Dalagang sumali sa Sandok Pera challenge, engagement ring ang nakuha

by Bernie V. Franco
Dec 29, 2021
sandok pera proposal
On Christmas Eve, Rachelle Ann Rosales of Cavite gets a memorable present when her boyfriend Roldan Rivera pulls off a surprise proposal during the Sandok Pera challenge.
PHOTO/S: Facebook (Kristine Rosales Abbaspour)

Kakaibang sorpresa ang natanggap ni Rachelle Ann Rosales sa patok na Sandok Pera Challenge ngayong Pasko.

Sa nabanggit na parlor game, gamit ang siyansi, sasandukin ng naka-blindfold na player ang money bills na nakalatag sa table o sahig at ilalagay ito sa hawak na lalagyan.

Pero para kay Rachelle na mula sa Tanza, Cavite, hindi lang pera ang nakuha niya sa challenge. Nakatanggap rin siya ng isang engagement ring mula sa kanyang fiancé na si Roldan Rivera.

Naganap ang proposal sa Christmas party ng pamilya ni Rachelle noong December 24, 2021, Bisperas ng Pasko.

Sa ipinost na video at photos ng kapatid ni Rachelle na si Kristine Rosales-Abbaspour, makikita na piniringan ng mata si Rachelle para sumabak sa Sandok Pera challenge.

Nang sumalang sa laro, kinarir ni Rachelle ang pagsasandok ng mga perang papel at walang kamalay-malay na sa kanyang harapan ay lumuhod ang nobyo.

Hawak ni Roldan ang isang red rose na nagtataglay ng engagement ring.

Continue reading below ↓

Pagtanggal ng piring sa mata ni Rachelle, tumambad sa kanyang harapan ang nakaluhod na nobyo.

Check naman sa “YES” box ang isinagot ni Rachelle sa suot ng boyfriend na white t-shirt na may nakasulat na “Will you marry me?”

Sandok challenge proposal

Kasabwat ni Roldan sa kanyang surprise proposal si Kristine, ate ni Rachelle.

Continue reading below ↓

Ipinost naman ni Kristine sa Facebook ang mga larawan ng masayang Christmas party kung saan ipinagdiwang na rin nila ang engagement ng nakababatang kapatid.

Caption ni Kristine: “May nanalo na! #sandokperachallenge Hindi lang pera kundi singsing ang nakuha nya.

“Congratulations Chel and Dan! So happy for the both of you. #TheProposal #Christmas2021

sandok pera proposal

Continue reading below ↓

Kristine Rosales-Abbaspour (far left) helped Roldan organize a surprise proposal for her sister Rachelle (center).

Ipinost din ni Kristine sa Facebook ang palitan nila ng mensahe ni Roldan.

Mababasa sa exchange of messages na si Roldan ang lumapit kay Kristine. Nagtanong ang binata kung may alam si Kristine ng bilihan ng singsing.

Na-gets naman ito ni Kristine at sinabing matagal na niyang hinihintay na mag-propose si Roldan kay Rachelle.

Nakiusap si Roldan na ilihim muna ito kay Rachelle dahil balak niya itong sorpresahin.

Sa comments section, naibahagi rin ni Kristine kung bakit siya ang napiling maging kasabwat ni Roldan para sa surprise engagement kay Rachelle.

Comment ni Kristine (published as is): “dami ko nang naorganize na surprise kaya alam na ni Dan kanino lalapit hahaha. Kakatuwa lang na napakamemorable nito.”

Limang taon nang magkarelasyon sina Rachelle at Roldan at balak magpakasal ng dalawa sa first quarter ng 2022.

sandok pera proposal

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
On Christmas Eve, Rachelle Ann Rosales of Cavite gets a memorable present when her boyfriend Roldan Rivera pulls off a surprise proposal during the Sandok Pera challenge.
PHOTO/S: Facebook (Kristine Rosales Abbaspour)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results