Street sweeper hindi nakabili ng sapatos; Random strangers, binilhan siya ng 3 pairs!

by Bernie V. Franco
Jan 3, 2022
street sweeper shoes
There is indeed a Christmas spirit. An MMDA street sweeper from Parañaque (right photo, encircled) biked all the way to Cavite to buy a pair of shoes. Sadly, the shoes he chose did not have his size. Meanwhile, two strangers decided to buy the street sweeper three pairs. Left photo the street sweeper (in yellow) with his donors, including John Eric Enople (far left).
PHOTO/S: Facebook (The Cooking Dad Bake & Brew)

Isang street sweeper mula Parañaque ang nagbisikleta papuntang Imus, Cavite, para bumili ng sapatos bilang Pamasko sa sarili.

Pero minalas ang street sweeper dahil walang available na size ang sapatos na napili.

Sayang naman ang pagod at oras niya. Malayo pa man din ang ipinadyak at dalawang oras siyang pumila sa shoe store.

Pero sa isang iglap, bumaliktad ang kapalaran ng street sweeper.

Hindi niya inakalang ililibre siya ng sapatos ng isang coffee-shop owner at binigyan ng dalawa pang pares na sapatos ng building owner.

Sa huli, tatlong libreng sapatos ang inuwi ng street sweeper.

December 20, 2021, ipinost ng negosyanteng si John Eric Enopia ang kuwento sa Facebook account ng The Cooking Dad Bake and Brew, ang nasabing coffee shop sa Imus na siya ang may-ari.

Sa araw na iyon, isang lalaking street sweeper ang naki-park ng bisikleta sa parking area ng coffee shop ni John Eric.

Bibili ng sapatos ang street sweeper sa katabing establishment ng coffee shop na isang shoe store.

Continue reading below ↓

Makalipas ang dalawang oras, lumabas na malungkot ang pagod na pagod na street sweeper.

Sabi ni John Eric, “Tinanong ko siya, ‘Tay kumusta?’ Mukha siyang pagod na pagod.”

Ibinahagi ng lalaki na siya ay MMDA street sweeper at taga-Tambo, Parañaque.

Sabi ng street sweeper, “Gusto ko lang ng bagong sapatos.”

Hindi siya nakabili dahil wala na raw size ang gustong sapatos.

Ginawan ito ng paraan ni John Eric. “Kinausap ko yung staff ng shoe store, sabi ko hanapan niyo sya ng size kahit anong design. Ako magbabayad.”

Maya-maya, lumapit ang building owner at tinanong si John Eric. Ikinuwento ni John Eric sa landlord ang nangyari sa street sweeper.

Sinabi naman ng building owner na sagot niya ang dalawa pang pares ng sapatos.

Sambit ni John Eric, “Sobrang natuwa talaga ako, lalo na si Tatay. Hindi lang isa, tatlo ang sapatos niya.”

At press time, ang post ni John Eric ay may 93,000 reactions, 24,000 shares, at 2,300 comments.

Continue reading below ↓

Nakapanayam si John Eric Enopia sa DZMM TeleRadyo noong December 29, 2021.

Sabi ng coffee owner, relate siya sa pakiramdam ng street sweeper.

“Yung feeling na ganoon... pumila, i, inaasahan mo. Pagdating mo doon magkakaroon ka ng gusto mo doon sa tindahan,” ani John Eric.

“Sa pila pa lang ino-observe ko na siya. Mukha talaga siyang pagod. Yun ang naka-attract ng attention ko para subaybayan ko siya.

Continue reading below ↓

“Imagine, galing pa siyang Tambo, Parañaque, sa Imus, Cavite. Ganoon kalayo yung pinandyak niya.”

Sabi pa ni John Eric, “Biker din po kasi ako kaya may bike parking ako sa coffee shop ko.”

Naibahagi rin ng coffee-shop owner kung bakit napadako ng Cavite ang street sweeper para bumili ng sapatos.

“May kamag-anak daw po siyang pupuntahan sa lugar namin. Dumaan na siya doon sa shoe store para bumili nga ng bagong sapatos, siguro for Christmas.

“Siguro magkano lang ang idadagdag mo kahit ako na bumili para lang maano lang yung kagustuhan niyang magka-sapatos. Ako na lang ang magbabayad.”

street sweeper shoes

Continue reading below ↓

The street sweeper trying out his new shoes.

Natiyempuhan si John Eric at ang street sweeper ng landlord ng building.

Dinetalye ulit ni John Eric ang naging pag-uusap nila ng buildiong owner na si Sherwin.

“Lumapit siya sa amin nung nagsusukat ng sapatos kay Tatay. Sabi naman ni Sir Sherwin, ‘Since Pasko naman, bakit di mo na lang gawing tatlo? Ako na lang magbabayad.’

“Akala nga ni Tatay nung una pina-prank lang namin siya. Akala niya biro-biro lang yung binili naming sapatos para sa kanya.”

Sa kabilang banda, hindi naman bago kay John Eric ang tumulong.

Naibahagi niya na noon pa mang May 2020, kasagsagan ng pandemya, nagsimula nang tumulong ang kanyang pamilya sa mga nangangailangan.

Sabi ni John Eric, “Nag-online selling kami. Nung time na iyon, anlaki ng issue ng online class ng mga bata.”

Naghanap si John Eric ng organization na matutulungan.

Doon nila nadiskubre ang Project Aral ng Save The Children, isang non-profit organization.

Continue reading below ↓

Ang ten percent ng kinikita ng coffee shop ni John Eric ay idino-donate sa proyekto. Bumibili ang foundation ng gadgets para sa mga estudyanteng walang pambili.

“Nakita ng mga tao na meron kaming advocacy, pati yung mga customer namin nagdo-donate na.

“Naging instrument lang kami para sa mga gustong tumulong," sabi ng coffee-shop owner.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
There is indeed a Christmas spirit. An MMDA street sweeper from Parañaque (right photo, encircled) biked all the way to Cavite to buy a pair of shoes. Sadly, the shoes he chose did not have his size. Meanwhile, two strangers decided to buy the street sweeper three pairs. Left photo the street sweeper (in yellow) with his donors, including John Eric Enople (far left).
PHOTO/S: Facebook (The Cooking Dad Bake & Brew)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results