness naman po na nadadala, like, kunwari pag nanonood po ng concert, parang very [fully] experienced po.

“Talagang memorable po kasi ‘tapos minsan pag may mga merch [merchandise] though minsan hindi po ako ganoon ka-ano, merch…

Continue reading below ↓

“Dati more on concerts po talaga.”

Pagpapatuloy ni Kaydii, “Yung experience po kasi talaga unlike any other. Worth it po talaga.”

kpop fan

Paliwanag pa ni Kaydii, pagdating kasi sa concerts ay personal niyang nami-meet ang kanyang mga idolo.

Sa kasalukuyan, nagtatrabaho na si Kaydii, kaya’t hindi na nakaasa sa magulang pagdating sa gastusin sa kanyang hilig.

Continue reading below ↓

Lagi rin daw siyang present maging sa video call fan signs dahil hindi pa posible ang in-person concerts at meet-and-greet events.

Positibo rin daw ang epekto sa kanya ng pagiging K-pop fan.

“Ever since po I use it as motivation to excel on stuff and everything,” ani Kaydii.

Dahil din dito ay nagkaroon siya mga kakilala at mga kaibigan.

Hindi naman siya pinipigilan ng kanyang pamilya hangga’t sariling pera niya ang ginagastos sa kanyang hilig.

Sa sobrang fan nga rin daw niya ng SHINee at Seventeen, nagpa-tattoo pa si Kaydii ng symbol ng kanyang mga idolo.

“Diamond po siya. Actually, Seventeen and SHINee po siya kasi yung SHINee po kasi diamond.

“’Tapos yung Seventeen, tawag po sa fans nila Carats, like 24 carat magic.”

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
This avid K-pop fan reveals she has spent more than half a million pesos in a year or two for watching the concerts, events, and buying merchandise of her favorite K-pop groups. Inset are K-pop group SHINee (left) and Seventeen.
PHOTO/S: YouTube (Eat Bulaga!) / @shinee and @saythename_17 on instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results