Pinoy doll candidate shines in annual international pageant

by Bernie V. Franco
Dec 23, 2021
Miss Beautiful Doll
Pinoy doll Anna Eugenia Tadeo wears an "alimuom" national costume (right) to the 15th Miss Beautiful Doll, and is getting the most number of reactions on social media.
PHOTO/S: Facebook (Miss Beautiful Doll, Raynang Manika Pilipinas)

Umaani ngayon ng malaking suporta sa social media ang kinatawan ng Pilipinas sa Miss Beauty Doll pageant.

Ang international beauty pageant for dolls ay pinamamahalaan ng Miss Beauty Doll Organization na nakabase sa Bangkok, Thailand. Nasa 15th year na ito.

Sa katunayan, may sariling official website pa ang international beauty pageant for dolls na ito.

Tinatayang higit tatlumpung manika na kumakatawan sa iba't ibang bansa ang kalahok.

At bawat manikang kandidata ay ginagawan ng profile.

Ang Philippine doll candidate ay si Anna Eugenia Tadeo, 19 anyos, at Anthropology student mula sa UP Diliman.

Siya rin ay may dugong Aeta.

Agaw-eksena ang mga magagarang outfit ng Miss Beauty Doll Philippines.

Miss Beautiful Doll

Continue reading below ↓

Miss Beauty Doll

Miss Beautiful Doll

Continue reading below ↓

Namangha ang mga netizens sa kanyang national costume na tinawag na “Alimuom.”

Pinag-isipan at detalyado ang pagkakagawa ng doll costume na nilikha ni Cholo Ayuyao.

Ang “Alimuom” national costume ay binase sa Philippine folklore, kung saan kapag nagkaroon ng alimuom ay lumalabas umano ang Tikbalang para hanapin ang kanyang babaeng pakakasalan.

Ito ang dahilan kung bakit ang national costume ng manika ay korteng kabayo.

Miss Beautiful Doll

Continue reading below ↓

Miss Beauty Doll

Gaya rin ng beauty pageant, ang mga manika ay binibihisan ng iba’t ibang damit, evening gowns, at maging swimsuit sa mga pre-pageant events.

Ang mga larawan ni Anna Eugenia ay ipinost sa Facebook account ng Miss Beauty Doll pageant, gayundin sa local version nito na Raynang Manika Pilipinas.

Continue reading below ↓

Kung titingnan ang reactions ng netizens sa bawat kandidata, kapansin-pansing angat ang dami ng reactions pagdating kay Anna Eugenia.

Ang huling pagkakataong nanalo ang Pilipinas sa international doll pageant competition ay noong 2016.

Nanalo noon ang pambato ng Pilipinas na si Shawnah Bautista Vasquez.

Miss Beauty Doll 2016

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pinoy doll Anna Eugenia Tadeo wears an "alimuom" national costume (right) to the 15th Miss Beautiful Doll, and is getting the most number of reactions on social media.
PHOTO/S: Facebook (Miss Beautiful Doll, Raynang Manika Pilipinas)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results