Twins na isinilang 15 minutes apart, magkaiba ang year of birth

by Bernie V. Franco
Jan 4, 2022
twins different years
A pair of fraternal twins in California, U.S.A. were born in different years: the boy was born in 2021, while the girl was born in 2022.
PHOTO/S: Facebook (Natividad Medical Center)

Posible bang magkaroon ng kambal na sanggol na isinilang nang magkaibang araw, magkaibang buwan, at magkaibang taon?

Ito ang naging kaso ng fraternal twins sa California, U.S.A. Fifteen minutes lang ang pagitan nang iluwal sila ng kanilang ina.

Ang sanggol na lalaki ay isinilang ng 2021, habang ang sanggol na babae ay isinilang ng 2022.

Ipinanganak ang kambal sa Natividad Medical Center na matatagpuan sa Salinas, California.

Sa Facebook post ng ospital nitong January 2, 2022, binanggit dito na hindi pangkaraniwan ang isilang ang kambal na magkaiba ang year ng kapanganakan.

“Twins with different birthdays are rare, and some estimate the chance of twins being born in different years as one in 2 million,” bahagi ng post.

Isinilang ang sanggol na lalaki—si Alfredo Antonio Trujillo—bandang 11:45 p.m. ng December 31, 2021.

After fifteen minutes, eksaktong pagpatak ng 12:00 midnight, January 1, 2022, iniluwal ang sanggol na babae na si Aylin Yolanda Trujillo, “making her the first baby born at Natividad Medical Center and in Monterey County in 2022,” ayon sa post ng Natividad Medical Center.

Continue reading below ↓

twins different years

Si Aylin ay may timbang na 5 pounds at 14 ounces, habang si Alfredo ay 6 pounds at 1 ounce.

Hindi makapaniwala, pero puno ng galak ang ina ng kambal na si Fatima Madrigal.

“It’s crazy to me that they are twins and have different birthdays. I was surprised and happy that she arrived at midnight,” ang sabi ni Fatima sa Facebook post ng medical center.

Continue reading below ↓

Ang ama naman ng kambal ay si Robert Trujillo.

Sina Fatima at Robert ay may tatlo pang anak, lalaki ang panganay at sinundan ng dalawang babae. Nakatira sila sa Greenfield, California.

Binanggit pa ni Fatima na excited ang kanilang panganay, lalo’t ang isa sa kambal ay lalaki rin.

Hindi malilimutang karanasan naman ito para sa doktor na si Dr. Ana Abril Arias, na siyang tumulong sa pagsilang ng sanggol.

“This was definitely one of the most memorable deliveries of my career,” sabi ng family doctor sa naturang ospital.

“It was an absolute pleasure to help these little ones arrive here safely in 2021 and 2022. What an amazing way to start the New Year!”

Continue reading below ↓

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A pair of fraternal twins in California, U.S.A. were born in different years: the boy was born in 2021, while the girl was born in 2022.
PHOTO/S: Facebook (Natividad Medical Center)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results