Female barkada holds maternity shoot after discovering they are all pregnant!

by Bernie V. Franco
Jan 5, 2022
barkada pregnant
A female barkada of 12 years discovers during a group chat that they were all pregnant. After a few months, they decide to have a maternity shoot. Cherley Mae Nicolas (left photo, far right) says they were all surprised to discover each of them was pregnant.
PHOTO/S: Marvin Ponce photography

Kung dati ay matching bags ang tanda ng friendship ng female barkadang ito, na-elevate na ito ng sabay-sabay nilang pregnancy.

Naintriga ang netizens nang maglipana sa social media ang kuha mula sa maternity shoot ng magbabarkada.

Friendship goals talaga ang female tropa mula sa Davao City na 12 years nang magkakaibigan, o mula pa high school.

Nabuo ang kanilang samahan noong 2009, at nananatiling matatag ang grupo.

Hanggang sa late last year, nagpa-photo shoot ang barkada dahil sabay-sabay silang nagbuntis.

"Simple remembrance lang kasi talaga ang purpose ng shoot.

"It turns out na maraming natuwa...” sabi ni Cherley Mae Nicolas sa ABS-CBN News.

Ngayon pa lang kasing Bagong Taon nag-viral ang kanilang 2021 maternity shoot.

barkada pregnant

Continue reading below ↓

Maging ang kanilang photographer na si Marvin Ponce, manghang-mangha sa ginawa niyang pictorial.

“Na-excite ako, kasi first time kong mag-shoot na group picture na maternity, at mag-friends pa sila.

“Nag-wonder talaga ako paano nagsabay-sabay silang buntis,” sabi ng photographer sa GMA News.

Pagbubunyag ni Cherley Mae, hindi planado ang sabay-sabay nilang pregnancy.

Sa katunayan, ikinagulat at ikinatuwa nila nang madiskubreng buntis pala silang lima.

Nalaman daw nila ito noong August 13, 2021, mismong monthsary ng kanilang friendship.

Nag-uusap daw ang grupo sa kanilang group chat.

Lahad ni Cherley Mae, “That was August 13. Thirteen kasi is our monthsary as a group.

“So, monthly we celebrate, greet each other, 'Happy monthsary,' 'happy 13,' 'happy friendship day.’”

Itinatago raw nila sa isa’t isa na buntis sila. Hanggang sa hindi nakatiis ang isa at nagsabi na ito. Nagsunuran na ring umamin ang apat pa.

“So, yung day na iyon, nagsabi isa sa amin na, ‘’Day, I have news. Haha. Buntis ako.’ Tapos, yun… natawa na lang kaming lahat. Sunud-sunod na nagsabi na ‘ako din, ako din, ako din.’”

Continue reading below ↓

barkada pregnancy

The group donning their similar bags in their high school.

Hindi naman daw lahat sa kanila ay first time mabuntis.

May ibang nagkaroon na ng first babies, pero magkakasunod din ang birthdays ng kanilang mga unang anak.

Hindi rin kataka-taka na ang bawat isa sa barkada ay ninang ng kani-kanilang mga anak.

Continue reading below ↓

Dagdag ni Cherley Mae, nais nilang ipasa sa kanilang mga anak ang closeness nilang magbabarkada nang maging magkakapatid din ang turingan.

HOT STORIES

Use these MetroMart promo codes when you shop or order online. Marami pang ibang coupons dito.

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A female barkada of 12 years discovers during a group chat that they were all pregnant. After a few months, they decide to have a maternity shoot. Cherley Mae Nicolas (left photo, far right) says they were all surprised to discover each of them was pregnant.
PHOTO/S: Marvin Ponce photography
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results