Sakay na kay Jeepito, ang world’s smallest jeepney!

by Ana leah Gonzales KC Cordero
Dec 27, 2021
Jeepito's owner Tonton Tan, and with Liza Soberano
Kahit maliit si Jeepito, taglay nito ang lahat nang partikular na disenyo ng regular Pinoy jeepney, at street-legal din ang pagkaka-assemble dito.

Sa Baguio City, may tinatawag na "Tank House."

Proyekto ito ni Ronald “Tonton” Tan gamit ang lumang water tank.

Pero bukod sa pinakamaliit na bahay sa Baguio City, si Tan rin ang lumikha kay Jeepito, ang pinakamaliit na dyipni sa buong mundo.

Sa panayam ng Summit OG, ayon kay Tonton, “Jeepito was made in 2015. Almost seven years nang nagpapasaya si Jeepito.”

Jeepito is complete and functional like a regular jeepney

Continue reading below ↓

Ang maliit na dyipni ay may haba na 92 inches, lapad na 42 inches, at taas na 55 inches.

Taglay nito ang lahat nang partikular na disenyo ng regular na Pinoy jeepney, mula sa iconic na metal na kabayo sa hood, at reserbang gulong sa driver’s side.

Biro ni Tonton, “Ano pa’ng hindi puwedeng mawala? Pag driver ka, dapat meron kang tuwalya.”

STREET-LEGAL ANG PAGKAKA-ASSEMBLE

Dalawang buwan na binuo ni Tonton at ng kanyang team si Jeepito.

Umabot sa PHP160,000 ang kanyang nagastos.

Jeepito's body

Continue reading below ↓

Jeepito's engine

Paliwanag niya, “Dapat nga mas mura ang nagastos namin dito, pero [we made sure] na maging street-legal siya at kumpletong-kumpleto.”

Kumportableng makasasakay sa loob ni Jeepito ang apat na katao, kabilang ang driver.

Natatawang sambit ni Tonton, “Actually, puwede pa nating gawing lima iyan. Yung isa, sasabit sa likod.”

GOOD VIBES ANG HATID NI JEEPITO

Binuo ni Tonton si Jeepito para maghatid ng good vibes. Tuwing Pasko, nag-iisip siya ng mga paraan para mas maging exciting ang pagsakay rito.

Continue reading below ↓

Aminado naman siya na apektado ng pandemya ang paghahatid ng saya ni Jeepito ngayong Holiday season.

Jeepito can accommodate 4 passengers including driver

Jeepito with large Santa bonnet

Continue reading below ↓

“Dati, kapag umiikot kami para mamigay ng goodies, welcome lahat para lumapit, magpa-picture, walang limitations,” sambit niya.

“Pero ngayon, as much as we’d like to do that, lahat ng tao ay limited na.”

JEEPITO NAKABIYAHE NA SA BUONG PILIPINAS

Nalibot na ni Jeepito ang buong Pilipinas mula nang mabuo ito.

Narating na nito ang Metro Manila, Tuguegarao, Cagayan, at iba pang lugar.

Jeepito with celebrities

Continue reading below ↓

Ani Tonton, “Si Jeepito ay madalas nai-invite sa iba’t ibang shows, sa iba’t ibang parades.

“Napakadaming memorable moments na na-experience namin ni Jeepito.”

Panoorin ang kabuuan ng Summit OG interview at lahat ng naging adventures nina Tonton at Jeepito.

Alamin din kung sinu-sinong celebrity na ang naka-experience sumakay kay Jeepito—the world’s smallest Pinoy jeepney:

Ronald “Tonton” Tan did conceive the idea of reimagining the iconic Philippine jeepney to spread good vibes and help promote the country's tourism.
Video: Summit OG.

Subscribe to the channel here and watch more OG videos here.

Also, use these Nike promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kahit maliit si Jeepito, taglay nito ang lahat nang partikular na disenyo ng regular Pinoy jeepney, at street-legal din ang pagkaka-assemble dito.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results