Nesza and Patrick Asuncion do cheerdance stunts at their wedding

by Bernie V. Franco
Jan 7, 2022
wedding cheerdancing
The bride Nesza Asuncion gets tossed in the air at the wedding reception. Meanwhile, her best friend and maid of honor Noelyn Figueroa follows suit. Nesza and Noelyn are former members of the UP Pep Squad.
PHOTO/S: Digital Surf Studio Facebook

Imbes na bridal bouquet ang inihagis pagkatapos ng kasal, mismong bride ang inihagis sa ere ng kanyang groom at ng mga lalaking abay.

Ito ang kakaibang eksena sa kasal nina Nesza Isabel Asuncion at Patrick Asuncion noong December 18, 2021 sa Taguig City.

Hindi kataka-taka na naging tila cheerdance competition ang kanilang reception dahil ang bagong kasal at ang kanilang entourage ay members ng University of the Philippines (UP) Pep Squad.

Habang suot ang kanyang wedding gown, inihagis si Nesza sa ere at nag-perform pa ng stunts. Maging ang kanyang best friend at maid of honor na si Noelyn Figueroa ay inihagis din sa ere ng mga kasamahang male entourage.

Viral ang photos na kuha sa kasal na ginawan ng memes. Sabi sa isang hirit, "bouquet ang peg" daw ng bride sa ginawang paghagis dito.

Pero sa mga future brides, don’t try this at the reception.

Professionals kasi ang bride at kanyang maid of honor. Nag-champion pa sila bilang UP Pep Squad noong 2010 at 2011.

Continue reading below ↓

wedding cheerdancing

(Left photo) Couple Nesza and Patrick Asuncion during their wedding. (Right photo) The couple doing the same stunt even before they got married.

In-enjoy naman ng bride na ni Nesza ang atensiyong nakuha ng kanyang kasal.

Noong January 3, 2022, ,au reaksiyon ang bride tungkol sa pag-viral ng kanyang wedding: “Di kasi ako naghagis ng bouquet, so ako na lang daw tsaka yung bestfriend ko.

Continue reading below ↓

“Who would’ve thought that our wedding will go viral…?"

Pinasalamatan rin ni Nesza ang kanilang coaches—ang isa ay kinuha pa nilang ninang—sa pagti-train sa kanila noong nasa college sila, "...so we could enjoy and share this kind of happiness to everone, anytime, anywhere and in any occasion."

Si Nesza ay isang entrepreneur at freelance actor-model sa TV at commercials.

Continue reading below ↓

Ang kanyang mister na si Patrick ay manager at assistant director of sales sa Dusit College sa Taguig.

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
The bride Nesza Asuncion gets tossed in the air at the wedding reception. Meanwhile, her best friend and maid of honor Noelyn Figueroa follows suit. Nesza and Noelyn are former members of the UP Pep Squad.
PHOTO/S: Digital Surf Studio Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results